PANULAT AT KAPIRASONG PAPEL

548 5 0
                                    


Hawak ko ang aking dalawang sandata,
Na ipaglalaban ang aking puso't kaluluwa
Ipapahayag ang damdaming hindi masabi sa iba
Hangga't mabasa nila ang tinig ng aking mga piyesa.

Sisimulan ko sumulat,
At unti unting aalalahanin ang mga sakit at sugat
Pati na rin ang kasiyahan na nag ugat
Upang ako'y gumamit ng kapirasong papel at panulat.

Hindi ako magaling sa pagsasalita,
Kaya mas pinili kong makita mo ang aking madarama
Sa paggawa nitong mga tula
Na may linya, saknong at tugma.

TULA💕Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon