-1-

85 3 0
                                    

Lifestyle

"LUANAAAAAAAAA!" malakas na sigaw ni Mama mula sa baba.

Tamad akong napabalikwas ng bangon. Etong si Mama naman kase eh ang aga-aga mang-gising. Pagbangon ko, nakita kong natutulog parin yung mga kapatid ko. Kaya Mala demonyo akong tumawa. Ako ang naunang nagising, kaya sila na bahala kung sino sakanila ang mag tutupi ng pinaghigaan namin.

"LUANAAAAAAAAA!" Sigaw ulit ni Mama.

"Anjan na po!" Sigaw ko din at dali-daling bumaba sa hagdan. Muntik ko ng makalimutan, papakainin ko pa pala sina Lucio, Bruno at Manny. Mga Alaga ko sila. Alagang Isda.

Ewan ko ba madaming nagsasabi na 18 na daw ako pero napakaisip-bata ko parin kahit hindi naman talaga. Che!

Bumalik ulit ako sa kwarto, kasi nga diba papakainin ko pa mga alaga ko. Total 6am palang naman. Ewan ko anong trip neto ni Mama ang aga-aga mang gising.

Apat na buwan ko palang inaalagaan sina Lucio, Bruno, at Manny pero sobra na silang napamahal saakin, paano kasi, eh mahilig ako sa Isda. Kahit na palagi akong pinagsasabihan ni Papa na dagdag gastusin lang daw yan, pero wala eh sa matigas talaga ang ulo ko.

Pagdating talaga dito sa alaga ko napakabitter ni Papa lalo na dito kay Manny. Galit na galit siya kasi magkaparehas raw sila ng Pangalan, wala naman akong ibang maisip tsaka ang cute kaya ng Manny! Haynako tong si Papa minsan talaga di ko siya maintindihan.

Hindi naman ako nanghihingi kila Papa ng pera para dito kina Lucio, Bruno, at Manny kasi sa allowance ko naman din binabawas para makabili ng pagkain nila. Ay teka parehas lang nga pala galing parin kay papa ang pera pero basta di na ako humihingi ng extra money.

Niregalo lang naman to sakin ng Boybestriend/Crush ko na si Joaquin noong birthday ko. Madami naman akong kaibigan, pero siya lang yung pinaka best of friend ko. Noong Grade 7 palang, Magbestfriend na kame, at ewan ko ba dun kay Joaquin napakatigas ng Puso di man lang maramdaman na Gusto ko siya. Pero ayun na nga, siya yung nagbigay sakin netong mga alaga ko. Alam niya kasing mahilig ako sa isda hehe! Isa din yon sa mga dahilan kung bakit ko inaalagaan tong mga alaga ko kasi ispesyal yung nagbigay sakin ng mga to.

"Hi mga palamunin! Eto na ang pagkain niyo oh wag na kayong magalit.." Paglalambing ko sa mga alaga ko at saka sila pinakain, Yung dalawa atat na atat na kala mo isang taon di nakakain, si Lucio naman ang sama-sama ng tingin saken. Ano bang problema neto? "Hoy, Sorry na kase...." sabi ko pero tinalikuran lang niya ako. Aba tong baklang to, lakas mag-inarte. Lutuin kita jan eh. Kaazar!



Sabi senyo di ako isip-bata.


Pagkatapos ko silang pakainin, mabilis na akong tumakbo pababa. Dalawang palapag kasi tong bahay namin. Hindi naman kame mahirap, hindi rin naman kame ganoon kayaman na tumatae ng ginto. Simple lang ang buhay namin, Lawyer si Papa at housewife naman si Mama. May Dalawa kameng driver na siyang naghahatid saamin, pero wala kameng mga kasambahay noh sinasanay kasi kame ni Mama sa mga gawaing bahay.

"Bat ba ang tagal mong Bata ka! Magsaing kana habang nagluluto pa ako ng pang-almusal ninyo." Sabi ni Mama at abalang-abala sa pagluluto. Nag-mano naman ako sakanya at saka nagsimulang magsaing.



"Si Papa po ma?"



"Kanina pa umalis, Ano ka ba! Lunes ngayon kaya may trabaho siya!" Sigaw ni Mama. Katakot naman tong si Mama umagang-umaga pero mainit na agad ang ulo. Sanay naman ako kay mama e, lab na lab ko kaya to! Pero--

"WAAAAH Mama naman, lunes na ngayon?" hindi ko mapigilang sumigaw dahil sa gulat. I hate Monday. I hate school huhuhu pero kahit na tamad akong pumasok, may pangarap padin ako.


A Walk Through The Valley Of Shadows (ON-GOING)Where stories live. Discover now