[Tiffany's POV]
Nakasakay kami sa iisang bike habang nakayakap ako sa kanya... Hindi ko alam kung gaano na ako katagal na nakayakap sa kanya... Hayeee... Feeling ko my mga sasabog ang puso ko... Hindi ako sanay sa nararamdaman ko pero it felt so great. Hay... Feeling ko huminto ang buong paligid. Parang walang kahit ano pa man ang gumagalaw. It is only him and me in this world. HEHEHE!!! Ang saya...
Napadilat naman ako nung biglang may kumalabit sa pisngi ko. Pagkadilat ko...
O__O
Nandito na pala kami... kaya pala nakahinto ang lahat...
"Nakatulog ka ba?" tanong ni Nathaniel sa akin.
"Ah eh... oh... oo. Hehehe!!!" oo na lang. Nagdeday dreaming ako...
"Sige. Una na ako ha..." Paalam ko sa kanya sabay alis. Ano ba yan?! Nakapikit na pala ako ng di ko namamalayan... Kainis... Buti Hindi halatang nag de-day dreaming ako... Sayang. Wala bang extension? Naman oh...
"Tiffany!!!" Napalingon ako nung tawagin niya ang pangalan ko while I'm wearing the brightest smile ever with matching beautiful eyes pa... "YES?"
"Yung bike mo."
*BASAG!!!*
"Ay! Oo nga... hehe..." Nagmamadali akong lumapit sa kanya. Haaayyy... Lutang lang te?! Nung nakalapit na ako at hinawakan yung bike, bigla naman niya hinawakan ang wrist ko na ikinabigla ko... Tinignan ko siya and gave him a "what's the matter" look.
"Gusto mo mag-ice cream?" tanong niya.
Hala siya!!! Niyayaya niya ba akong makipag date sa kanya? Biglang nag glow ang mga mata ko... Date na itech!!! Hayiii... Kinikilig si aketch!!!
"May masarap kasi na ice cream shop malapit dito. Baka gusto mo lang naman." explain niya.
"Sure! Gusto ko yan! Mahilig ako sa ice cream!!!" Sagot ko sa kanya then hinawakan niya yung bike habang ako nasa kabilang side nung bike. Naglakad lang kami papunta sa may ice cream shop since walking distance lang naman... Palubog na pala ang araw... Mediyo nasa likuran niya ako at pinapanuod siyang maglakad. Ang tikas naman tignan ng likod niya. Wow!!! What a term? Hehehe
"Ano pala ang meron sa inyo ni Rupert?" out of no where, bigla niya na lang akong natanong habang patuloy siyang naglalakad.
"Ha? Ah eh... Kababata ko siya." sagot ko naman. Bakit kaya niya natanong? nagseselos siguro to... Hehehe!!! Assuming lang te?
"Ah... ganun ba..." sagot niya naman.
"Mmmhhh... ang totoo, utang ko sa kanya ang buhay ko." pahabol ko kaya naman napahinto siya sa paglalakad at humarap sa akin.
"What do you mean?" tanong niya.
"Mahabang storya eh... Basta minsan na akong nag-agaw buhay nung bata pa ako. at kung hindi dahil sa kanya... malamang patay na ako ngayon. Kaya mahal ko yung mokong na yun eh..." oops... Mali ba yung mga huling salitang binitawan ko?
Tumalikod naman siya ulit at nagpatuloy sa paglalakad hanggang makarating kami sa ice cream shop.
Nag-order na kami ng ice cream 'tas umupo sa bakanteng table dun. Wow... Di naman kami masiyadong pinagtitinginan ng mga students na nakatambay dito no... Nakakailang tuloy kumain... =__=
"So mahal mo si Rupert?" tanong niya sa akin kaya napatingin ulit ako sa kanya. Buti natanong niya! Panahon na para mabawi ko yung sinabi ko kanina.
"Yup! Para ko na siyang kapatid eh..." sagot ko sa kanya.
"Ah... so kapatid lang ang turing mo sa kanya?" -Nathaniel
"Yup. Ikaw pala... parang wala pa akong mga nakikitang kaibigan mo." -me. Pansin ko lang kasi na wala siyang kaibigan sa school... o kaya wala siyang pinapakilala sa akin na barkada niya.

BINABASA MO ANG
Assuming Frog
Fiksi RemajaMy fault, not yours... I don't blame you for the hurt I am feeling right now... It was just all because... . . . . . . . . . . . . . I am ASSUMING FROG.