Chapter 1

43 14 4
                                    

Akirra POV



Nang tumunog ang peste kong alarm ay agad akong umupo sa kama at kinusot kusot ang mata.

"Inaantok pa ako!"Sigaw ko saka tumayo at dumiretso sa CR para maligo. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis ako ng pang nerd, sinuot ko din ang glasses na merong pagkakapal-kapal na lense. Pinabayaan ko nalang ang mahaba kong buhok na nakalugay. Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko sabay yuko dahil sa sumalubong sa aking arrow. Sinamaan ko ng tingin si dad ng makababa ako.

"Oh sorry."Tumango lang ako at pumunta na sa dining area, ang weird ng bahay namin noh? May biglang sumasalubong na kung ano-ano at kapag hindi ka handa siguradong patay ka. Tuwing bubuksan ko ang pinto ng aking kuwarto ay may bumubulaga sa aking knife, arrow, sword o kahit ano pa basta pwedeng itapon.

Kumain lang ako ng kaunti at lumabas na ng mansion. Hindi ko puwedeng gamitin ang motor o kotse ko baka mapaghalataan ako na hindi talaga ako isang nerd. May isa akong motor at luma na kaso pinakialaman ni mom at pinaayos para daw magmukha namang bago.

No choice maglalakad ako, wala namang masasakyan dito dahil subdivision ito at mga kilalang tao lang ang nakatira dito exclusive subdivision kung baga, kaya kung tatanungin nila kung bat dito ako nakatira edi sasabihin ko nagtratrabaho ako sa isang bahay dito. Planado na ang lahat at isang maling galaw lang masisira ang plano.

Kalahating oras din ang nakalapas ng nasa tapat na ako ng pagmamay-ari naming paaralan, ang RELINTON UNIVERSITY, ngayon ko lang ito mapapasok dahil may personal tutor ako at mas may oras ako mag-aral ng karate, taekwondo, judo at iba pang gusto ni dad na matutunan ko.

Inayos ko muna ang aking salamin at inayos din ang dalang bag at ang yakap yakap kong librong sobrang kakapal. Taas noo akong pumasok sa gate at naglakad sa hallway kahit pa may narririnig akong bulungan.


"Ewww nerd."

"Bat may panget dito?"

Are she referring herself? Oh kawawa naman.

"Girls baka naman janitress?"

"Hahahaha"


Really? Ako janitress? Kung ganun dapat ko na pala silang linisin, bawal ang mga basura na pakalat-kalat. Tsk.

Hindi ko na sila pinansin at pumunta nalang kung nasan ang bulletin board para malaman ko kung anong section ko. Hanep ang bulletin board naka screen pa kakaiba. Lahat ng madadaanan at malalapitan ko ay nagbubulungan at nandidiring tumingin sakin.

"Akala mo kung sinong mga babae, mukha namang mga bibe."Bulong ko sabay ngisi, tinignan ko na sa screen kung anong section ko. Agad kong nakita ang name ko na nasa list ng class 1.

Dahil hindi ko trip ang mag-ikot ng university ay pumunta na kaagad ako sa aking room. Napabuntong hininga ako ng marinig ang ingay sa loob ng classroom, nasa labas palang ako dinig na dinig ko na ang sigawan ng mga estudyante sa loob. Binuksan ko na ang pinto at para akong nasa THE VOICE KIDS sabay sabay silang lumingon with matching kunot noo at masamang tingin sa aking kinatatayuan. Hindi ko sila pinansin at dumiretso sa upuan na katabi ng bintana sa dulo, nilagay ko sa lamesa ang aking libro at nilagay sa upuan ang bag. Pagsilip ko ay mga puno ang aking nakita at mga ibon na nakadapo sa sanga.

Napalingon naman ako sa mga kaklase ko dahil ramdam kong nakatitig sila sakin. Lahat sila gusto kong alisan ng eye ball kaso bawal. Ang mga titig nila balak ata akong patayin dahil sa sobrang sama, ano bang ginawa ko at ang iinit ng mga ulo nila? Kapag ang ulo ko uminit dito mag-aapoy ang buong kwartong ito .

"Ano pong tinitingin-tingin niyo?"Mahinahon at kunwaring may takot kong tanong sa kanila. Tsk para namang nakakatakot ang mga taong ito, mga mukha kayang clown ang mga babae. May lumapit saking babae na ang ikli ng skirt, bat hindi nalang siya mag-panty kita na din naman. 

"We're just wondering kung paano nakapasok ang isang katulad mo dito sa Relinton University."Nakataas ang isang kilay nito habang kausap ako, muntik nga ring tumaas ang isa kong kilay mabuti nalang hindi natuloy. Kailangan kong magmukhang WEAK.

"Ah ano po scholar po ako. Tama scholar po ako."Parang t*nga kong sambit may pangiti-ngiti pang wagas. Kaso inirapan lang ako ng babaeng ito, dukutin ko kaya yang panget mong mata!

"Scholar? Alam mo nerd hindi ka bagay dito."Hindi talaga ako bagay dahil tao ako ewan ko lang dito sa kaharap ko kung tao ba, mukha kasing tahong.

"Bakit naman po?"Nakayuko kong tanong. 

"Dahil ang ugly bawal dito sa R.U?"Napapikit ako at huminga ng malalim saka tumingin sa babae direct to her two ugly eyes.

"Wala naman pong rules na bawal mag-aral ang katulad ko dito."Walang alinlangan kong sagot. Kung wala lang talaga akong kailangang gawin tulog na itong babae na ito habangbuhay!

"Sumasagot ka? Hindi mo ba ako kilala?"Umiling lang ako kaya tinaasan niya ako ng kilay.

"I'm Laira Clarkson the campus princess."Princess? Bat di manlang sinabi sa akin ni dad and mom na marami pala ditong takas mental.

"Kaya don't mess with me ugly nerd."Ohh nakakatakot haha. Umalis na siya sa tapat ko at bumalik sa mga kasama niyang clown. Ilang minuto lang ay may teacher ng pumasok at siya ata ang adviser namin.

"Good morning class I'm Kyle Gonzales ako ang History teacher niyo at ako din ang adviser niyo ngayong year."Nagsitilian naman ang mga kaklase kong babae, ang lalandi.


"Sir you're so handsome."

"Akin ka sir."

"Gwapo mo sir Kyle."


"Salamat."Nakangiti nitong pagpapasalamat, malandi din. 

"Tahimik na."Tumahimik naman ang mga kaklase ko kaya nilibot niya ang kanyang mata at dumapo ito sa akin kaya napalingon lahat ng tao sa akin, nginitian niya ako kaya sinamaan ko siya ng tingin at tinaasan ng kilay pero patago lang baka may makita.

"Class may transferee kayong kaklase."Ayokong magpakilala.

"Ms. Reyes please introduce yourself."Sumama ang timpla ng mukha ko at kitang kita ko naman sa kanyang mata ang pang-aasar at pag-ngisi ng kanyang labi.

I have f*cking no choice kundi ang magpakilala. Nasa harap na ako ng buong klase ng lumapit siya sakin at may binulong.

"Nice costume girl."Kitang kita ko naman sa mga mata ng kaklase ko ang galit. So what?

"Hi everyone my name is Akirra Reyes."Pagkatapos nun ay bumalik na kaagad ako sa aking kinauupuan.

Nagsimula ng magsalita ng kung ano-ano ang aming guro. Nasa kalagitnaan siya ng pagmamayabang ng pabagsak na bumukas ang pinto kaya sabay-sabay kaming lumingon kung sino ang siraulong panggulo ng klase.



**********

Kagaya nga po ng sabi ko may wrong grammar po kaya pasensya na. 

VOTE and COMMENT!

--Author niyong makulit



That Nerd is a Gangster?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon