-9-

8 1 0
                                    

Friends


Luana


Lumingon-lingon pa 'ko sa paligid upang mahanap yung lalakeng kasama ko. Kaazar! Pa misteryoso pa siya eh, di ko tuloy alam anong tatawagin ko sakanya.

Ganon nalang ang gulat ko ng may humila sa paa ko at nahulog ako.

"Aaaaaaaaaah!!!!" Sigaw ko at dali-daling umahon sa tubig. Di pa naman ako marunong lumangoy.


At pagmulat ko nga'y, kaharap ko na ngayon ang hinahanap ko.

"Shuta ka pala nag-iisip ka ba?" Galit na sigaw ko sakanya.


Mas lalo lamang nag-init yung ulo ko ng makitang, hawak-hawak na niya ang tiyan niya sa kakatawa. Bwiset!

Naliligo pala siya sa ilog kanina, at bigla na lamang akong hinila. Wala ba siyang matrip sa buhay niya? Hindi ko namalayang dahan-dahan na pala akong lumalayo at syempre di ako lumingon pabalik sa pwesto niya. Asa siya!

Pati ako dinadamay niya sa katarantaduhan niya. Basang-basa na tuloy ako. Hindi ko namalayan kung saan ako dinadala ng paa ko, basta lalayo na ko sakanya talaga. Kala niya ha.

Ang lakas talaga ng loob ko naniloloko lang ako ng mokong nayon. Sabi niya tutulungan niya ko? Pero ano to? Ilang disgrasya pa ata ang aabutin ko bago niya ko tulungan. Kung ganon lang naman ang kapalit ng pagtulong niya sakin, edi mas mabuti nalang na mag-isa ako.

Napakadaming ibon kahit siguro buong araw akong nakatanaw sakanila di ako magsasawa, talagang napakaganda nilang pagmasdan. Napaka-aliwalas pa ng paligid, napakagandang tanawin. Nakalayo na ko sa Ilog kaya puro halaman na naman ang nakikita ko, siguro kahit katiting na basura wala akong matatagpuan dito.


Nang mapagdesisyonan kong umupo muna, di ko namalayan na ang tagal ko nang naglalakad. Di ko namalayan na tuyo na pala yung damit ko at nawala sa isip ko na may iniwan nga pala akong kasama.

"No.. Luana..No... Wag kang makokonsensya okay? Kasalanan niya yon kaya nababagay lang yon sa-"

"Sinong kausap mo?"

"Ay palaka!!!"


Nagulat nalang na ako ng makitang kaharap ko na ngayon ang napakagandang babae, siguro magkalapit lang ang edad namin matangkad lang siya ng konti. Parang tuloy kaharap ko na ang isang Anghel ngayon. Teka patay nako diba? Baka nga Anghel tong kaharap ko-

"Hey!" pagtawag niya ulit


"Ay Anghel!" biglaang pagsigaw ko bakit ba palaging nanggugulat tong babaeng to. Nakita kong natawa siya sa sinabi ko kaya nagkasalubong ang kilay ko at tumingin sakanya.

"Hi! Ako nga pala si Tashana, you can just call me Tasha!" pagpapakilala niya at ngumita ng malawak sakin. Para tuloy akong natunaw. Ano ba nakakatomboy naman talaga tong pagmumukha niya eh.

Bago pa man niya ko gulatin uli. Nagpakilala na rin ako. She seemed Nice. Parang sa ganyang itsura niya eh di niya kayang magmura. Kakainggit naman.

"Luana! You can just call me Lua." Ginaya ko siya at ang pananalita niya, kahit hindi naman talaga Lua ang palayaw ko. Lua ampucha.

"What?" She giggled

"Charot lang, just call me Joy second name ko kasi yun eh hehe!"

"Alright. Nice meeting you Joy!"

A Walk Through The Valley Of Shadows (ON-GOING)Where stories live. Discover now