LIWASAN

4.3K 37 0
                                    


Naalala mo pa ba noong tayo'y nagtagpo?
Sa dinami daming tao sa pasyalan na ito
Nagsalubong ang ating mundo
At nakilala ko ang isang katulad mo.

Simula noong nakilala kita,
Ito ang lagi kong pinupuntahan mag-isa
Baka sakaling makita ka,
At pagtagpuin muli tayo ni Bathala.

Ito ang nagsilbing lugar na kung saan tayo mismo ang bumuo,
Na kahit napakalaki at napakaraming tao
Ay di malabong masilayan ko
Ang taong magpaparamdam sa akin nito.

TULA💕Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon