Chapter 8

18 7 2
                                    

Akirra POV



Tumayo ako habang hawak ang tactical knife na nakatago sa aking likod, bakas sa mga mukha nila ang gulat dahil nakatayo ako at parang walang nangyari. Maling mali na inubos nila ang pasensya ko, dahan dahan akong naglakad patungo kay Laira habang eto naman ay nakataas ang kilay na nakatingin sa akin.

"Kulang pa ba ang ginawa namin at nakakalakad ka pa ng tuwid?"Nakangisi niyang tanong, nginisahan ko din siya.

"Kulang na kulang wala nga akong naramdaman na may ginawa kayo."Nang-aasar kong sambit, naiirita itong tumingin sa akin.

"Tapos na ba kayong mamato?"Tanong ko ng makarating ako sa kanyang harapan, nangigigil naman ang aking kamay sa likod at gustong gusto ko ng itarak sa kanyang leeg ang hawak kong knife.

"Ba't gusto mo pa?"Tanong ng isang estudyante, lumingon naman ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay.

"Pwede naman."Agad akong yumuko at kinuha ang billiard ball sa lapag, tinignan ko ang estudyanteng nagsalita at agad binato ng bola na tumama sa kanyang mukha.

"Gusto ko ako naman ang mamato!"Akma kong kukunin ang bola sa baba ng marinig ko ang kanyang boses.

"Akirra!"Ngumisi lang ako at binalik sa aking bulsa ang tactical knife saka ulit sinuot ang salamin ko. Lumingon ako sa kanya at kitang kita ko ang galit niyang mata, ngunit hindi ito sa akin nakatingin kundi sa mga estudyante.

"Lahat ng nandito pumunta sa disciplinary office!"Sigaw niya, dinig na dinig ko naman ang pagrereklamo ng mga students.

"Sir it's okay hayaan mo na."Sambit ko habang palapit sa kanya, tinaasan niya ako ng kilay kaya nginisian ko siya.

"I can handle this kuya."Bulong ko ng makalapit ako sa kanyang kinatatayuan, bahagya naman siyang tumango para hindi mahalata ng mga students, nagderederetso na akong lakad hanggang sa makalabas ako ng gym, binilisan ko ang paglalakad para makarating sa aking locker, magpapalit ako ng uniform dahil ang baho ko na at puro dugo na din ang aking uniform dahil sa sugat sa aking ulo, medyo humahapdi ito pero pinabayaan ko lang.

"Mabuti nalang meron akong extra uniform."

Napadaan ako sa soccer field at sandaling napahinto ng may makitang isang lalaki na nakatayo at nakatitig sa akin ngunit may suot itong jacket na itim at may hoodie pero kitang kita na nakatitig ito sa akin. Lalapitan ko sana ito pero biglang tumunog ang phone ko kaya nawala ang atensyon ko sa lalaki, titignan ko ulit ang lalaki ngunit wala na ito sa kanyang kintatayuan.

"Where the hell is he?"Tanong ko habang nililibot ng tingin ang paligid. Napabuntong hininga nalang ako at naglakad ulit patungo na sa shower room.



Lylanie POV



"Clint tawagan mo nga si Akirra sabihin mo kailangan natin siya ngayon!"Sigaw ni Kyllie habang nasa kusina, yah may kusina ang hide-out namin.

"Anong sasabihin ko?"Sigaw naman pabalik ni Clint, takte yan nakakabingi sila sigawan ng sigawan.

"Ikaw na bahala, alam mo namang kailangan natin siya ngayon!"Sigaw ulit ni Kyllie.

"Alam niyo nakakabingi kayong dalawa!"Sigaw ko din habang nakapamey-awaangan. Natatawa namang tumingin sa akin si Bryan at Clint.

"Kung gusto mo sa tahimik punta ka ng sementeryo!"Sagot ni Kyllie, napabuntong hininga nalang ako at umupo sa sofa saka ininom ang wine na nasa baso ko saka sumubo ng tinapay.

"Ayaw niyang sagutin."Sambit ni Clint, napalingon ako sa kanya. Si Akirra yung klase ng taong hindi sasagutin ang tawag mo kung hindi nakaregister ang number mo sa kanyang cellphone ngunit ang numero ni Clint ay nasa cp niya kaya ba't hindi niya sinagot? Eh isang ring lang sa kanyang phone basta kilala niya ang natawag ay sasagutin niya agad.

"Hindi niya talaga sinasagot."Bumuntong hininga ako at bored na tumingin sa pinto ng bigla itong bumukas, pumasok dun ang isang lalaki na gustong gusto kong patayin!

"What are you doing here?"Tanong ni Bryan, biglang lumabas ng kitchen si Kyllie habang may dalang bowl, nilagay niya muna ito sa lamesa at tumingin din sa lalaki.

"Anong nangyayari dito?"Tanong niya saka inilagay ang dalawang kamay sa kanyang bulsa, napakunot ang noo ko. 

"May nakikita ka bang nangyayari?"Naiinis kong sagot sa kanya, nginisian niya lang ako at tumabi sa aking kinauupuan. Bahagya akong umurong para makalayo sa germs na ito.

"Nag text sa akin si Clint kailangan niyo daw ang... Tulong ko."Humarap muna siya sa akin bago niya tapusin ang kanyang sinasabi. Palihim kong sinamaan ang tatlo na nakangiting nakatitig sa amin.

"Ang kapal naman ng mukha mo Kyle."Sambit ko habang nakatingin sa tinapay na aking kinain kanina. Bigla niya itong kinuha at kinagatan, nanlaki ang mata ko at agad siyang binatukan.

"Akin yan!"Sinamaan ko siya ng tingin ngunit nginitian niya lang ako.

"Sayo ba ito? Oh eto na."Nilapit niya sa aking mukha ang tinapay ngunit tinulak ko ito palayo sa aking mukha. Kadiri dinikit niya talaga sa mukha ko kung saan siya kumagat.

"Ilayo mo nga yan!"Ngumisi lamang ito.

"Pwede yung problema muna natin ang asikasuhin keysa yang kalandian niyong dalawa?"Natatawa at nang-aasar nitong sabi. Peste trip nila ako? Oh tadhana anong trip mo at ako ang pinaglalaruan mo huh!?

"Oh ano bang problema?"Tanong ni Kyle at humarap kila Bryan.

"So yun nga, ang problema nauubos lahat ng kasama ko sa gang hindi ko alam kung anong nangyayari basta ang alam ko kunti kunti ng nauubos ang mga myembro ng bawat gang namin."Kuwento ni Bryan, tumango si Kyle at pabiglang sumandal sa sofa kaya na-out balance ako at bahagyang napahawak sa kanyang.

Nanlaki ang mata ko ng marealize ko kung saan ako nakahawak.

"Putcha!"Agad akong napatayo at tapatakip ng mukha dahil sa pamumula nito.

"Hindi mo naman sinabing gusto mo pala itong hawakan."Nang-aasar na sambit ni Kyle.

"Shut up hindi ko sinadyang mahawakan yan, yang ano mo."

"Hahahaha."Sabay sabay na tawa ng apat, sinamaan ko sila ng tingin at pumasok nalang ng banyo.

Hays Lylanie ano bang kahihiyan ang ginawa mo, at bakit ba inis na inis ka parin sa taong yun eh past is past na nga.

Hindi ka parin ba nakakamove-on?



**********

VOTE and COMMENT!

That Nerd is a Gangster?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon