Chapter 29 - Main Event

73 9 3
                                    

[Tiffany's POV]

Seven pm na nung pinauwi kami pero kelangan pa naming magstay dito ni Rupert para makapag practice ng number namin bukas. Polish na lang naman ang kailangan namin eh...

"1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, yuko..." ayan nanaman siya... nakakatakot talaga siya pag nag-iinstruct ng sayaw eh...

"1, 2, 3, Turn, 5, 6, 7, down..." pero ang pogi nitong bespren ko na'to kapag nagsasayaw. Maswerte talaga ang magiging girl...

"Ah!" Nako po! Nagkamali ako... dahan dahan akong lumingon kay Rupert na masama ang tingin sa akin ngayon.

"S-sorry..." (^_^)V

Scarrrrrrryyyyyy...

Pero wala naman siyang magagawa eh... hanggang tingin lang yan... Napailing nalang siya sabay sabing...

"From Top!" see... from top daw. Hahahaha!!! Hay tumigil na nga!!! Focus girl! Focus!

Balik naman kami sa pwesto namin sa top. Siya nasa likod at ako naman nasa harap niya at nakaluhod.

"5, 6, 7, and, glide, 2, 3, 4, up, 6, 7, and turn, 2, 3, 4, 5, 6, 7, yuko..."

Tuloy tuloy lang ang practice namin hanggang sa maka dalawang oras kami. Pagkatapos naming sumayaw ay nagpahinga muna kami. Bumili ng dalawang juice at isang sichirya si Rupert at kumain kami sa labas ng dance studio.

"Haah... nakakapagod." sabi ko pagkainom ko ng juice.

"Paanong di ka mapapagod eh puro ka mali..." pang-aasar naman niya.

"Kaw na magaling sumayaw!" sabi ko naman sa kanya sabay siko sa braso niya.

"Ahahaha!!! Alam ko!" pagmamalaki niya naman.

=_______=

Umiral nanaman po mga kaibigan ang kayabangan ng mokong na to!

"Ahh... kamusta na pala kayo ni Nathan?" nabigla naman ako sa tinanong niya.

"Hmmm... ok naman kami... ganun pa din. Nanliligaw pa din siya hanggang ngayon." bakit parang nakakailang ikwento sa kanya ang tungkol sa amin ni Nathan? Eh best friend ko naman siya eh... dapat nga sa kanya ako mas komportable mag kwento eh...

"Gusto mo na ba?" tanong niya ulit habang nakatingin lang sa langit.

-__-

Pwede change topic na lang??? Nakakailang kasi eh...

*Hinga malalim*

"Ang totoo niyan..." humarap muna ako sa kanya bago ko ituloy ang sinasabi ko habang siya kinukuha ang juice niya para inomin. "...mahal ko na siya."

Biglang natigilan si Rupert sa pag-inom sa juice niya pagkasabi ko nun. Instead, nilapag niya na lang yung juice at biglang tumayo. "Mag shower ka na. Ihahatid na kita sa inyo." utos niya habang naglalakad siya palayo sa akin. Bakit kaya? May nasabi ba akong di maganda? O ayaw niya lang talaga kay Nathan?

>>Aquaintance Party<<

[Nathan's POV]

"Hey!!! Ayan si papa Nathan oh!!! Ang pogi niya talaga!!! Lalo na ngayon sa coat niya!!! Papalicious talaga!!!

Asan na kaya yun? Sabi niya mauuna na siya pero hanggang ngayon wala padin siya.

"Oo nga teh!!! Ayan na!!! Dadaan na siya dito!!!"

Hay nako! Kanina pa ako naghahanap dito pero ni anino niya wala! Kayo? Alam niyo ba kung saan siya nagsuot?

"Ayan na dali! Ay!!!" napalingon naman ako dun sa babaeng bumangga sa akin.

Assuming FrogTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon