14-Act Normal

895 66 5
                                    

Lala's PoV

"Parang tanga! Tsk!"

"Ano yon Miss?"

"Tatanga tanga ka talaga kahit kailan!!"

"Miss?!"

Pagtingin ko sa tindera dito sa canteen ang sama na ng timpla. Hala! Napalakas pala! 😣

"Ayy ate wala sorry hindi ikaw. Ako yun ate hehe"

"Oh ayan napkin mo"

"Thank you ate 😬"

I tried smiling at her pero masama na talaga ang tingin niya saken kaya umalis na lang ako sa canteen agad.

Kasi naman Lala!! Ano ba bakit ka ba lutang?! Aish!

Pumunta na ko sa banyo pagkabili ng pads. Sabaw na sabaw?! Baka dahil sa regla. Oo, dahil yun dun! Hindi dahil sa kiss hindi rin dahil sa hug! Hindi dahil dun!! Hindi dahil nagustuhan ko!

Teka? Nagustuhan ko?! Wth Lala ano baaaaaa lecheng kiss yan!! Bakit ba kasi!!!

"Lala?"

"Ayy kiss!"

😳😣 kakaisip ko ng kiss yun na lumabas sa bibig ko bushak!!

"What?"

Ano ba bakit ba kasi bigla biglang sumusulpot tong taong to! Teka? Did I just see him smirk?

Bago yun ah? Ang gwapo niya don... Pero teka nga!!

"Bakit ka ba nangugulat ha?!"

"Bakit ba galit ka?"

"Hindi ako galit!"

"Sa taas ng boses mo hindi ka galit niyan?"

"Ano naman kasi sayo?!"

"Dahil ba yan sa regla mo?"

"Ewan! Tch."

Ano ba Lala nangyayare sayo?! Jusko naman.

"Lala, about what happened earlier... ahm"

Jusko kiss pa din yun ehh 😣

"Kanina? Ano ba nangyare kanina?" Sige dedma pa Lala. Walang kiss walang hug na nangyare kanina Lala. Wala!! Wala talaga! Juskolord!!!!

"The kiss?"

Bushak!! Deretsahan kuya?!

"Ah ok lang yon aksidente lang naman 😊 as if naman ginusto mo mahalikan ako? Hahaha"

Ok lang daw! Sino niloko mo Lala?! Aish! Kunwari di nagwawala sikmura ko sa usapan naming to. Sige lang self. Kaya mo yan! Act normal! Act like nothing happened!

"What if I tell you I do?"

😳

Zach's PoV

"Ha?!"

"W-wala! Sabi ko kalimutan na nga natin! Tch. Dyan ka na nga tutulog na ko!"

I started walking back to the rooftop biting my lips.

Why did I fcking say that?!

Lala's PoV

Layasan daw ba ako?! Yung taong yon malala pa sa babae talaga minsan eh! Hmp!

Pero...

What if I tell you I do?

N-nagustuhan niya yung nangyare?? Y-yung kiss?! Weh?!

Ehh bakit ako masaya?!

Parang tanga talaga Lala!!!

Napasabunot na lang ako sa sarili ko sa tumatakbo sa utak ko

"Oh my gosh! She's gone crazy!" Nadirie

"Wag mo ko simulan Nadirie" inis na inis na ko ngayon dahil sa pagmumukha mo

"Nads, why does she call you Nadirie??" Irene

Hindi nila alam? So totoong walang may alam ng real name ni Nads? 😏

"I-I don't know! Maybe she invented that. Alam niyo naman weirdo."

"Talaga ba NADIRIE? Weirdo? Ako?? Ehh kung sabihin ko kaya yung dahilan ng NADIRIE? Ha?"

"Shut up!! It's Nads! Nads! Ugh!" Then she walked out on me kasama mga alipores niya. hahahahaha Nadirie. Sounds to me more like kadiri psh. Arte!!

Can't believe I was fooled by those bitches. Tama nga si Zach, masyado akong nauto. Masyado talaga akong naging tanga.

You'll Be Safe HereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon