Lala's PoV
Simula nang maging anino ako sa paningin ng lahat ng tao sa campus unti unti na din akong nawalan ng pake sa nangyare. Ni hindi na ko nag-abalang alamin ang totoo. Nakakapagod din kasi minsang magpumilit na intindihin ang mga tao.
Unti unti kong naadapt yung attitude ni Zach sa pagkakawala ng pake sa mga tao.
Syempre may mga epal pa rin. Shaming me in front of everyone pero bahala na sila sa buhay nila. Basta ako alam ko sa sarili ko wala akong masamang ginagawa.
May isang tao na lang siguro na mahalaga saken ngayon.
Si Zach yon.
Ewan ko. Kahit na sinusungitan pa rin niya ako, masaya ako kasi sa isang Zach Denver Filoteo ramdam ko sa sarili ko... na nakahanap ako ng isang totoong tao. Isang totoong kaibigan.
Suplado pa rin siya pero ramdam ko na hinahayaan na niya ako and he's now willing to talk much more than he does before. Which is an improvement I guess?
Kami lagi yung magkasama. Lalo na pag break time o bago mag-uwian.
Isa pa siguro sa gusto kong mangyari ngayon? Yung makitang nakangiti itong taong to.
Oo, hindi na siya ilang o iwas saken pero he never smiled. Poker face lang palagi or wordt angry face. Gwapo pa naman.
Ayy joke.
Pag ngumiti na siya... which I don't know when that'll happen... baka dun ko na lang sabihin haha. Mas gwapo siguro siya non hihi.
"Zach?"
"Hmm?"
"Why do you always sleep after class? Lagi ka bang puyat?"
"No"
"Anong oras ka natutulog?"
"9... 10... never later than 11"
"Ang aga!"
"That's normal Lala"
Oo Lala na din tawag niya saken haha. Napagod din siguro kaka-Labyrinth lol. Tongue twister din kasi minsan pangalan ko. Ewan ko ba kina mama bakit ganun pinangalan saken hahaha.
"Hindi ka ba nagssocial media?"
"No"
"Ehh? Text?"
"Sino ittext ko aber?"
"Wala rin?!"
"Hindi naman ako kagaya mong miss congeniality Lala"
"Tss. Dati yon!"
"Hanggang ngayon kamo"
"Bakit mo nasabi?"
"Kasi kinakaibigan mo ko"
"Ano masama dun?"
"Wala ka naman mapapala saken"
"Meron no!"
"Ano?"
"May napapala kaya ako!"
"Ano nga??"
"Tiwala mo"
"Ha?"
"You trusted me enough for me to be here with you Mr. Loner"
"Did I?"
"Ayy hindi ba?"
"Ewan ko"
"Hay nako Zach!!"
"Ano?!"
"Napakaano mo!"
"Bakit na naman?! Ehh sa hindi ko naman talaga alam!"
"Ewan ko sayo psh"
"Lala"
"Oh?"
"Interesado ka pa rin ba malaman ang totoo?"
"Ha?"
"Sa nangyari sayo"
"Syempre. Kaso wala ngang nagsasalita di ba? Ikaw na nag-iisang nakakausap ko madamot naman sa kwento so paano?"
"You really want to know?"
"Ok nang hindi pero mas okay pa rin na malaman ko syempre. Sa ikatatahimik ng kaluluwa ko ganon bakit?"
"What if I tell you?"
"Asa pa kong magdadaldal ka ng mahaba no-"
"It's because of the brats"
BINABASA MO ANG
You'll Be Safe Here
FanfictionClose your eyes Dry your tears 'Coz when nothing seems clear You'll be safe here From the sheer weight Of your doubts and fears Weary heart You'll be safe here