v

118 8 1
                                    

LUCIFER'S VACATION
CHAPTER FIVE




Dumiretso ako sa kwarto ko nang makauwi sa bahay. Kumuha ako sa aparador ng mga komportableng damit. T-shirt at hanggang tuhod na shorts.

Itinali ko rin ang mahaba kong buhok bago lumabas ng kwarto at kunin ang walis tambo sa likod ng pinto. Winalisan ko ang buong bahay at nagpunas na rin ng sahig.

This is my everyday routine. Pagkauwi galing sa coffee shop, diretso ako sa paggawa ng mga gawaing bahay. Mula sa pagwawalis, pagluluto ng kakainin ni Gertrude pag-uwi galing school, pati sa paglalaba ng isusuot nila ni Mama para sa kinabukasan.

Matapos ang lahat, pagod at pawisan akong naupo sa maliit naming sofa pagkatapos. Itinutok ko sa'kin ang electric fan saka pumikit. Ah, presko! Nanlalambot ang bawat parte ng katawan ko. Para akong papel na hinayaang liparin ng hangin. Pumikit ako at piniling humimbing saglit.

Hindi kalakihan ang bahay namin pero medyo mahirap linisin. Wala kasi kaming kisame, katabi pa ng daan kaya kahit maya't maya linisin ay hindi mawawalan ng alikabok.

Ilang minuto akong nakaidlip sa tapat ng bentilador nang maalimpungatan ako. Inunat ko ang mga binti saka tumayo at pumunta sa kwarto. Pagkabukas ng pinto'y sumalubong sa'kin ang repleksyon ko mula sa full body mirror na nakakabit sa pader na nasa kabilang dulo ng kwarto ko.

I walked towards it. Pabigat nang pabigat ang pakiramdam ko habang humahakbang. I stared at my reflection for a moment. Nang abot kamay ko na ang salamin ay marahan ko itong hinaplos.

“How are you?” Halos pabulong kong tanong sa sarili. Hindi ko alam kung dahil ba sa kagigising ko lang o sa pagod pero parang may nakabara sa lalamunan ko.

Kumusta nga ba ako? Hindi ko alam.

Kahit araw-araw akong nagta-trabaho at nakikisalamuha sa mga tao, walang kahit sino ang nagtatanong kung ayos lang ba ako. Kahit gaano karami ang pumalibot sa'kin ay para pa rin akong mag-isa. Ni hindi ko na alam ang dapat isagot sa tanong na iyon.

Should I tell them the truth or smile and keep this facade?

Hindi ko namalayang tumutulo na ang mga luha ko. Pinapanood ko na naman ang sarili kong umiyak. Nakikita ko na naman kung paano ako magdusang mag-isa.

I'm living a cursed life. Pinanganak lang ata ako para pahirapan sa buhay na 'to.

Nasapo ko ang bibig at lalong bumuhos ang mga luha. Looking back at the past, I deserved this. Tama lang na magdusa ako pero bakit ang tagal? Ilang taon na ang nakalipas pero parang nakakadena pa rin ako. Hindi ako hinahayaang makawala sa kasalanang nagawa ko noon.

Hindi maskara ang meron ako kundi tila cocoon. Hindi madaling alisin at walang may kahit katitiing na ideya kung anong nangyayari sa'kin sa loob.

Ilang beses akong naubo at sinapo ang dibdib. Kinakapos ng hininga. Kasing lakas ng tubig sa naiwang bukas na gripo ang paglabas ng mga luha mula sa mga ko.

May nakakarinig ba sa'kin? Ayaw ko na. Ilang beses na akong sumuko pero bakit hindi na lang tapusin ng Diyos ang mga paghihirap ko?

Siyam na taon. Sa loob ng mga taong iyan ay hindi ko nakalimutang sumimba, paglaanan ng oras ang Panginoon, at pagsisihan ang ginawa ko. Pilit kong pinapatatag ang pananampalataya ko pero tuwing mag-isa, hindi ko lang mapigilan ang sarili kong magtanong kung bakit naghihirap pa rin ako. Kung bakit hindi pa rin lumuluwag ang pakiramdam ko.

Calm down, Ginger... Inhale... Exhale...

Hihikbi-hikbi pa. Gamit ang laylayan ng t-shirt ay pinunasan ko ang basang mukha. Wala nang magagawa ang pag-iyak ko. Baka biglang mapaaga ang uwi ni Mama at madatnang wala pang kahit anong luto sa kusina. Mahalaga ang bawat oras sa'kin. Hindi dahil gusto ko, kundi kailangan.

Lucifer's VacationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon