KAHIT MASAKIT SAYO, SAYO PA RIN BABALIK.

376 0 0
                                    


Magbago man ang ikot ng mundo,
Ikaw man ang naunang sumuko
Hindi ako magsasawang lumapit,
Kahit na tayong dalawa ay nakakaramdam nitong sakit.

Handa akong ibigin ka,
Maibalik lamang ang dating pagsasama
Kahit na ito ay may lamat na,
Susubukan ko pa rin mabuo muli ang ating pagmamahalang dalawa.

Kahit masakit,
Hindi ko papansinin ang hapdi at pait
Tuwing nakikita kong ang lahat sayo ay may lungkot at sakit,
Hanggang sa dulo ako pa rin sa iyo'y lalapit.

TULA💕Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon