Chapter 9

18 5 2
                                    

Akirra POV



Pagkatapos kong magbihis ay dumiretso ako sa cafeteria, late nadin naman ako sa dalawang subject kaya ano pang silbi kung papasok ako, sa next subject nalang o baka nga magcutting nalang ako ngayon.

Pagdating ko sa cafeteria ay saka ko lang naalalang tignan ang aking phone kung sino ang tumawag sa akin kanina, hindi ko ito nasagot dahil nga gusto kong makita ang lalaki ngunit bigla itong nawala na parang bula.

"Si Clint? Ba't naman kaya napatawag ito?"Bulong ko sa aking sarili, umiling nalang ako at binalik sa aking bulsa ang phone ko saka naglakad palapit sa tindera. Tinaasan ko siya ng kilay ng makitang masama itong nakatingin sa akin.

"Anong problema nito?"Sambit ko sa aking isipin.

"Isang C2 Raspberry at Isa ding Oreo Red Velvet."Mataray kong sambit, hindi parin nagbabago ang itsura ng tindera. 

"Hoy ate ano bang problema huh?"Mataas ang tono kong tanong, umiling lang ito at binigay na sa akin ang binili ko.

"70 pesos."Malalim ang boses nito at kung simpleng tao ang makakarinig nito ay siguradong matatakot sila.

"Oh."Sabay abot ko ng 50 pesos at 20 pesos, hinila niya ito sa akin kaya inirapan ko siya at tumalikod na. Baka maubos pasensya ko sa babaeng yun at mapatay ko.

Lumabas ako ng cafeteria at sa likod ng university kung saan ako tumatambay ay dun ko  naisipang kumain. Umupo ako sa damo at sumandal sa puno, binuksan ko ang oreo pero uminom muna ako ng C2 bago sumubo ng oreo.

Nang maubos ang aking kinakain ay tatayo na sana ako ng may biglang lumundag pababa galing sa puno na aking kinasasandalan, tinititigan ko ito at pilit kinikilala pero dahil sa kanyang itim na mask at black hoodie ay hindi ko makita ang mukha.

"Akirra."Sambit nito sa aking pangalan, malamig ang boses nito at para bang kilala ko kung kaninong boses iyon ngunit hindi ko maalala kung narinig ko na ba ang boses na iyon.

"Who are you?"Sinubukan kong lumapit sa taong nakatayo sa aking harapan ngunit lumayo ito sa akin, ngumunot ang noo ko at tumayo saka pinagpag ang palda.

Tinitigan ko ito ngunit tumakbo na ito palayo sa akin, I feel something weird. Sino ang lalaking iyon? Ba't ba hindi nagpakilala ang depungal na iyon? Ba't pakiramdam ko matagal ko na itong kilala?

Bumuntong hininga ako at kinuha ang phone dahil may tumatawag. Agad ko itong sinagot ng makitang nakaregistered sa phone ko ang number na tumatawag.

"Anong problema Clint?"Agad kong bungad, ngayon ay naglalakad ako palabas ng university dahil nga tinatamad na akong pumasok.

"Akirra!"Bigla akong napatigil ng paglakad dahil sa isang sigaw na aking narinig sa kabilang linya, si Kyllie iyon.

"Anong nangyayari?"Tumakbo na ako palabas ng university at agad pinara ang unang taxi na aking nakita, sinabi ko sa driver ang address at umaandar na ang taxi.

"Tulong!"

"Akirra!"

"Aray!"

Halos mabingi ako sa sigawan ng mga kaibigan ko sa kabilang linya, dumagdag pa ang kalabog ng aking dibdib, masyado akong kinakabahan at gustong gusto ko na agad makarating sa aming hide-out pakiramdam ko ay wala na akong aabutan kung babagal-bagal ako.

Tinigil ng nasa kabilang linya ang tawag, kaya napahigpit ang kapit ko sa aking phone na kunti nalang mabasag na ito.

"Bilisan mo!"Sigaw ko, tumango naman ang driver at binilisan ang pagpapaandar ng taxi, ilang minuto ang lumipas ay nakarating na kami sa tapat ng hide-out, kumuha ako ng pera sa aking wallet at basta nalang bumunot ng kung magkano at binigay sa driver.

"Sobra sobra ho ito."Hindi ko pinansin ang sinabi ng driver at agad lumabas ng taxi at patakbong lumapit sa gate saka ito sinipa na agad ding bumukas.

Bumungad sa akin ang mga walang buhay na tauhan naming magkakagang, hinananap ko ang aking mga kaibigan at agad nakahinga ng maluwag ng makitang wala dun ang apat kong kaibigan.

Tumakbo muli ako at pumasok sa pinakaloob ng hide-out at kagaya sa labas ay mga walang buhay din ang bumungad sa akin, hindi ko ito pinansin at agad dumiretso sa second floor. 

Sinipa ko ang pintuan at madilim na kuwarto ang bumungad sa akin, kinapa kapa ko ang pader para mahanap ang switch, pinindot ko ito ngunit hindi bumukas ang ilaw. Napahinto ako ng maramdamang may gumagalaw sa aking gilid, dahan dahan kong kinuha ang tactical knife sa aking bulsa. Naglakad ako patungo sa kusina at ramdam na ramdam ko ang presensya ng isang tao sa aking likuran.

Nagkunwari akong hindi alam na may tao sa likod at hinayaan ko muna kong ano ang gagawin nito. 

Nang maramdaman ko kung anong gagawin ay agad akong umiwas sa akmang pagpalo niya ng isang bagay sa akin at mabilis hinawakan ang dulo ng ipangpapalo niya sa akin saka umikot papunta sa kanyang likuran at tinarak sa kanyang batok ang hawak kong tactical knife. Binitawan ko na ang hawak kong bagay kaya nahulog na sa sahig ang katawan ng taong ito. 

Sunod sunod na lalaki ang sumugod sa akin at wala pang limang minuto ay naubos ko ito gamit lamang ang tactical knife ko, kinuha ko ang aking phone at binuksan ang flashlight saka ginamit para mahanap ay isang pang switch ng ilaw, ng mahanap ko ito ay bumukas ang ilaw at kitang kita ko na ang mga lalaking pinatay ko kani kanina.

"Ehm."Napalingon ako sa boses na iyon at nakita ko sa isang gilid ang aking mga kaibigan, agad akong lumapit sa kanila at inalis ang pagkakatali. 

"Anong nangyari?"Naiiritang kong tanong habang nakatingin isa isa sa kanila.

"Hindi kami nakalaban, bigla kasing nakuha ng isang lalaki si Kyllie at ginamit na panakot sa aming tatlo, nabigyan sila ng pagkakataon para pagbubugbugin kaming apat at dahil nga nakatali kami ay wala kaming magawa."Paliwanag ni Lylanie, bumuntong hininga ako at lumapit sa isang lalaki na humihinga pa, hindi ko akalaing buhay pa ito.

"Sinong nag-utos sa inyo?!"Ngumisi lang ito dahilan para mas lalong uminit ang ulo ko.

"As you wish!"Sambit ko at agad tinarak sa kanyang noo ang knife ko, pinilit kasi nilang maging brutal ako. 

Bigla akong napatitig isa isa sa kanilang wrist at kitang kita ko dun ang tattoo na ang design ay isang waning crescent moon at isang waxing crescent moon saka sa gitna ng dalawang moon ay isang feather.

Moon and Feather? 



**********

VOTE and COMMENT!

That Nerd is a Gangster?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon