Chapter 7

23 7 2
                                    

Akirra POV



Agad kong sinuklay ang mahaba't basa kong buhok, pagkatapos ay kinuha ko na ang bag at libro na aking dinadala. Muli akong tumingin sa salamin saka inayos ang makapal kong glasses. Maka-ilang buntong hininga muna ako bago ko naisipang lumabas na ng kuwarto.

As usual agad akong umiwas sa sumalubong sa aking shuriken, tatlong magkakasunod iyon, sinarado ko na ang pinto pero bago yun ay sinilip ko muna ang shuriken na nasa kulay yellow kong pader. Bumaba na ako saka dumiretso sa dining area, andun na silang tatlo at hinihintay ako.

"Good morning baby/lil sis."Bati ni mom and kuya. Yung shuriken ni dad na sumalubong sa akin ay ang way niya para magsabi ng good morning. Hays.

Umupo na ako at nagsimula na kaming kumain, walang nagsasalita kaya katahimikan ang namamayani sa aming apat.

Kumuha ako ng bacon at akma itong isusubo ng biglang magsalita si mom kaya naiwang nakanganga ang bibig ko, maliit na nganga lang naman.

"May dalawang myembro ng kabilang gang ang nakapasok sa university at hirap kaming i-identify kung sino sila."Binaba ko ang tinidor kong hawak saka tumikhim, lumingon ako kay dad na umiinom ng kanyang kape. Inubos niya muna ang kanyang kape saka humarap sa akin.

"Alam mo na ang gagawin Aki."Tumango ako saka ulit nagpatuloy ng pagkain.

Ano pa nga ba, anong aasahan kong sasabihin ni dad? Mag-ingat ka Aki? Napaka-impossible nun!

Pagkatapos kumain ay agad akong tumayo at walang paalam sa kanilang lumabas ng mansion, male-late na ako. Nasa kalagitnaan akong paglalakad ng may biglang bumusina kaya tinignan ko ito at sinamaan ng tingin. Binaba niya ang window.

"Sakay na."

"Ayoko kuya."

"Sakay na."

"Maglalakad nalang ako!"Naglakad ulit ako pero muli itong bumusina, hays ang ingay.

"Sasakay ka o bubusina ako ng bubusina dito?"Sabay ngiti nito ng mapang-asar. Kuya!

"Eto na! Eto na!"Naiinis kong singhal saka lumapit sa kanyang kotse, sumakay na ako at sa back seat umupo. Ilang minuto lang ay malapit na kami sa university.

"Bababa na ako."Tumango naman ito sabay ngiti sa akin, inirapan ko lang ito.

Kaya hindi ako bumaba kasabay si kuya dahil mahirap na baka ano pa isipin ng mga baliw kong schoolmate, sabihin nilalandi ko yang panget na yan.

Ilang minuto lang ay nasa tapat na ako ng university, pumasok na ako at hindi pinansin ang mga bulungan nilang rinig sa kabilang bayan. Magbubulungan tapos rinig ko? Ano yun?


"Ayan na ang malandi."

"Panget!"

"Nerd go away."


Umirap ako sa kawalan habang naglalakad sa hallway, walang pagbabago mga takas mental parin, at itong palapit sa akin ang leader. 

Si Laira na may pasa sa pisngi partida namumula pa yan masyado atang napalakas ang sapak ko sa prinsesa nila.

"Ikaw na nerd ka, nakikita mo ito?"Sabay turo niya sa kanyang pasa at mangiyak-ngiyak pa si tang*, tinanguan ko lang siya saka ngumisi.

"Alangan may mata ako kaya nakikita ko yan."Walang emosyon kong sambit.

"Aba sinasagot mo ako?!"Hinila niya ang buhok ko, aba masakit yun.

"Aray ano ba?!"Feeling ko kasi natanggal na ang anit ko. Hindi parin niya binibitawan ang buhok ko at halos kaladkarin niya ako, mabitawan niya lang buhok ko sasabog talaga pagmumukha ng babaeng to!

Binitawan na niya ang buhok ko at akma ko siyang sasapakin ng namalayan kong nasa gymnasium na kami, halos lahat ng estudyante ay nandito. Tumatawa habang nakatingin sa akin.

"Ano ba--"Napahinto ako sa aking pagsasalita ng may biglang tumama sa aking kamatis? Kamatis?!

Nilingon ko ang nangbato sa akin saka siya sinamaan ng tingin. Lahat sila may hawak na kung ano at handang ipangbato sa akin. 

May bumato ulit sa akin at hindi lang kamatis may bawang at sibuyas din, what the f*ck balak ba nila akong lutuin?! Sunod sunod nila akong binato at kung san san tumatama. Inalis ko na muna ang aking salamin na suot mahirap na pag-nabasag nakakatamad bumili ng bago.

"Tama na!"Sigaw ko ngunit hindi nila ito pinakinggan at binato ulit ako ng binato. Bumuntong hininga ako at yumuko nalang, ang baho ko na!

Napaupo ako bigla sa sahig ng may tumama sa aking ulo, titignan ko sana kung ano iyon ngunit may tumama ulit sa aking mukha. Sunod sunod ito at halos ikadugo na ito ng buo kong katawan.

Billiard ball!

Hindi ba nila alam na sobrang sakit na ng katawan ko, yung pagbato nila ng kamatis, bawang at sibuyas pwede pa iyon makakapagtimpi ka ako nun, pero itong bola ng billiard aba sumobra na sila. Ilang araw na din akong nagtitimpi at punong puno na ako. Hindi naman pwedeng hayaan ko nalang na ganituhin nila ako, inuubos nila pasensya ko!

Kinuha ko ang tactical knife ko sa aking bulsa saka tumingala at andun parin sila tuwang tuwa habang binabato ako, may dugo ng tumutulo sa aking ulo, meron din sa iba't ibang parte ng aking katawan. Dahan dahan akong tumayo na kinagulat nila.



**********

VOTE and COMMENT!

That Nerd is a Gangster?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon