GUSTO KITA PERO HINDI PWEDE

733 6 0
                                    


Tititigan na lamang kita,
Kung paano mo nabihag ang aking mga mata
Habang ika'y aking pinagmamasdan tila ako ang nalulusaw
Mas pipiliin kong manahimik na lamang kaysa ang aking nadarama ay isigaw.

Lalapitan na sana kita,
At ipapahayag sa iyo ang aking nadarama
Ngunit ako ay napahinto
Dahil hindi nga pala pwede ito.

Masaya na siguro
Yung kahit minsan napapansin mo ako,
Kasi alam ko na hanggang dito na lamang ang limitasyon ko,
Dahil may harang at bawal ang nais ko.

TULA💕Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon