-8-

19 1 0
                                    

Comeback




Luana






"Patay kana?" ulit na tanong ko sakanya.




Tulad kanina hindi niya parin sinagot ang tanong ko at nanatili lamang na nakatingin at nakatulala sa isang bagay.



"Hoy!"



Nagulat naman siya sa biglang pag sigaw ko sa mismong tenga niya.



"tsk ano ba?!" iritadong tanong niya



"Wow! Ang kapal ng mukha mong sabihan akong patay tas ngayong tinatanong kita di mo naman ako sinasagot-"



"Fine. I'm dead. Happy now?" Walang ka-emo-emosyon niyang sambit na ikinagulat ko.




"You got to be kidding me!" Di makapaniwalang sabi ko.



"Siraulo ka ba babae!" Aniya, at sa pagkakataong ito, iritadong iritado na talaga siya



"I-ibig s-sabihin b-ba n-nito." Bumuntong hininga muna ako at pinigalan ang sariling wag lumuha. "p-patay n-narin....a-ako?" nanginginig na ang nga kamay at tuhod ko habang tinatanong ito sakanya.



Nakita ko namang biglang lumambot ang kaninang galit niyang mukha, na tila naaawa saakin.




Tumango lang siya bilang sagot.




"NO....WAYYYY! Andami ko pang pangarap!! Hindi pa ako patay, babalik pa ako sa pamilya ko!!! Makakasama ko pa si Kinkin!!! Aalagaan ko pa ang mga isda ko!! Hindi ako pwedeng mamatay!!! Hindi...Pa...Ako...Patay!"




"Alam kong Mahirap tanggapin, pero wala na tayong ibang magagawa." Malungkot niyang saad na sinagot ko agad ng madaming iling.



"Hindi...hindi...yan totoo, babalik ako!" Sigaw ko sakanya.



Hindi na siya sumagot at pagbaling ko sakanya'y nakayuko lang din siya. Kasalukuyan kameng naka-upo sa damuhan, nasa kagubatan parin kame at di ko tuloy matukoy kung anong oras na dahil mula kanina hindi padin dumidilim ang kalangitan.




Bigla naman akong nakaramdam ng guilt dahil sa pag sigaw ko sakanya kanina.



"Hey!" Pagtawag ko sakanya pagkatapos kong maka recover sa pag-iyak kanina.




Napalingon naman siya saakin ng mukhang nagtataka, ang there he goes with his blank expression.



"Sorry." Saad ko, dahil hindi ako sanay tuwing may nasasaktang tao.




Tinignan niya naman ako ng puno ng pagtataka at tila hindi maintindihan ang sinabi ko.




"Sorry na nga kase..." Sabi ko sabay pout, madalas ko kasi tong gawin kina mama't papa tuwing may nagagawa akong kasalanan. Gumagana naman siya kasi napapaawa ko sila pero hindi naman palagi minsan nga mas naiinis pa si mama eh.





"Hey, wipe your tears. Just stop crying."




Otomatiko akong napalingon sakanya dahil sa kanyang sinabi.




"Hindi ako umiiyak!" Pag tutol ko sa kanyang sinabi. Imbes na sagutin ako, pinahid niya ang luha ko gamit lamang ang kamay niya.




"Tss." Sabi niya pagkatapos punasan ang luhang lumandas sa pisngi ko, di ko man lang naramdaman na umiiyak na palako.




Nang muli akong mapalingon sakanya. Wala na namang mababakas na ekspresyon sa kaniyang mukha. Blanko na naman.




A Walk Through The Valley Of Shadows (ON-GOING)Where stories live. Discover now