Chapter 11

25 4 2
                                    

Kyle POV



Hello guys ako ito ang pinakagwapong teacher sa Relinton University, ang kaisa isang gwapong kapatid ni Akirra Reyes. Oh ano kilala niyo na ako? Kung hindi lumayas ka dito. Haha joke lang.

Well andito ako sa disciplinary office dahil dito ang tambayan ko kapag tapos na lahat ng class na dapat kong turuan, at gusto ko na ngang umuwi ngayon kaso may kailangan akong asikasuhin at kapag hindi ko nagawa papaluin ako sa puwet ni mommy. Hahaha.

Bakit ba kasi nanggugulo pa ang kabilang gang? Bakit kasi hindi nila matanggap sa sarili nilang mas malakas ang pamilya namin keysa sa kanila! Na mas gwapo ako keysa sa kanila! Hindi ako makapag focus sa sarili kong career dahil sa pesteng kabilang gang na yan eh.

Kung pagwapuhan lang ang labanan panalo na ako at kung palakasan aba panalo din ako. Kung alam ko lang ang dahilan kung bakit ayaw manahimik ng kabilang gang edi sana ako na nag-ayos ng problemang iyon, ayaw kasing sabihin sa amin nila daddy kung ano ba ang dahilan basta sabi nila 'sumunod nalang kayo kung anong inasabi namin!' yan nalang lagi ang sagot nila tuwing itatanong naming magkapatid kung ano ba talaga ang problema ng kabilang gang.

Biglang nagvibrate ang aking phone at nag pop ang pangalan ng aking kapatid, napa isip naman ako kung bakit?

"Panget! Pwede favor?"Message nito, matapos niya akong tawaging panget, akala niya papayag ako sa favor niya? No way!

"Oh ano yun!"Reply ko rito. Oh akala ko ba Kyle hindi ka papayag, marupok ka talaga pagdating sa kapatid mo. Hahaha.

"Hanapin mo naman yung gang na may simbolong moon and feather. TY panget."Paborito niya talagang tawagin ang gwapong tulad ko na panget eh.

"Sige Aki."Tignan niyo ang tino tino ng tawag ko sa kanya tapos sa akin panget?! Asan ang hustisya!?

Saan ba nagmana ang kapatid kong iyon? Hindi manlang nagpasalamat. Anyway mukhang alam ko na kung anong gang ang tinutukoy ni Aki, at madali lang makakuha ng myembro nun dahil mga tat*nga-t*nga ang ibang myembro ng grupong iyon.

Biglang napakunot ang aking noo at ngayon lang pumasok sa aking isipan.

"Anong kailangan niya sa grupong iyon?"



Akirra POV



Dahil sa pinilit akong papasukin ng apat ay andito ako sa university, nung una ay nagmamatigas talaga ako pero dahil sa kakulitan ng apat ay napilitan akong pumasok.

"Oh ba't ka pa pumasok?"Nabuntong hininga nalang ako at humarap sa kanya, hindi parin siya nagsasawang ubusin ang pasensya ko.

"Pakialam mo?"Mataray kong tanong, tumaas naman ang isang kilay nito saka nagcross-arms.

"May pakialam ako kasi tao ako."Napangisi ako saka siya tinignan simula paa hanggang mukha.

"Tao ka pala?"Akma niya akong sasampalin ng bigla akong yumuko kaya hangin ang nasampal niya.

"Pwede tigil tigilan mo ko?"Nagpameyawangan siya at tinititigan ako.

"Huwag mo kong utusan Nerd!"Sambit nito. Tsk!

"Hindi kita inuutusan, sinasabihan lang kita dahil mas nagmumukha kang t*nga keysa sa akin!"Humarap na ulit ako sa bintana at tinignan ang mga puno na sumasayaw dahil sa malakas na hangin, mga ibon na umaawit at malayang nakakalipad sa bughaw na langit.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay dumating na ang aming teacher, bagong teacher!

"Magandang umaga, ako ang bago ninyong guro sa assignaturang Filipino. Ang aking pangalan ay Flordeliza Amor Del Gado."Tumaas ang aking kilay saka tinititigan ang bago naming guro.

"Where's sir Carano?"Tanong ng isa kong kaklase, napatango naman ako dahil yun din ang tanong sa aking isip.

"Kinalulungkot ko ngunit umalis na si ginoong Carano sa unibersidad na ito."Maraming nag react dahil sa sinabi ni Ms. Del Gado, ba't naman naisipang umalis ni sir? Diba dapat magpaalam manlang siya sa amin bago siya umalis hindi yung bigla bigla nalang may magpapakilalang bagong teacher namin.

"May mga panuntunan ako na kailangan ninyong sundin."Napabuntong hininga ako at tulalang tumititig kay ma'am. Well I think hindi lalampas sa 22 ang kanyang age, maganda siya sakto lang ang tangkad at halatang probinsyanang taga Maynila.

"What it is ms?"Humarap si ma'am sa nagtanong at nginitian niya ito.

"Bawal magsalita ng Ingles dahil ang assignaturang ito ay Filipino, kailangan nating gumamit ng sariling wika."Maraming nagreklamo lalo na ang mga feeling magagaling sa English. Makapag reklamo ang mga ito eh sa subject ngang English tagalog ang mga sagot.


"That's unfair ma'am!"

"Yes Shina is right, hindi patas yun."

"Ma'am how about me? Kownti lang ang alam kow salitang tagalow."


Munting akong mapatawa ng marinig ko ang sinabi ng isang lalaki kong kaklase. 

"Kaya nga tayo may assignaturang Filipino para maturuan kayo diba?"Parang naiinis na sambit nito. Mukhang mabilis uminit ang kanyang ulo. Haha.

"Kapag may narinig akong Ingles ay may parusa kayong LAHAT."Nanlaki ang aking mata at agad napatayo kaya napalingon sa akin si ma'am.

"Anong problema binibining Reyes?"Kumunot ang noo ko at nagtakang tumitig sa kanya, paano niya ako nakilala? Bago lang siya diba? Ipinagsawalang bahala ko muna iyon at bumuntong hininga.

"Isa lang ang may mali pero lahat kami paparusahan?"Sumilay sa kanyang labi ang maliit na ngisi, ba't iba ang pakiramdam ko sa bagong guro na ito?

"Diba kapag nasa silid aralan ay pamilya kayong lahat? Kung ganun hahayaan niyo bang isa lang ang mapaparusahan?"

"Oo."Agarang kong sagot, unang una wala akong pakialam sa mga kaklase ko pangalawa hindi ko sila tinuturing na pamilya.

"Umupo ka na binibining Reyes, hindi ko kailangang magpaliwanag sa mayabang na tulad mo."Uminit ang ulo ko dahil sa sinabi nito, wala akong nagawa at umupo na lamang.

Maya maya lang ay pabagsak na bumukas ang pinto kaya sabay sabay kaming napatingin sa taong iyon. Dere-deretso itong umupo sa kanyang upuan at agad dumukdok sa kanyang arm chair. 

Lumapit naman si ma'am sa kanya at kinalabit siya, mga ilang kalabit pa ay tumingala ito.

"Why?"

"Ganyan ka ba kabastos? Bigla bigla mong bubuksan ang pinto at pabagsak pa ito at hindi manlang nagpaliwanag kung bakit ka nahuli sa aking klase."Bumuntong hininga si Tristan at bored na tumitig kay ma'am.

"So what?"Napairap nalang ako at tumingin ulit sa bintana.

"Lahat kayo may parusa, narinig niyo namang nakailang salita siya ng Ingles diba?"Agad akong tumingin sa aming guro na nasa harapan na pala ng buong klase. Ang unfair hindi naman alam ng lalaking yun na bawal mag ingles diba?


"Ngunit hindi alam ni Tristan na bawal mag Ingles."

"Oo nga!"

"Maaari bang huwag muna ngayon simulan ang panuntunan na iyan?"


Sinamaan ko ng tingin si Tristan ng mapatingin ito sa akin, takte yan! Anong parusa naman kaya yan?



**********

VOTE and COMMENT!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 24, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

That Nerd is a Gangster?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon