Chapter 5

24 10 7
                                    

Akirra POV



7:00 palang ay pumunta na kami sa ground kung saan ginaganap ang gang fight. Dahil sa aga naming pumunta ay andito kami at nanonood sa nagrarambulan sa loob ng ring.

Kanina pa sila dyan at hanggang ngayon nagkakagulo parin sila. Ang dumi nila maglaban, talsik dyan talsik dun ang dugo ng kanilang kalaban.

Napa cross-arms nalang ako at bumuntong hininga, nakakainip sila maglaban, nakakatamad panoodin.


"Tapusin mo na yan."

"Patulogin niyo na!"


Sigawan ng sigawan ang mga nanonood, at nakakarindi talaga dahil ang sakit na ng eardrums ko. Although I know naman na lugar talaga ito kung saan libre kang mag-ingay, magdabog at sumigaw na parang wala ng bukas.

After 3000000 hours natapos na ang laban at panalo ang grupo ng mga sanggano, tsk malaki lang ang katawan mahihina naman.

Lumingon sa akin ang isang lalaki saka ako kinindatan kaya agad ko siyang sinamaan ng tingin. Hindi ko alam pero uminit ang ulo ko dahil sa ginawa ng lalaki kaya wala pang segundo ay nasa likod na niya ako at kunting galaw niya mawawala siya sa mundong ibabaw. Nakatutok kasi sa kanyang batok ang tactical knife ko.

"Huwag mo na ulit gagawin yun! Kung hindi mawawala ka sa mundong kinaaapakan mo!"Bulong ko at siniguradong siya lang ang makakarinig. Dinig na dinig ko ang kanyang paglunok kaya napangisi ako. Bahagya na akong lumayo saka tinago ang knife sa aking bulsa.

Lahat ng tao ay nakatitig lang sa akin at kinikilala ako as if makikilala talaga nila ako.

Let me tell you something, kilala nila ang five demon pero hindi nila kilala kung sino ang nasa likod ng limang mask. Lagi kasi kaming naka-all black at naka-mask tuwing may laban so hindi talaga nila kami makikilala.


"Who is she?"

"Cool!"

"Para siyang hangin sa sobrang bilis."


Ngumisi ako at lumapit na sa apat na nakangisi din.

"Kinindatan ka lang gusto mo na agad katayin este patayin."Nagkibit balikat lang ako dahil sa sinabi ni Clint.

Inalis na ang mga walang buhay na katawan sa loob ng ring dahil next na sila Bryan.

"Ngayon naman ay ang Brack Demong gang VS Black T gang!"

Pumunta na sa loob ng ring ang grupo ni Bryan at ganun din ang kanilang makakalaban. Tanging sigawan lang ng mga tao ang maririnig mo, kaya wala akong magawa kundi ang makisigaw, baka mamaya masigawan pa akong KJ. Ang mga katabi ko din naman kasi ay nagsisigawan.


"Woah"

"Mukhang mainit ang laban!"


Nagsimula ang gang fight at tag-iisa isa sila ng makakalaban, at mukhang ang katapat ni Bryan ay ang leader ng kabilang grupo. Naglabas ng folding pocket knife ang kaharap ni Bryan saka ito pinaikot-ikot sa hangin, si Bryan naman ay ngumisi saka kinuha ang paborito niyang claw yung bang kaw X-Men, kung hindi mo alam bahala ka!

Yung walo ay nagpapalitan ng suntok habang ang dalawang leader naman ay nagsusukutan ng tingin, para ngang may kidlat sa pagitan nila.

"Ang tagal."Bulong ni Kyllie na aking katabi, naiinip na yan kahit ako man ay naiinip na din. Ngumisi si Bryan dahil may sinabi ang leader ng kabila na hindi namin marinig dahil sa ingay. Ilang segundo din ang lumipas ay para na silang hangin sa sobrang bilis ng kanilang palitan ng pag-attack.

Bahagyang lumayo ang kalaban ni Bryan saka dumura ng dugo, puro punit na ang damit nito habang si Bryan naman ay wala pa kahit maliit na galos. Muling sumugod si Bryan at parang pusang kinalmot nito ang pisngi ng lalaki, umagos naman ang dugo nito pero hindi yun dahilan para magpatalo ito, tumakbo ito palapit kay Bryan at mukhang nabasa ni Bry ang gagawing galaw nito. Tumalon ang lalaki papunta sa likod niya pero dahil alam ni Bry ang kilos na ginawa ng lalaki ay tumalon din ito papunta sa likod ng lalaki kaya siya ang nasa likuran imbes na ang lalaki. Pagtapak palang niya sa lupa ay agad niyang kinalmot ang likod nito at kitang-kita ang pagbaon ng claw niya sa likod ng lalaki, aww, brutal ni bro.

Dahan-dahang bumagsak ang katawan nito sa lupa at hindi pa nakuntento si Bry kinalmot niya pa ang kabilang pisngi ng lalaki kaya kaliwa't kanan ng kanyang pisngi ay may kalmot ng demonyo.



Someone POV

Napangisi ako ng makita kung anong ginawa ng isang myembro ng Five Demon sa kanyang kalaban. Nakatingin lang ako sa lalaking nakangiti habang palapit sa kanyang apat na kaibigan.

"Hahanga na sana ako, kaso naaalala ko kalaban ko pala kayo."

"Huwag kayong mag-alala maaagaw ko din sa inyo ang trono."



**********

VOTE and COMMENT!

--Author niyong makulit

That Nerd is a Gangster?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon