AKING MAHAL

655 5 0
                                    


Binibini,
Na sa akin ay napabighani
Sa iyong kagandahan na kinukubli
Nawa'y sa huli ay sa akin ka manatili.

Aking sinta,
Ikaw na ang tanging hinihiling kay Bathala
Ang siyang bubuo sa aking mundo na nawala
Pangako, di ako magsasawang ibigin ka.

Sana'y huwag ka magbago
Dahil ako'y parating nandito
Kahit na minsan ikaw ay nagtatampo,
Hindi ako magsasawang sumuyo sa iyo.

TULA💕Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon