Chapter 4

36 12 5
                                    

Akirra POV



"Panget kong kuya!"Pagtawag ko sa aking kuya, magpapaalam ako na may pupuntahan ako at baka gabi na ako makauwi.

"Bakit lil sis and pwede ba don't call me panget dahil gwapo ako, gwapo ang kuya mo."Inirapan ko lang siya saka lumapit sa kanyang kinauupuan.

"May pupuntahan ako baka gabi na ako makauwi, pakisabi nalang kila mom."Kinuha ko ang favorite kong tactical knife na nakapatong sa glass table, inilagay ko ito sa aking bulsa na nasa likuran ng pantalon na suot ko.

"San ka--"

"None of your business panget!"Lumabas na ako ng mansion habang pinaglalaruan ang susi ng aking motor, pumunta ako sa garahe at pinaandar ang motor.

Nakalabas na ako ng aming village at kasalukuyang nasa kalsada, nag red ang traffic light pero hindi ako huminto, I don't care sayang lang sa oras kung hihinto pa ako.

Mas lalo ko pang binilisan ang pagdra-drive ko dahil sa muntikan kong masagasaan na couple, tatanga-tanga kasi alam na tumatawid naglalandian sa daan. Binilisan ko pa lalo dahil sa hinahabol na ako ng mga police, lumiko ako sa isang eskinita at napangisi ng makitang lumampas ang mga police. Lumabas ulit ako ng eskinita pero napaubo muna dahil sa kanina ko pa pagpipigil ng hininga, ang baho amoy ihi. Tinahak ko na ang daan kung saan talaga ako pupunta.

"Boss."Hindi ako tumugon at pumasok na sa loob ng gate, may mga iba pang tao ang bumati sa akin pero hindi ko sila tinugunan bagkus ay pinark ko ang aking motor saka taas noong naglakad patungo sa pinto ng aming hide-out. Binuksan ko ang pinto at amoy ng alak agad ang aking nasinghot.

"Good morning boss."Kahit sino ay hindi ko tinugunan pero sanay na sila sa asal kong iyon. Tinignan ko ang hagdanan saka umakyat.

Nasa tapat na ako ng pintuan at sinipa ko ito. Nasa loob ang apat kong kaibigan.

"Sinira na naman ang pinto!"Kunwaring galit na sambit ni Lylanie, short for Lanie siya ang pinakamatanda sa aming lima.

"Bat may angal kang gurang?"Mayabang kong tanong, napangisi nalang siya saka umiling. Tumayo nalang siya at lumapit sa magkapatid na Dawson na naglalaro ng chess. Lumapit ako sa sofa saka tumabi kay Bryan sa busy sa kanyang cellphone, pustahan may kalandian na naman ito.

"May humamon pala sa grupo ko, mamayang 8 sa ground."Napalingon ako kay Bryan na nakatitig parin sa kanyang phone pero ako ang kinakausap.

"Anong gang?"Tanong ko, wala lang trip ko lang malaman, papagawan ko na sila ng lapida sigurado naman kasing talo sila.

"Black T gang."Napaismid ako ng marinig ko ang pangalan ng gang, ayos naman ata. Haha.

"Manonood ka ba Akirra?"Pagtatanong ni Kyllie na ngayon ay nasa kabilang sofa na, siguro tapos na silang maglaro ng chess.

"Oo naman."Ngumisi ako at ininom ang alak na nasa baso ko. Tumango sila at tinuloy ang sari-sariling ginagawa nila.

May tig-iisang grupo ang aking mga kaibigan. Bale limang grupo ng gang ang nandito sa hide-out.

Sa grupo ni Bryan, lima silang lahat at tinatawag nilang 'Brack Demon Gang' ang grupo nila. Lahat sila lalaki at malalakas naman.

Si Kyllie naman ang may hawak sa 'BG Gang', lima din sila at lahat sila babae.

Grupo naman ni Lanie ang may tatlong lalaki at dalawa silang babae tinatawag naman nila itong 'BoRl Death Gang'.

Si Clint naman ay puro lalaki din ang member, 'Hot like Ice Gang' ang pangalan ng grupo nila.

Grupo lang ni Clint ang kakaibang pangalan, palibhasa abnormal yang si Clint. Tsk.

And last but not the least my gang, of course I have my own gang at silang apat ang member.

Five Demon's Gang, at isa ang grupo ko sa kilalang gang sa buong bansa and I think pati din sa labas ng bansa mabango ang F.D Gang.

Pero hindi ang gang namin ang pumapatol sa mga mahihina at di kilalang gang, masyadong madali yun at sa maniwala kayo't sa hindi wala pang nakakatalo sa grupo ko.

May isa pa akong gang na kinasasaniban at yun ang gang ng pamilya ko, ang pamilya ko ang pinakakilalang gangster sa mundo namin at dahil na din sa pagiging popular ay maraming gustong kumalaban sa amin. Kaya nga ako pinadala nila mom sa aming pinagmamay-ariang paaralan ay para mahuli ang mga myembro ng kalaban.



**********

So guys, pasensya na at ang jeje ng pangalan ng gang, haha wala kasi akong maisip eh.

VOTE and COMMENT!

--Author niyong makulit

That Nerd is a Gangster?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon