iii

92 10 5
                                        

LUCIFER'S VACATION
CHAPTER THREE





“Ate Ginger, is... me handsome?” Natigil ako sa pagdidilig ng mga halaman dahil sa paghatak ni Owen sa suot kong t-shirt.

Tinignan ko ang anim na taong batang lalaki na nakatingala sa'kin at nakanguso. Inabot ko ang matambok nitong pisngi at naupo para magkapantay kami. “Owen, dapat 'Am I handsome?' 'yun, 'di ba? Para naman sagutin ang tanong mo, hindi ka guwapo.”

Bahagya akong natawa nang bumagsak ang balikat ng paslit at lalong humaba ang nguso. Binitawan ko ang hawak na lagadera. I cupped both of his cheeks and kissed his nose. “Kasi ang cute-cute mo. Ikaw ang pinaka cute dito sa orphanage at sa buooong mundo.”

“Pero hindi po ako pogi?” Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon niya. Kulang na lang ay maghugis puso ang mga mata ko sa paghanga sa ka-cute-an ng batang 'to.

Ginulo ko ang buhok niya. Nakakagigil ang ka-cute-an. “Jino-joke lang kita. Siyempre pogi ka, pero i-enjoy mo na ang pagtawag ko sa'yo ng cute. Paglaki mo, marami nang tatawag sa'yo ng pogi tapos magkakaroon ka ng maraming maraming girlfriends.”

Nagusot ang ilong niya at kinuha ang lagadera sa gilid ko. “Ikaw lang po ang gusto kong gelfren paglaki ko, ate Ginger.” Tinalikuran niya ako at diniligan ang mga bulaklak sa gilid ng pader. Hindi na ganon karami ang lamang tubig noon kaya hindi naman nahirapan ang paslit.

Naupo ako sa tuyong damo habang pinapanood siya. “Kumusta nga pala ang school? Mababait na ba sa'yo ang mga classmate mo?” Dahil sa kyuryosidad ay naitanong ko. Grade one si Owen at nung huli, ang balita ko'y nahihirapan pa siyang mag-adjust.

Biglang tumuwid ang likod niya at alam ko na agad ang sagot. Owen is never good at making friends. Bago ko pa siya nakasundo noon ay ilang beses ko pa siyang sinuhulan ng paborito niyang yema cake.

Humarap siya sa'kin na nangingilid ang mga luha sa mata. “Kasi naman ate Ginger... 'Yung sina Khian at mga kasama niya lagi akong tinutukso na... wa-walang magulang. Alam... Alam ko naman... naman yun, e.” Parang may pumisil sa puso ko nang pumiyok ang boses niya habang nagkukuwento.

He's only six years old but he's a brilliant kid. The first conversation we had when we're already close was about how he understand his mother for giving him to the orphanage. Para akong nakikipag-usap noon sa matanda.

Tumayo ako, pinagpag ang kamay at kinuha sa kamay niya ang lagadera saka ibinaba sa lupa. Ipinulupot ko ang braso sa katawan niya at mahigpit siyang niyakap. Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko lang siyang umiyak sa balikat ko.

“Tapos... Pinagtatawanan nila ako 'pag nagkakamali ako sa English,” sisinghot-singhot na sumbong niya. “Lahat naman kami sa iskul namin nagkakamali sa english pero kapag ako na, lagi silang tumatawa.” Lihim akong napangiti habang hinihimas ang likod niya. Kahit ilang beses ko nang sinabi na 'classroom' nila iyon at hindi 'school' ay hindi niya pa rin matandaan. Tuloy-tuloy ang sumbong niya sa kung anu-anong bagay at nakalimutan na ang dahilan kung bakit siya umiiyak.

Bakit ba ang cute talaga ng batang 'to? Kung maayos lang ang pag-uuwian ko sa kaniya ay ako na ang umampon dito.

“Ginger, hija, tara muna sa loob at magmiryenda.” Napalingon ako sa gilid at nakita si Sister Coreen na nakalabas ang kalahating katawan sa pinto. “Si Owen ba iyang yakap mo? Kanina pa 'yan hinahanap ni Sister Anna dahil hindi pa raw naliligo.”

Pinaningkitan kong saglit si Owen bago ibalik ang tingin kay Sister Coreen. “Susunod na po kami, Sister.” Ngumiti itong saglit bago pumasok na uli sa loob ng bahay.

“Sorry po, ate Ginger. Maliligo na po talaga dapat ako pero nalaman ko po ang english sa pogi kaya pinuntahan agad kita.” Agad na pagpapaliwanag niya bago pa man ako makapagsalita.

Lucifer's VacationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon