LUCIFER'S VACATION
CHAPTER SEVEN"Sigurado ka bang hindi mo na kailangan magpahatid, Luya? Break time naman namin, puwede kitang samahan pag-uwi kesa naman nag-aalala kami dahil diyan sa kalagayan mo," hindi binibitawan ni Roxy ang kamay ko simula pa kanina nang makarating kami sa pinaka malapit na waiting shed.
Inihilig ko ang ulo sa balikat niya. "Nasabi ko na sa inyong lahat na okay lang ako. Siguro kulang lang ako sa tulog," sabi ko saka sinundan nang tawa.
"Ikaw naman kasi parang may mga pinapakaing anak kung makapagtrabaho. Wala ka nang nagiging pahinga," malumanay ang boses nito kaysa sa karaniwan.
"Maayos na talaga ang pakiramdam ko, swear, kaya 'wag nang kung anu-ano pa 'yang sinasabi mo. Sa katunayan, pwede ka nang bumalik duon. Hindi kaya ng tatlo lamang iyong shop. Promise, tomorrow, I'll be my usual self."
Bago ko pa siya napilit na bumalik sa shop ay halos luhuran ko na.
Naupo ako sa bench at marahas na pinaypayan ang sarili gamit ang nadampot na dyaryo sa tabi, nag-iisip kung saan pupunta.
Ganitong oras naman kasi ay nandun pa si Mama. Hindi naman ako masokista na enjoyment ang sakit. Gusto ko ring tumakas.
Ipinikit ko ang mga mata saka idinuyan ang mga paa. If I'm my past self, I would just think of ending my life right here and now. O kaya naman ay maglalayas, lalayo at hindi babalik hanggang sa si Papa na mismo ang sumundo sa'kin.
Papa..
Tila may gumapos sa puso ko at pinisil iyon. Ilang buwan na rin pala ang lumipas noong huling dalaw ko sa kaniya.
Lumilipad ang isip ko hanggang sa makasakay sa isang jeep. Nakadungaw sa bintana, hindi ko alam kung saan ang sinabi ko sa tsuper at kung saan ang tungo. Kung saan man ako ibaba, edi bahala na.
I found myself in front of Fortitude's Home. Pumikit akong sandali bago napagdesisyunang pumasok sa loob.
“Oh, hija, napadalaw ka sa araw ng trabaho?” Pambungad sa'kin ni Sister Anna nang makita ako.
Ngiti ang unang isinagot ko saka nagmano, “Maaga po akong pinauwi, sa bahay naman po ay walang gagawin kaya naisip kong bumisita na rin ho rito.”
“Ah, ganun ba? Tamang-tama at nagmi-miryenda ang mga bata sa loob. Halika't paniguradong miss ka na ng mga iyon.”
Tumango ako at sumunod papasok ng bahay ampunan.
“Mga bata, narito ang ate Ginger niyo!” Anunsyo ng madre.
Isinuot ko ang pinaka malawak na ngiti at iwinaksi ang mga gumugulo sa isip ko nang isa-isang magtakbuhan papunta sa'kin ang mga bata.
“Ate 'di ba po dapat next week pa ulit punta mo rito kasi may trabaho ka pa?” Untag ni Carol.
Lumuhod ako para magkapantay kami. “Pahinga ko ngayon, bakit, ayaw niyo bang naririto ako?” Biro ko.
Sabay-sabay na nag-ilingan ang mga ito. “Hindi po, ate! Miss nga po namin makipaglaro sa'yo e. Lalo na po si Owen, lagi niya po kayong tinatanong kay Sister Victoria kung kailan ulit kayo dadalaw dito.” Litanya ni Sally, eleven years old at pinaka matanda sa lahat ng nga bata.
Nuon ko lang napansin na wala si Owen sa mga batang nakapaligid sa akin. “Oh, nasaan si Owen ngayon?”
Para sagutin ang tanong ko ay dumating ang humahangos na si Sister Coreen. Agad akong tumayo at dinaluhan ang Ginang.
“Sister, bakit po? May sumusunod ba sa inyo?”
“Ginger? Naku, buti't nandito ka! Si Owen...” Pinatong nito ang isang kamay sa balikat ko bilang alalay habang hinahabol ang hininga. “Ang batang iyon! Pumasok duon sa abandunadong bahay sa kabilang barangay. Hija, hija... Alam mo namang walang pumapasok sa bahay na iyon na lumalabas pang buhay. Diyos ko, napaka kulit talaga ng batang iyon. Sinabi ko nang 'wag aalis sa tabi ko ngunit hayon at hindi ako pinakinggan...”

BINABASA MO ANG
Lucifer's Vacation
FantasiAng hindi nakatutuwang pakiramdam ng pagkabagot na bumalot sa buong pagkatao ni Lucifer ang nagtulak sa kaniya na umalis nang panandalian sa impyerno at magtungo sa mundo ng mga mortal. Wala siyang balak maghasik ng lagim o kasamaan, gusto lamang ni...