SIYA

936 8 1
                                    


Munting binibini,
Tila nakuha mo ako sa iyong magagandang ngiti
Pati na rin ang puso ko na sa una ay iba ang minimithi
Ngunit sa iyo pala titibok bandang huli.

Ikaw ang nakikita ko sa harap ng altar na aking makakasama,
Kahit kay tagal pa nito ay hihintayin kita
Dahil ayoko na muling sumubok sa iba
At alam ko ngayo'y natagpuan na kita.

Sa iyong simpleng ganda,
Hihintayin ko ang pagsapit mo sa edad na kung saan tayo ay pwede na
Mangangarap tayong dalawa
Kasama ang Diyos na sa ating dalawa ay papagitna.

TULA💕Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon