-12-

25 0 0
                                    

Finding Answers


Luana



Teka sa street namin to ah?


Halos magkanda talon-talon na ako sa tuwa ng nasa harap na kami ngayon ng mismong bahay namin. Pero bakit parang andami naman atang nagbago. Ganon parin naman ang itsura ng bahay namin ngunit kumpara sa dati ay mas naging walang kabuhay-buhay ang bahay ngayon. Wala na ring mga halaman. Yung pintura ng mga pader ay nag-iba narin. Pati yung kotse-



"Hindi naman yan yung kotse namin ah." Bigla ko nalang nasabi habang nakatanaw parin don sa may garahe.




"Sigurado ka bang ito talaga ang bahay niyo?" Tanong ni Lorenzo ng mapansin niya ang ekspresyon ng mukha ko.




"Oo Lorenzo, kilalang kilala ko ang itsura ng bahay namin at ramdam na ramdam kong ito yon. Pero andami nang nagbago. Bakit naman ang dali!" Halos mangiyak na ko sa pagsigaw.



"Ang drama mo. Bakit di mo tingnan yung loob." Saad niya na nakapagpabalik ng isip ko.




Tama nga naman, baka yung loob di nila binago. Tsaka oo nga bat ang drama ko eh para dun lang din naman. Napapansin ko nga din nitong mga nakaraan napaka madrama at iyakin ko na, di naman ako ganito.




Pinasok na nga namin ang loob. Hindi ko alam kakaiba talaga tong nararamdaman ko. Bakit ganon? Parang kasi ang tahimik naman ng bahay. Napaka plain na rin tingnan nung loob. Yung ibang furnitures namin wala na, pati narin yung mga paintings at picture frames na naka display sa mga walls, wala na. Nanatili lamang tahimik si Lorenzo at nakasunod saakin.



"Ma! Pa! Andito na ko." Sigaw ko pa habang hinahalughog ang bawat kanto ng aming bahay. "Liana, Brandon, Claude! Oy andito na si ate-"


Natigil ako sa pagsisigaw ng bigla akong hatakin ni Lorenzo sa braso at iniharap ako sakanya. Nakita ko sa mukha niyang nag-aalala siya at tila naaawa pa. Bigla na lamang akong namulat sa katotohanan.






Patay na nga pala ako.




Sinubukan ko nalang ngumiti kay Lorenzo para ipaalam sakanyang ayos lang ako.



"May kwarto kayo sa taas? Subukan mo dun hanapin." Pagsusuhestyon ni Lorenzo.



Sinubukan kong pasukin ang kwarto namin ngunit bigo ako ng makitang wala na ang mga gamit namin don. Wala ring damit doon sa mga Closet at sa drawer namin. As in walang laman. Sinubukan ko pang halughugin ang buong kwarto ngunit bigo parin akong napa-upo sa kama at mas lalo lamang akong nagulat ng pati pala ang malaki naming kama ay wala na. Lahat na nag-iba.




Hindi pa din ako nawalan ng pag-asa. Kaya dali-dali akong nagtungo sa kwarto nila Mama at Papa. Halos manlambot ang tuhod ko ng makitang puro mga antique na bagay ang naka tambak sa kwarto nila.



"Mukhang wala namang tao dito ah." Pagkokomento ni Lorenzo.



Tama siya, mukha ngang wala talagang tao. Parang ay namumuo ng ideya sa Utak ko ngayon. Baka lumipat na sila ng bahay. Bakit ang dali naman para sakanilang umalis dito. Hindi ba nila naisip na andito lahat ng mga ala-alang binuo namin. Yung mga ala-alang kasama pa nila ako at masaya pa kami.



Bigla nalang natigil ang pag-iisip ko ng maka hulog ako ng isang vase na naka display dito sa may hallway ng bahay. Ang lakas ng pagkakabagsak kaya naman wasak na wasak na ito at nagkalat na ang mga bubog sa sahig. Sa sobrang tahimik ng bahay para akong nakagawa ng nakakabinging ingay. Pero hindi yun ang pinagtuunan ko ng pansin, mas nagtaka pa ako ng makarinig ng ingay mula sa baba at habang tumatagal ay mas lalo lamang napapalapit ang ingay na yon saamin.





A Walk Through The Valley Of Shadows (ON-GOING)Where stories live. Discover now