TROPA

665 7 0
                                    


Sila yung maituturing na pangalawang pamilya,
Na kahit hindi kayo pareho ng mga ama't ina
Ngunit sa kanila mo mararamadaman ang saya
Na minsan mo lamang madarama.

Hindi man kami mayaman,
Ngunit masaya naman kami at nagkakaunawaan
Kahit na minsan may away at pagkakatampuhan
Magkakabati bati pa rin dahil ayaw namin masira ang pagkakaibigan.

Yan yung tunay na tropa,
Na napamahal sa akin ng sobra
At hindi ko ipagpapalit sa iba
Dahil sa kanila lamang ako sumasaya.

TULA💕Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon