Chapter 6

27 9 6
                                    

Tristan POV



Hindi ko mapigilang huwag humanga sa isang lalaki na may claw, magaling gumamit ng kuko, mga silver at kumikinang-kinang na kuko. Haha.

Sa ngayon nakatitig lang ako sa kasama nung lalaking mala X-Men ang dating. Tinititigan ko ang babaeng katabi niya, maganda kasi at ang cool ng dating.

Inalis na ang mga katawan ng mga walang buhay sa loob ng ring, kaya tumayo na kaming lima at naglakad palapit sa labas ng ring, at talaga namang mas doble ang sigawan ng mga manonood.


"Ang gwa-gwapo."

"Lakas ng dating!"

"Type ko yung maliit."


Mapababae o lalaki ay nagsisigawan, muli akong napalingon sa babae at walang emosyon lamang itong nakatingin sa loob ng ring, halatang halata ang pagkainip nito dahil kanina pa siya irap ng irap sa kawalan.

"Buhay pa ba kayo?!"Sigaw ng lalaki na nasa loob ng ring, nagsigawan naman ang mga tao.


"Oo."

"Buhay na buhay!"

"Gusto mo ikaw mawalan ng buhay!?"


Napailing na lamang ako saka ulit tumingin sa babae na ngayon ay nakatitig din sa akin, nginitian ko ito pero masamang tingin lamang ang pinalit nito. Umiwas na siya ng tingin dahil nagsimula na ulit magsalita ang lalaki.

"Ngayon ang susunod--"


"Daming satsat!"

"Dalian moooo!"

"Patayan naa!"


Bumuntong hininga ang lalaki saka ulit sumubok magsalita ngunit muling nagsigawan ang mga tao. Nang bahagya ng kumalma ang mga manonood ay muli siyang nagsalita.

"TJ gang VS Red Death gang!"Naghiyawan ang mga tao at kaming lima naman ay pumasok na sa loob ng ring ganun din ang mga hotdog gang, TJ kasi Tender Juicy ata. Haha.

"Hoy mga hotdog, pag natalo kayo alam niyo na!"Sigaw ni Niel, napangisi naman ako at tumawa naman ang tatlo.

"Kung matalo kami!"Nakangising sambit ng lalaking katapat ko, siya ata ang leader nila.

"Daming satsat game na!"Sigaw ni Mark sabay takbo palapit sa kanyang katapat at sinuntok ito. 

"Let's the death game begin!"Sigaw ni Rio, kinuha ko ang swiss knife na nasa aking bulsa, ito ang nakuha ko sa hide-out namin nakakatamad naman kung palakol ang dadalhin ko kaya tamang swiss knife lang. Sinugod ko na ang isang lalaki dahil si Aarob ang katapat ng leader ng mga hotdog, parehas silang magaling.

Yumuko ako para makaiwas sa baseball bat, sinapak ko naman sa mukha ito kaya siya napaatras, muli niya sana akong hahampasin ng bat ngunit tumalon ako saka siya sinipa sa mukha habang nasa ere ako. Woah.


"Wow!"

"Nice kick!"


Tumalsik ito saka tumama sa corner, bumagsak ito saka sumuka ng dugo at ilang segundo lang ay nawalan na ito ng buhay este malay.

"One down."Lumapit ako kay Aarob saka sinabing ako na bahala kay Mr.Hotdog which is yung leader ng TJ gang. Tumango naman si Aarob at lumapit na sa iba naming kaibigan.

"Mr.Hotdog handa ka na bang maprito?"Mukhang nainsulto ata ito. Ikaw ba namang sabihan ng Mr.Hotdog. Swerte nga niya Mr.Hotdog tawag ko sa kanya eh mukha naman siyang aso. 

"Masyado kang mayabang!"Nagkibit balikat lang ako at lumapit sa kanya pero agad din siyang nakaiwas sa balak kong pag atake ng swiss knife, nagkaroon siya ng oras para masuntok ako sa mukha. Pero ang akala kong malakas ay mahina pala, parang bakla kung manapak walang impact. Nang makakita ako ng lusot ay sinapak ko siya ng malakas sa mukha at napahiga ito sa lupa. Lumapit ako saka inapakan ang kanyang dibdib. Ngumisi ako.

"Alam mo Mr.Hotdog ang bakla mo manapak."Sambit ko dito saka ako lumapit sa kanyang pisngi, sinulatan ko ng letrang RD ang kanyang pisngi gamit ang swiss knife, kaya dumugo ito ng dumugo.

"Remembrance yan Mr.Hotdog, pasalamat ka at gusto ko ang ferraring ibibigay niyo kaya kita bubuhayin."Bulong ko dito, sinamaan niya ako ng tingin kahit na alam kong nasasaktan na siya dahil sa pagkakaapak ko at sugat sa kanyang pisngi.

"Pagbabayaran mo ito!"Ngumisi lang ako saka siya sinapak para makatulog na ito.

Sila lang ang grupong binuhay namin, hindi namin makukuha ang ferrari dahil nasa kanila pa ito, masamang magnakaw, haha.



Akirra POV



Nakatitig lang ako sa lalaking palabas ng ring, lima sila at yung maliit sa kanila ay nadaplisan ng kutsilyo kaya ito may sugat sa braso ngunit hindi naman ito ganung kalala.

"Lakas ng dating nung isang lalaki."Sabay nguso niya sa lalaking aking tinitignan, siya yung lalaking nasapak ko nung biyernes.

"He's my classmate."Saka ako bumuntong hininga, sabay sabay naman silang lumingon sa akin with nanlalaki ang mga mata. OA.

"What?"Sabay sabay nilang tanong. Bingi lang?

"Narinig niyo naman diba?"Kumunot ang noo ni Kyllie saka nilingon si Kristan, Krissy, Trissy basta ewan ko kung anong pangalan ng depungal na yan.

"So kilala ka niya?"Umiling ako kaya naguguluhan silang tumingin sa akin. Bumuntong hininga ako at nagkwento sa kanila, lahat lahat.

Pagkatapos kong magsalita ay tumayo na ako at lumabas ng ground, naramdaman ko naman na may nasunod sa akin at kilala ko kung kaninong presensya iyon. Hinarap ko siya kaya ito medyo napaatras sa gulat.

"Why are you following me?"Tanong ko habang nakataas ang isang kilay. Ngumiti naman ito at nilahad ang kanyang kamay sa aking harapan.

"Tristan Karl nga pala."Pagpapakilala nito pero tinignan ko lang ang kanyang palad kaya napapahiya niya itong binalik sa loob ng kanyang bulsa.

"So?"Tanong ko, hindi ko naman kasi tinatanong ang name niya, hindi ako interesado pero ba't siya sinabi?

"Makikipagkilala lang sana."Sabay ngiti niya pero inirapan ko lang siya.

"Okay."Saka ako tumalikod kaso hinawakan niya ang aking braso kaya automatic ko siyang nasipa sa hita, dahilan para mabitawan niya ang aking braso.

"Ang sadista mo naman Ms.Ganda."Ngumisi lang ako at naglakad palapit sa kanya.

"Huwag mo na ulit gagawin yun! Wala din akong oras para sa flirty whatever mo huh."Bulong ko dito ng makalapit ako sa kanya, kumunot naman ang noo niya kaya napangisi ako.

"Akirra."Bulong ko ulit saka siya iniwang nakatulala. Ang sarap mong pagtripan.



**********

Okay guys haha pasensya na at kung ano ano ang gang name nila haha, wala akong maisip eh.

VOTE and COMMENT!

--Author niyong makulit

That Nerd is a Gangster?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon