-2-

51 3 0
                                    


School life



Ayon normal padin naman ang buhay ko kahit na stress na stress na ako,
5 pm na at kakarating ko lang galing school. Wow kala mo naman kung sinong study hard. Pero kahit boploks ako na-iistress padin ako sa school noh.


Yung kailangan mo pa magising ng maaga, gumawa ng homeworks at projects (Kahit labag sa kalooban ko) pero mostly si Brandon lang naman gumagawa hehehe!


Lagi ko na namang nakikita 'yong crush kong manhid. Sing tigas ng bato ang puso. Nako!


Napakagwapo niya kasi bwiset! Paano! May lahing foreigner kasi, yung tatay niya Australlian at Nanay niya Pinay pero matagal nang hiwalay ang parents niya. Only child siya kaya nabibigay sakanya lahat ng gusto niya. Ako kaya, Gusto niya? Syempre hanggang panaginip nalang yan.



Salmon yung apelyido niya, kay mas lalong nakaka-inlove. Luana Joy M. Salmon. Sobrang bagay.


Mahubog rin ang kanyang katawan may sarili din kasi silang Gym sa bahay kaya, hmmm isang titig palang ulam na. Charot!


Jusko tong kalandian ko. Lord patawarin niyo po ako.



Matangkad siyang tao kasi Basketball player din at back to back MVP pa Odiba. Napaka perpekto ng panga niya mas lalo tuloy siyang nagiging attractive, Yung pilik mata niya ang kapal actually pwede na siyang pangwalis ng mga alikabok , yung mata niya na siyang nagpapatunanay ng lahing mayroon siya. ilong niyang kasing taas ng gusali, makakapal na kilay, at ang mapulang labi. Potangsyet! sarap halikan!


Charot!



Napaka-inosente niya talaga e noh? Yung ibang kaklase ko nga alam na alam na patay na patay ako sakanya pero si Joaquin? Pusong bato amputa.



-



Mabilis lang nagdaan ang araw at Miyerkules na ngayon, wala namang bago eg. Labas pasok parin ako sa Guidance office, wala namang masama sa pagbibigay sa kapwa diba? pero na guidance parin ako. Feeling ko mga guro na talaga may problema.





Flashback



Kasalukuyan akong andito sa tindahan ni Aling Carmen, paborito ko kasi tong bunutan niya. Nakaka-enjoy. Kahit na lugi naman ako palagi, dito kasi nauubos yung pera ko.

Kainis!Kanina pa kasi ako bunot ng bunot dito, piso lang naman ang bayad kaya go na. Malay mo makaswerte. Naka 23 pesos nako pero puro mga poks at Jolens lang naman nakukuha ko. Nakipag-away panga ako dun sa Grade 1 na gusto ding bumunot!

"Ate kanina kapa eh, ako naman!" sabi ng isang batang babae na sa kulay ng chord ay mapaghahalatang grade 1 palang.

"Ako nauna eh, tsaka hanap ka nalang iba don bata oh mas maganda kaya dun!" Sabi ko at sabay tinuro sa bata ang tindahan ng Candy.

"A.YO.KO!" mataray na sabi ng bata at ini-snob pa ako. Aba-aba tong bata na to, Grade 1 palang alam na alam na mag maldita.

"Che! Nauna ako, at aalis ako kung kailan ko gusto!" pagmamaldita ko din sakanya dahil natatakot ako baka mas maswerte pa tong batang to kesa sakin at baka siya pa makakuha nung Spongebob na Stuff toy, yun pa naman ang gusto kong makuha. Paborito ko kasi si Spongebob! Ba't ba?!

"HUHUHUHU!" Nanlaki naman ang mga mata ko ng makitang napaiyak ko ang Bata.


"Nako! Patay ka Ineng, Sundalo tatay niyan!" Pakikisingit ni Aling Carmen. Bigla naman akong kinilabutan dahil don, nanglalaki ang mga mata ko napalingon sa bata.


A Walk Through The Valley Of Shadows (ON-GOING)Where stories live. Discover now