LUCIFER'S VACATION
CHAPTER FOUR"Ginger, table twenty-one, oh." Kinuha ko ang tray na nasa counter at luminga-linga para hanapin ang table twenty-one. Nang makita ay agad ko itong nilapitan.
Nagkasalubong ang paningin namin ng babaeng customer. Ngumiti ako. "Good morning, ma'am. This is your cappuccino and your croissant," sabi ko habang inilalagay sa mesa ang in-order niya.
Tumango lang siya kasama ng isang mahinang 'thank you'.
Every weekdays, I work from six am to one pm at Desiree's Coffee & Pastry as a waitress. Halos tatlong taon na akong nagta-trabaho rito at kasundo ko lahat ng mga kasamahan ko, lima lang naman kasi kami.
"Luya, salo."
Mabuti na lang at mabilis ang reflexes ko at nasalo agad ang binatong water bottle ni August. "Thanks," sabi ko bago uminom. Ngumiti ito sa'kin bago lumapit sa iba naming kasamahan at binigyan din sila ng tig-iisang bote ng tubig. Ang pogi na, mabait pa. Sino bang magkakagusto rito? Syempre marami! Isa na ako roon. Isa lang naman ako sa mga nabihag ng nakabibighani niyang ngiti. Haayy.
August Manuel is our dear manager. Alam kong Sir dapat ang tawag ko sa kaniya pero sabi niya sa'min noon, "Drop the formalities. Nasa iisang trabaho tayo kaya dapat komportable tayo sa isa't isa. Let's talk casually and have fun while working our asses off."
Doon na nag-umpisa ang paghanga ko sa kaniya. Ang cool kasi niya mula sa pananamit, sa pagkilos, at lalo kapag nagsalita na. There's something about his voice that I like the most. Ang soothing kasi. Buo pero hindi maangas pakinggan.
"Relax, Ginger, si August lang 'yan."
Napatuwid ako ng tayo at napalingon sa gilid ko. Mahina ko itong hinampas sa braso nang mapagtanto kung sino. "Huwag ka ngang manggulat, Roxy. Baka atakihin ako sa puso nang dahil sayo."
She chuckled. "Kung hindi ka ba naman kasi nakatulala kay Mr. Manager edi sana ay naramdaman mo na ang presensiya ko kanina pa."
Alam kong pinamumulahan na ako ng mukha. Nakakahiya!
She's Roxanne Pelaez, waitress din dito katulad ko. Ayaw niya sa pangalan niya dahil masyadong mahaba kaya naman Roxy ang tawag namin sa kaniya. At first I thought Anne would be cute pero nakatanggap lang ako ng isang batok. Masyado raw pambabae. Hindi ba pati naman ang Roxy?
Kaming dalawa lang ang babae rito pero pakiramdam ko ay ako lang mag-isa. She's not a lesbian but she have this boyish aura, mas tigasin pa ang dating kesa sa mga kasamahan naming lalaki. Hindi naman naging hadlang 'yon para maging best friend ko siya.
Siya pa nga ang madalas makahuli sa'kin na nakatingin kay August. Kaya lagi akong tinutukso!
"Go back to work. Baka mapagalitan ka ni August. Alam mo naman 'yang manager natin, mabait pero strict 'pag working hours," sabi niya at tinapik ako sa balikat.
"Roxy, table four," ani Florence at nilapag sa counter ang tray.
Nakakunot-noong hinawakan ni Roxy ang tray at sinamaan ng tingin ang lalaki. "Ilang beses ko nang sinabi sa'yo na tawagin mo akong ate? Walang galang." Ayaw magpatawag ng Anne pero gusto tawaging ate.
"Ilang beses ko na ring sinabi sa'yo na ilang buwan lang ang agwat natin?"
Inungusan lang ito ni Roxy at inihatid na ang order na hawak.
Florence Buenavista, self-proclaimed cutie counter attendant ng DCP. Hindi naman kami umaangal, cute naman talaga ang lalaking ito. Sa edad na twenty-six ay baby face pa rin. Maputi, at idagdag pa ang self-proclaimed ding pamatay na dimple.

BINABASA MO ANG
Lucifer's Vacation
خيال (فانتازيا)Ang hindi nakatutuwang pakiramdam ng pagkabagot na bumalot sa buong pagkatao ni Lucifer ang nagtulak sa kaniya na umalis nang panandalian sa impyerno at magtungo sa mundo ng mga mortal. Wala siyang balak maghasik ng lagim o kasamaan, gusto lamang ni...