Taboo 3.0

4.6K 156 12
                                    

A/N

THIS IS BASED ON A TRUE STORY

--------------------

"Okay class, I have good and bad news for you." Announced maam Den.

Nagdiwang nman ng mag isa si Aly. "Yes! No class next meeting!"

"Oraaayt! Wohooo!!!" Pagdiwang din ng iba niyang kaklase.

"Okay, quiet!" Nagpatuloy si maam. "Wag mo nga akong pangunahan Alyssa." At inirapan niya ito. "I will be attending a convention at Cebu kaya wala ako this coming saturday."

Napabright idea nman bigla si Alyssa. "Maam pasalubong ah! Dried mangoes lang akin maaaaaaam!" Pagpapacute pa nito.

"Ako din maam!"

"Otap akin maam!"

"Be safe maam!"

"Hay nako Valdez, at ikaw pa talaga nagpasimuno nito ah?" Pagmamataray nito napatawa nman ang buong klase.

Ngumiti si Alyssa. "Syempre maam! Sino pa ba?"

"Ano po yung bad news maam?" Tanong ni Jia.

"Wala yan. Mukhang good news nman ata lahat Ji." Sabi ni Alyssa at tumapik pa ito sa balikat ng kaibigan.

Maam Den smirked. "For me good news nman tlga. We will be having our midterm exam next week. Part 1 is written, Part 2 Calculations, Part 3 essay and last part is practical exam."

"Your midterm exam covers from expt 5-12. So study everything pati procedures kasi may practical exam kayo and it is individual, not by pair nor by group." Pagpapatuloy nito.

At napanganga ang buong klase sa dami ng type of exams. Nakakamatay sa dami at hirap. "Wow nman maam, wagas maka exam!" Reklamo ni Aly.

"Kung ayaw mo eh di--" naputol sa pagsasalita si maam Den.

"Idrop mo nlang to Ly. Please di ko kayang tiyagain na pag-aralan lahat yan." Sabi ni Bea sabay tapik sa balikat nito.

"Tumigil ka nga De Leon!" Sabay tulak ng kamay nito. "Ilan items maam?"

"100 items lang. Dont worry madali lang nman eh." Nagreact ang buong klase. "I will text Jia for the instructions about sa practical exam niyo but for now, class dismissed."

"Bye maam!" Pagpapaalam ng buong klase.

Napakamot sa ulo si Alyssa. "Eh kung magdrop nlang kaya ako?"

"Buti pa nga." Sumangayon si Jia at natawa nman sina Bea at Amy.

--------------------

Nasa condo ni Alyssa ngayon tumambay ang magkakaibigan dahil balak nilang mag group study for the upcoming exams. Syempre tinutukan nila ang subject ni maam Den na wagas ang coverage.

"Ayaw ko naaaaa!" Reklamo ni Bea sabay higa sa carpet.

Napatawa nman si Alyssa. "Agad agad eh nagsisimula palang tayo ah."

"Anong tayo? Kami lang kamo. Ikaw pahiga higa ka lang dyan sa sofa at kumakain. Kami lang ang nag-aaral dito noh!" Sabi ni Jia sabay palo nito sa paa ni Ly.

"Wag ka nga Ji. Mataas nman yung prelims ko sa kanya kaya wala akong problema noh." Pagmamayabang ni Alyssa.

"Edi ikaw na! Porket magaling ka sa calculations ah." Tinapunan ni Amy si Aly ng chips. "Turuan mo nman ako Ly."

Napatawa si Aly. "Sure sure. Ano ba?" Lunapit si Aly sa kaibigan at tinuruan ito.

Lumipas ang 30 minuto at napagdesisyunan ng grupo na magbreak na muna. Kumuha si Amy ng pagkain sa kitchen, si Jia at Bea nman ay nagonline break habang si Alyssa ay nagpapahinga sa sofa.

"Shit! Look Jia, fb account ba to ni maam Den?" Hysterical na tanong ni Bea.

"Yes. Di pa ba kayo friends?" Takang tanong ni Jia.

Napakunot nman ang noo ni Bea. "Friends na kayo? Ang daya nman. Iadd ko nga." Bea pressed the add button.

Tahimik nman na nakikinig si Alyssa sa usapan ng dalawa. Kahit siya ay di pa ina add sa fb si maam Den. Nahihiya kasi siya eh.

"Uy! She accepted my friend request! OL si maam!" Bea rejoiced. Napabuntong hininga nlang si Aly.

"Scroll down mo bei, may ipapakita ako sayo." Sabi ni Jia.

Napanganga nman si Bea. "Shit! Bf niya ba to?! Ang pangit ah. Di sila bagay." Sa likod ay tumatango tango din si Aly.

"Hindi nman ata. Look, 2015 pa yung pic nila together tapos 2016 na ngayon. So baka ex na niya yan." Sabi nman ni Jia.

"Hmmm. Sabagay tama ka nman Jia." Pagsangayon ni Bea. Napaisip nman si Alyssa, kung totoo ang sinasabi ni Jia eh di para siyang baliw na umiiwas kay maam ng walang dahilan. Nabuhayan tuloy ito ng loob.

"Hoy baldo! Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" Tanong ni Amy at binigyan siya ng sandwich.

Tinaggap ito ni Ly at umupo ng maayos. "Wala, masaya lang." Nakangiti parin ito.

"Yuck Ly, ang creepy ah." Sabi ni Bea.

Tinapunan nman ni Alyssa ito ng throw pillow. "Tse!"

--------------------

"Shit nman! Gabing gabi na pero di parin ako makatulog!" Tiningnan niya ang phone niya at nakitang alas 2 na ng madaling araw.

Naisipan niyang buksan ang fb niya at isearch ang taong dahilan kung bakit di siya makatulog. Si maam Denden.

Binuksan niya ang prof pic nito. "Hay nako maam, bakit kasi ang ganda mo?"

Matapos niya itong tingnan eh nilagay niya ito sa kumakabog niyang dibdib. Oo picture niya lang eto pero grabe parin yung kabong ng dibdib niya.

She started daydreaming about her future with maam Den. Kung ano yung mga scenarios with their future children. Naisip niyang pwede na siguro ang dalawang anak. Ang first na magbubuntis ay si Maam Den tapos siya nman ang sunod.

Dapat una si Denden dahil baka matanda na ito pagmagpakasal na sila edi delikado na ang pagbubuntis nito. Tapos ang gusto niya eh babae ang una nilang anak tapos lalaki nman ang sunod.

Napapangiti nlang si Alyssa kung gaano ka perpekto ng magiging buhay mag-asawa nila. Kinikilig na ewan siya pag naiisip niyang aalagaan siya ni maam Den araw araw.

Umupo ng maayos sa kama niya si Aly at nagdasal. "Lord I'm asking you a favor sana. Lord pls give me a sign kung ano pong gagawin ko sa feelings ko kay maam. Shall I just tell her truth and push what I'd want or just keep it to myself and move on?"

Tapos naisip niya nman bigla ang dried mangoes. "Ah Lord tama! If maam brings home the pasalubong of dried mangoes that I've asked her then ipupush ko po to but if not then I wont. Lord, I will take whatever you wanted me to do. Pls guide me lord. Amen."

At ilang minuto pa eh nakatulog na ng mahimbing si Alyssa.

One Shot feat. Alyden&JhobeaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon