PILIT NGINGITI PARA SAYO

411 0 0
                                    


Handa akong magsuot ng maraming maskara,
Matakpan lang ang mga luha sa aking mga mata
Masabi mo lamang na ako na ngayon ay masaya,
Kahit ang puso ko'y durog na durog na.

Handa akong ngumiti,
Para lamang ang mga lungkot na naranasan ko sa iyo ay makita mong napapawi
Handa akong maging masaya,
Kahit ang sarili ko'y niloloko ko na.

Para sayo,
Handa akong magkunwari sa harap mo
Malaman mo lamang na ayos na ako
Kahit hindi lahat ito totoo.

TULA💕Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon