Queens

11.1K 189 30
                                    

The three Queens. Yan ang tawag sa tatlong pinakamagandang babae sa buong university. Sina Amanda Villanueva, Charo Soriano at Dennise Lazaro.

Ngunit hindi lamang kagandahan at katanyagan ang naguugnay sa tatlong magkakaibigan. Isa dito ang pangalang, Alyssa Valdez.

Si Charo, ang ex-girlfriend ni Alyssa nung freshmen year palang niya. Si Amanda, ang kasalukuyang nililigawan niya at si Dennise, hindi niya kailanman naging nobya sa halip ay ang pinaka niinisan niya sa tatlong makakaibigan.

"Girls, nag-text si Alyssa kagabi!" Kinikilig na sabi ni Mands.

"Ano sabi? Papasa-load? Hahaha!" Tumatawang sabi ni Dennise.

"Ikaw showns, ang sama mo kay babyly ko." Tampong sabi ng kaibigan.

"Oo nga Den. Ano bang nagawa sayo ni Alyssa at ganyan ka kagalit sa kanya?" Sabi nman ni Cha.

"Hindi pa ba obvious? Ayaw ko sa kanya dahil ang landi landi niya. Sa dalawa kong kaibigan, lahat sila nagayuma na ni Valdez." Inis na sabi ni Den.

"Showns nman wag ka magalala. Pagkatapos ko, ikaw nman." At nagtawanan sina Cha at Mandy.

"Over my dead and gorgeous body!" Singhal ni Den at naunang naglakad sa dalawa. Tumawa nman lalo ang magkaibigan.

Magkaklase ang tatlo sa first period nilang history. Boring at minor man, kailangan nilang pasukan dahil kagandahan lang ang alas nila. Sa madaling salita, bobo ang three Queens.

Dahil nga sa nauna sa paglalakad si Dennise eh siya din ang unang nakakita sa kawalang hiyaang ginagawa ng manliligaw ng kaibigan niya.

Hinalikan lang nman ni Alyssa sa labi ang isang maharot na babae sa tapat mismo ng classroom nila. Gusto man niyang sugurin at pagsasampalin ngayon si Alyssa eh naisip niyang baka makita ito ng kaibigan niya at masaktan.

Ayaw pa nman niyang magpatahan ng umiiyak na kaibigan. Kaya madali siyang umikot para dalhin muna ang dalawa sa cr para makaiwas ngunit huli na ang lahat. Nakita na ni Mandy at Cha si Alyssa.

"Showns..." malungkot na sabi ni Den.

Umiiyak na si Amanda dahil sa nakita niya at dali-dali itong tumakbo palayo pabalik kung saan sila nanggaling. Sinundan nman agad ito ni Charo para damayan.

Sikat ang magkakaibigan pero hindi sila katulad ng iba. Mababait at matutulungin sila sa kapwa estudyante. Minsan lang sila magtaray, lalo na pag-alam nilang nadedehado na sila. Katulad nlang ngayon.

Tumakbo si Dennise, hindi papunta kay Mandy kundi kay Alyssa. Sinugod niya ito ng isang malutong na sampal. 'Pak' na dinig sa buong corridor.

"What the heck?!" Sigaw ni Aly habang ang kamay ay nasa pisnging namumula.

"Walang hiyang malandi ka! Sinaktan mo ang kaibigan ko!" Sigaw din ni Dennise at akmang sasampalin ulit si Alyssa.

Pero napigilan na nito ang kamay. "Kaibigan?! Si Charo? Ang tagal na nun Den!"

Sinampal ulit ni Dennise si Aly gamit ang kabilang kamay niya, kaya natamaan ito. "Hindi si Cha! Si showns!"

"Aray! Kanina ka pa ah!" Dalawang kamay na ni Den ang hinawakan ni Aly. "Sino si Showns? May bago kayong kaibigan?"

Sa sobrang inis ni Den ay hi-neadbutt niya si Alyssa kaya natumba ito sa sahig. "Si Amanda shunga!"

Naramdaman nman ni Aly na may mainit na likido ang tumulo sa kanyang ilong. Imbes kasi na ulo ang matamaan ni Den eh ilong lang niya dahil mas matangkad ito sa huli.

Agad niyang hinawakan and ilong at nakitang dumudugo ito. Tatayo na sana siya para gumanti ng sigawan siya ni Dennise.

"Dalawa sa kaibigan ko na ang nasaktan mo Valdez! Ngayon, magbabayad ka!" Sabay suntok sa mukha ni Alyssa.

One Shot feat. Alyden&JhobeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon