Chapter 3

36 13 8
                                    

Akirra POV



Pigilan niyo ako baka makasapak ako. Punong puno na ako sa babaeng ito. Sumusobra na talaga siya akala niya lahat ng tao kaya niya pwes hindi.

Nanonood kasi ako tapos yung kontrabida masyadong inaapi ang bida tapos itong bida ayaw naman lumaban. Kung ako yan sasapakin ko talaga yang babae na iyan.

"Sampalin mo!"Sigaw ko, ako lang naman mag-isa dito sa mansion maliban sa mga kasambahay namin kaya ayos lang na magsisigaw ako dito.

"Lumaban ka aba!"Tumayo ako at pumorma pa na parang mananapak saka lumapit sa screen. Bumuntong hininga nalang ako ng magpatalastas. I'm crazy!

"Kung ako talaga yun, lalaban ako tapos pauulanan ng malalakas na suntok ang kontrabida sa buhay ko."Umupo nalang ulit ako saka sumubo ng red velvet cake na dala ni kuya kahapon. Napatingin ako sa aming dingding na puro uri ng espada ang nakasabit, sa ibang parte naman ay iba't ibang uri ng knife at ang mga uri ng baril naman ay iilan lang dahil hindi namin hilig ang baril, mas bihasa kami sa pag-gamit ng espada at mga knife, although marunong naman kaming gumamit ng baril in case lang na kailangan talaga.

Napangisi ako ng may maisip na kalokohan, tumayo ako at tinigil ang flat screen gamit ang pagsipa ko.

"Trip kong manira ng gamit ngayon."Sabay sipa ko ng mga appliances, sanay na din naman ang mga kasambahay namin na araw-araw sinisira ko ang mga gamit.

"Phina!!"Pagtawag ko sa isang kasambahay na agad din namang dumating, hingal na hingal pa nga siguro galing ito kung saan.

"Bakit po?"Hinihingal na tanong nito, nginuso ko lang ang mga sirang gamit at agad naman itong tumango.

"Sige--"Naglakad na agad ako palabas ng mansion, may bibisitahin ako dahil sabado ngayon siguradong andun ang mga taong iyon. Ginamit ko ang aking kotse at talaga namang nakakamangha ang kotse ko, hindi ko naman ginagamit pero ang dumi, like WTF!? Ipapalinis ko nalang ito mamaya sa panget kong kuya.



Tristan POV



"Bro si Laira kanina pa tumatawag hindi mo ba sasagutin?"Tinignan ko lang ang aking phone saka bored na sinelent. Ayokong makipag-usap sa babaeng yun.

"May problema ka ata?"Hindi ko siya nilingon at uminom ulit ng beer.

"Sabi ko nga ayaw mong makipag-usap."Narinig ko ang kanyang buntong hininga saka ito uminom din ng beer. Andito kami sa hideout namin at kaming dalawa lang ni Mark ang nandito, yung tatlo naming kaibigan naghahanap ng makakaaway namin, should I say nanghahamon sa mga ibang gang.

"Mark kahapon lang ako nakakita ng babaeng malakas sumuntok."Sabay ngisi ko at pinaglaruan ang yelo sa baso. Humarap ako kay Mark na bahagyang tumatawa.

"Bakit namangha ka ba?"Natatawa niyang tanong kaya mahina ko siyang binatukan.

"Bat naman ako mamamangha ang panget ng babaeng yun tapos nerd pa."Inaalala ko ulit ang nangyari kahapon at di ko maiwasang mainis.

--FLASHBACK--

Andito ako sa likod ng university dahil may hinihintay ako, bagong chix ko galing sa kabilang section. Maganda, makinis at mukhang masarap.

Umupo na muna ako sa ilalim ng puno saka pumikit pero pagmulat ko ay natanaw ko kaagad si Nerdy, ano ngang pangalan nito? Antena? Athena? Akitta? Nakalimutan ko pangalan nitong si Nerdy hindi naman kasi siya mahalaga sa akin.

"Hoy nerd!"Tawag ko kaya agad siyang lumingon sakin sabay turo niya sa kanyang sarili.

"Oo ikaw nga, bakit may iba pa bang nerd dito?"Sinamaan niya ako ng tingin saka naglakad palapit sakin.

"Bakit?"Bored niyang tanong saka inayos ang makapal niyang salamin.

"Ang panget mo."Wala akong maasar kaya siya nalang, saka totoo naman yung sinabi ko panget naman talaga siya.

"Huh!? Pinalapit mo ako para lang sabihin na ang panget ko?"Saka siya nagcross arms. Tumango naman ako at tumayo para lumapit kay Nerdy.

"Oo may angal ka?"Inilapit ko ang aking mukha sa kanya pero wala akong balak na halikan ang panget na ito, over my dead 6 pack abs and handsome body.

"Alam mo kung trip mo ako, huwag mo ng ituloy."Mahina niyang sambit habang nakatitig sa aking mga mata. Ang lakas ng loob ng nerd na ito na kausapin ako habang nakatingin sa aking mga mata. Wala pang nakakagawa nun dahil nakakatakot daw ako. Sa gwapo kong toh? 

"Oo trip kita may magagawa ka?"Paghahamon ko pero ngumisi lang siya.

"Yeah may magagawa ako gusto mong malaman kung ano?"Hindi pa ako nakakatugon ng bigla niya akong sapakin na nagpatumba sa akin. Masakit  yun ah at nakakahilo, pesteng suntok yan.

"You pay for this!"Nagkibit balikat siya at tumalikod na.

"Bibigyan pa kitang sukli."Humarap siya sakin saka sinambit yan.

Napahawak ako sa aking ulo parang naalog ata, tumayo na ako saka pinagpag ang suot. The hell na suntok yun, ang lakas babae ba talaga siya? Siguro mangkukulam ang Nerdy na yun, tsk ang lakas manapak.

"Pre nangyari sayo?"Natatawang tanong ni Mark.

--END OF FLASHBACK--

"Masakit pa ba haha?"Sabay inom niya ulit ng beer. Hindi ko siya pinansin at hinawakan ang pisnging sinapak ni Nerdy.

A minute later bumukas ang pinto at pumasok dun ang tatlo ko pang kaibigan. Umupo sila sa sofa at tinungga ang tatlong bote ng beer bale tig-iisa sila.

"Anong topic?"Pagbubukas ko ng topic.

"Bukas sa ground."Sabi ni Neil, ang pinakamatanda sa grupo, pinakagurang kaya minsan lolo tawag ko dyan.

"9:00 PM."Sambit naman ni Rio, ito naman ang pinakabata sa aming grupo.

"Pag nanalo tayo ibibigay nila ang tatlong GTC4 Lusso Ferrari at dalawang Ferrari Portofino."Si Aarob naman ang nagsalita.

Ohh latest ang mga ferrari na iyon kaya kailangan naming manalo na lagi namang nangyayari. Hindi sa pagmamayabang pero wala pang nakakatalo sa amin kahit sinong grupo.

"Pag natalo tayo?"Kumunot ang noo ko dahil sa tanong ni Mark pero nagkibit balikat lang naman ito.

"Gusto nilang kunin ang hide-out natin."Sagot ni Aarob, napangisi naman ako, lahat ng nakakalaban namin ang gustong kapalit pag natalo kami ay ang hide-out namin na sobrang laki sa madaling salita mansion ang hide-out namin kaya gustong-gusto nila.

"Para namang makukuha nila."Kaya sabay sabay kaming natawa at uminom ulit.



**********

VOTE and COMMENT!

--Author niyong makulit

That Nerd is a Gangster?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon