1-The Beginning of Everything

2.1K 73 1
                                    

Lala's PoV

"Hi Lala!!"

"Hello!"

"Lala we'll have a party by the end of the month ah, punta ka?"

"Sure!!"

"Lala, ang ganda ganda mo today!"

"Always yan! Haha"

"Ang saya saya mo palagi nakakatuwa naman haha"

"Syempre dapat laging happy, iwas wrinkles! Hahaha"

Yan ang everyday scenario ng buhay ko. Binabati ng lahat ng tao. Kilala. Masaya. Laging positive lang.

Everyone calls me Lala. Ang hirap nga naman kasing banggitin ng Labyrinth di ba? Haha. I always make it a point to make people happy. Give a smile on their faces. Give them joy in a party. Life of the party ako ika nga nila.

Mabait akong tao. I make friends with everyone kung kaya ko. Ayokong may nakikitang tao na mag-isa except for one na hindi ko talaga malapit lapitan

"Hi!" Sabi ko pagkaupo ko sa tabi ng lalaking may nakasabit na headset sa leeg.

Binati ko pa lang siya nilayasan na niya ako. Tumingin lang siya saken with no expressions on his face, nilagay yung headset sa tenga niya at umalis. Talk about rude huh?

That's Zach Denver Filoteo everyone. Oo kilala ko siya. Kasi siya lang ang hindi ko makausap talaga. Never did I also see him talk with anyone. Who are you Zach?

Dinedma ko na lang siya non at saka dumirecho paalis ng school. I still have a party to attend to.

Masaya. Masaya naman yung buong gabi... para saken. Everyone was enjoying. Everyone was having the time of their lives. Pero napako ang tingin ko nung makita ko si Zach sa isang gilid ng bar kung san nagaganap yung party and he's staring right at me.

Nagulat ako kasi he never 'stared'. Nag-iwas na lang ako ng tingin at saka nagpatuloy sa pag-eenjoy at pagsasaya.

Pero lahat pala talaga ng saya may katapusan...

After the party, nagbago ang lahat. Isang araw lahat na lang ng tao, umiiwas, nagbubulungan habang nakatingin saken, and I don't know the reason why. The people whom I thought were my friends... they're gone. Nobody talked to me. Nobody told me about anything. Lahat ng iningatan kong "kaibigan" nawala. Lahat ng sayang dinala ko sa kanila nabalewala.

And I don't know the reason why

I tried to talk to them pero laging ang scenario is

"Dian!"

"Oh hi Lala. Ahm ano sige bye! Nagmamadali ako sorry!"

"Wait!"

"Bye!!"

"Ericka?"

"May lakad ako ehh pasensiya na ah? Bye!!"

Wala na ba talaga akong makakausap kahit isa? Kahit isang tao lang oh?

Bumagsak ang mundo ko sa isang iglap lang ng hindi ko alam ang dahilan, I just wish I could turn back the time...

You'll Be Safe HereTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon