38- Guy talk

902 71 8
                                    

Zach's PoV

"G-good afternoon po"

"Pasok kayo iho"

"Tara?" Tumingin saken si Lala saka ako hinigit papasok ng bahay nila

"Papa!! Your daughter's here!! May kasama siya papa!"

"Ha? Sino?!"

Galit ata yung tatay ah?

"Galit ba tatay mo?"

"Ha? Hindi no. Haha"

"Parang galit Lala, wrong timing ata tayo?"

"Hindi nga!!"

"Oh. Sino tong gwapong batang andito sa bahay ko??"

"Pa-" Lala

"Boyfriend ng anak mo papa"

"Ma, baka gusto mong ako yung magsalita ma?"

"Ayy sorry nak hahaha"

"Hay nako mama"

"Ok lang yan. Boyfriend mo naman talaga di ba? Iho di ba?"

Tumingin saken yung mama ni Lala. Ewan ko pero nataranta akong sumagot

"Opo mam. Z-zach Denver Filoteo po. Boyfriend ni Lala" sabi ko sabay lakad palapit sa magulang ni Lala

"Filoteo??"

"O-opo"

"Sorry if I may ask ah?"

"Ano po yun?"

"Are your parents the one involved in a big issue in the business?"

Hay. Mukhang negative ah.

"O-opo."

Inaabangan ko na lang yung galit ng mga magulang ni Lala kasi malamang ayaw nila saken. Sabi ko na ehh, walang ibang pamilyang magugustuhan ako.

Pero iba yung nangyare

"Mahal mo anak ko?"

"P-po?"

"Do you love my daughter?"

"Yes mam"

"Hindi ka gago?"

"Hindi po"

"Ma ano ba ysng mga tanong mong yan" Lala

"Hindi mo iiwan ang anak ko? Pprotektahan mo siya? Hindi ka manloloko?"

"Opo mam. I-I know my parents are not the good image you see at siguro ganun na rin ang tingin niyo saken since mga magulang ko sila pero mam, mahal na mahal ko po ang anak niyo. She changed me. She made me live again. Pag sinaktan ko siya para ko na rin pong pinatay ang sarili ko mam"

Pagkatapos kong magsalita nagtinginan lang ang magulang ni Lala saka niyaya si Lala ng mama niya sa kusina

"Lala, prepare tayo dinner"

"Ok ma"

"Pa ikaw na muna bahala sa bisita"

"Oks!"

Nung makaalis sina Lala naiwan akong nakatayo lang sa salas nila

"Upo ka"

"O-ok po"

"Do you drink?"

"No sir"

"Smoke?"

"No sir"

"Yaya penge na lang kaming juice"

"Ok sir"

"So..."

Nakatingin lang ako sa tatay ni Lala. Siguro sasabihin nito saken na umalis na lang. Hay.

"Ano nagustuhan mo sa anak ko? Bakit mo siya minahal?"

"Sir?"

"Just relax iho. Nagtatanong lang ako"

"Sorry sir"

"So?"

"Sa totoo lang po? Hindi ko alam pano nahulog ang loob ko sa anak niyo. I-I just found out one day, that I love her"

"Why?"

"M-maybe because she made me feel my importance again sir. Kasi sa totoo lang po, wala naman akong kwentang tao"

"How can you say that to yourself? Walang tao ang walang kwenta iho"

"Yun na po kasi nakalakihan kong tingin saken ng tao... saka ng magulang ko. That I'm just something worthless"

"Iho. The fact that you're alive means you're worth it already. Don't ever think of being someone who's worthless"

"Pasensiya na po"

"Anyways. Eto lang sasabihin ko sayo... mahal na mahal ko yang anak kong yan kaya wag na wag mong sasaktan. Kasi sinasabi ko sayo makikita mo si San Pedro"

"Hindi ko po maipapangako na hindi magkakamali pero hanggang kaya ko po hinding hindi po ako gagawa ng kahit anong makakasakit sa anak niyo sir"

"Good"

"Po?"

"Ehh mahal ka ng anak ko. Sa nakikita ko naman sayo mahal mo rin siya..."

Nakatingin lang ako sa kanya habang sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko

Medyo humarap siya saken saka tinapik ang balikat ko

"Welcome to the family Zach"

"T-talaga po?"

"Basta. Usapan ay usapan. Masaktan ang anak ko, makikita mo si San Pedro"

"O-opo sir!"

"Iho wala naman tayo sa militar o sa school. Wag na sir lalo akong nagiging matanda eh"

"Ah eh"

"Tito na lang. Saka na papa pag kasalan na haha"

"O-ok po tito. Salamat po sobra!"

"Ano ka ba? Salamat kasi minahal mo anak namin, may pagkawirdo yan minsan pero mabait na bata yan"

"Haha. Alam ko po sir este tito. Pero mahal ko pa rin naman kahit ganun siya eh. Tinamaan ata ako"

"Aysos!! Tong batang to oo!"

"Hehe" napakamot na lang ako sa ulo ko. So okay na ba?

"Basta magmahalan lang kayo at umintindi sa isa't isa magtatagal kayo"

"Pero sir?"

"Oh?"

"Hindi po ba kayo galit?"

"Ha?"

"Sakin po? Dahil sa magulang ko?"

"Bakit kami magagalit? Sayo pa?"

"Ehh kasi po..."

"Hindi naman porket sila magulang mo ganun ka na rin, kaya nga tinanong ka namin kung sino ka at ano pagpapahalaga mo sa anak namin, kasi yun yung mahalaga"

"Pero magulang ko pa rin po sila"

"But that doesn't change the fact that you're a different person than they are right? Oo sila magulang mo, sa kanila ka nanggaling pero iba ka pa rin. Hindi ikaw sila. Di ba?"

"O-opo"

"Wala naman akong pake sa magulang mo sa totoo lang. Ang mahalaga saken mahal mo anak ko"

"Sobra po"

"Oh edi ok tayo"

Para akong nabunutan ng tinik sa sinabing yon ng tatay ni Lala. Buti pa sila nakikita ako bilang ako. Maswerte si Lala sa magulang niya. Hays.

"Kalma na haha hindi naman to interrogation ehh"

"Pasensiya na po. Unang beses ko lang kasi humarap ng ganto sa magulang ng girlfriend ko tito"

"Haha. Kaya pala. Okay lang yan. Nood tayo basketball habang nag-aasikaso yung dalawa sa kusina"

"Sige po"

Hoo!! I survived one 😣

You'll Be Safe HereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon