vi

25 2 1
                                        

LUCIFER'S VACATION
CHAPTER SIX

It's better a year late than never! Sa mga patuloy na naghihintay nang update, thank you so much! I mean it, from the bottom of my heart! 💚

"Ang aga mo, ah."

I looked up. My lips automatically turned into a smile when I saw Roxy. It seems like my whole system was automated to smile in front of people.

"Hindi naman. Halos kadarating ko lang din." Tumayo ako at pinagpag ang pang-upo. Ang totoo ay kanina pa akong nakaupo sa harap ng shop. Wala akong naging tulog dahil sa nangyari kagabi, dahil sa eskandalong nakasali ako ay pinayuhan muna ako ng management na huwag na munang pumasok sa trabaho. Ni hindi ako dinalaw ng antok kaya naman maaga na lang akong bumangon, nag-iwan ng pagkain para kina Mama tapos ay dumiretso na rito.

"Nga pala, nakita mo ba yung balita kagabi? Grabe ang suwerte nung matanda, ano?"

Pumasok na kami at binaba ang bag namin sa pinaka malapit na lamesa.

"Anong balita?" Takang tanong ko.

Nginiwian ako nito. "Nakalimutan ko, wala ka na nga palang time manood ng mga balita. Alam mo naman siguro kung ano 'yung lotto 'di ba?"

"Baliw, siyempre naman no!"

"Nung hapon in-announce yung mga winning numbers tapos kaninang umaga binalita na may nanalo ng jackpot prize. Ang suwerte, grabe! Nai-imagine ko yung tumataginting na 300 million pesos!"

"Tapos, ano? Sinong nanalo, mayaman din?" Pumait ang mga salitang lumabas sa bibig ko.

Ipinupusod na niya ang buhok nang lingunin niya muli ako. "Eto naman, masyadong ano sa mga mayayaman."

"Wala naman akong ibang sinasabi. Ang akin lang, mas deserve kung 'yung mananalo ay yung nangangailangan talaga. Malaking pera rin iyon."

"Oo na, anghel kong kaibigan. Huwag kang mag-alala, matandang babae raw ang nanalo. Walang binigay na ibang detail kundi iyon pero kalmahan mo lang, ha. Okay na ba feelings mo?" Natatawa niyang sabi saka kinuha ang bag niya at pumunta sa locker room.

"Good morning, Ginger! Kay ganda ng umaga ngunit mas gaganda ito kung hindi nakabusangot ang 'yong mukha, mas gaganda ito kung ang iyong nakakahalinang ngiti ay 'yong ipapakita!" Maagang pag-iingay ng bagong dating na si Florence.

Ngumiti na lamang ako. "Ano namang nakain mo at bigla kang naging makata?"

"I heard that women nowadays like poetic gentlemen. Kaya naman nilalabas ko lang ang natatago kong galing sa mga ganitong bagay para makahakot ng maraming dalagang Pilipina," he expressed an exaggerated laugh as if that's the greatest idea he had.

"Nandito na ba si Roxy?" bigla niyang tanong.

"Oo, nilalagay lang ata 'yung mga gamit niya sa locker."

"Sige, maraming salamat binibini." Tinapik niya ako sa balikat at saka nilampasan.

Hindi ko mapigilan na mag-cringe dahil sa sinabi niya. Hindi bagay sa isang Florence Buenavista ang maging makata. Hindi ko lang masabi dahil baka masaktan ang damdamin niya.

Papunta na rin ako sa locker room nang makasalubong ko si Flo at Roxy, minumura pa ng huli si Florence. Expected ko na iyon, parang aso't pusa na talaga 'yang dalawa kahit noong unang pagkikita pa lang.

"Luya, tignan mo 'tong si Roxy, nananakit na naman," tumakbo ito papunta sa likod ko at parang batang nagsusumbong.

"Aba, kanino bang kasalanan? Sinong manyak ba ang basta na lang pumasok sa locker room kahit alam naman siguro na may babaeng nagbibihis, ha?"

Lucifer's VacationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon