SANA SINABI MO

610 6 0
                                    


Lahat ay biglang nagbago na,
Nawala ang sayang sa akin mo lamang pinadama
Natapos agad habang tayo'y wala pa sa gitna
Iniwan mo na lamang ako at sumama ka sa kaniya.

Naglaho bigla,
Natapos dahil mas pinili mo siya
Samantala ako pinipilit pa rin na maging akin ka,
Ngunit napagod ka na talaga.

Naging anino ako,
Simula noong dumating muli siya sa buhay mo
Di mo man lang inisip kung paano na kaya ako?
At tila nakalimutan mo na atang ako yung nandito.

TULA💕Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon