AKO BILANG AKO

780 7 0
                                    


Marahil ang iba ay di tanggap ang isang tulad ko,
Kung paano ako manamit, pumorma o kumilos na di naaayon sa paningin niyo
Ngunit masama bang maging ako?
Kaysa pilitin ang nais niyong makita bilang sarili ko.

May kalayaan tayo
Kaya mas pinili kong magpakatotoo
At mas ginawa ko ang mas magpapasaya sa sarili ko
Dahil aanhin mo ang mga sinasabi niyo kung hindi naman ako magiging tunay na ako.

Mas maganda maging kakaiba,
At lumikhang panibago sa paningin nila
Dahil hindi ako nabuhay para sa kagustuhan ng iba
Kundi sa kalayaang binigay sa akin kung paano ako haharap sa bawat isa.

TULA💕Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon