CHAPTER TWO:

7 1 0
                                    

HARVEY JON POV

Iba yung naramdaman ko sa halik na yun anong meron sa kanya??Simula nung makita ko sya kanina parang gustong-gusto kong parati lang sya sa tabi ko para pagmasdan lang sya, iba kasi pakiramdam ko sa kanya eh yung  feeling na namimiss kong gawin yun, hayy ewan ko ba. Di pa rin sila bumabalik malapit na mag next class.
"Harvey bro nice one"-nanunuksong sabi ng kaibigan kong si Nixon.
"Oo nga first day na first day nakaisa kana"-dagdag pa ng Isa ko pang kaibigan na si Arckin. Sila yung mga matatalik kung kaibigan simula nung grade 11 palang ako at college na kami ngayon kaya 2 years na kami magkakaibigan.
"Ano ba kayo aksidente lang yun"-paglilinaw ko sa kanila.
"Aksidente pero bakit parang enjoy na enjoy ka?"-Nixon
"At may patulala-tulala effect pa hahaha"-nanunuksong sabi ni Arckin.
"That kiss... It seems so familiar"-sabi ko sabay hawak sa labi ko.
"Woahhh ano yun nakiss mo na sya?pano nangyari yun eh ngayon lang kayo nagkita I think"-takang tanong ni Arckin
"I know pero ewan ko ba may something sa kanya na di ko maintindihan"-sabi ko sa kanila.
"Baka naaalala mo lang yung mga kiss ng babae mo"-natatawang sabi ni Nixon.
"Babae?eh NGSB yan si Harvey sa pagkakaalam ko"-sabi ni Arckin
"That's right Kaya impossible, her eyes also,,so weird but those eyes are so familiar pero di ko ma determine kung bakit"-sabi ko.
"Baka sya yung dream girl mo bro"-Nixon
"Yeah maybe he's right bro"-Arckin
"I don't think so"-ako.
Ilang sandali lang dumating na yung tatlo galing sa Kung saan. Tumingin sya sakin ng diretso ng ilang segundo at yumuko papunta sa upuan sa tabi ko. Di na nya ako muling tiningnan kaya't naguilty ako.
"Sorry for what happened"-paghingi ko ng pasensya sa kanya saktong dumating na yung second professor namin.

STELLARIANA POV

Puro pagpapakilala lang naman ang nangyari sa morning class namin at pati ata mamayang afternoon class. Di ako masyadong makaimik at makagalaw dahil sa nangyari kanina ni Hindi ko matingnan itong katabi ko sa kanan nahihiya ako sa nangyari eh. Humingi sya ng sorry kahit wala naman syang kasalanan sa nangyari. Di na ako nakapag snack ng maayos kaya hinintay ko nalang sila Shielarie at Kleahnah na kumain at bumalik na kami sa room.
Lunch na kaya't pumunta na kaming tatlo sa canteen may isang table ang free na may 6 chairs at dun na kami pumwesto. Nagpaorder nalang ako kila Shielarie at Kleahnah para ako ang magbantay sa pwesto namin. Lumingon-lingon ako sa paligid para malibang naman ako nang mahagip ng paningin ko yung tatlo sina Harvey, Nixon at Arckin. Nakita ako ni Nixon na nakatingin sa kanila kaya't itinuro ako nito sa mga kasamahan nya. Patay,,,wag kayo pupunta dito,wag..wag..
"Hi Stellariana"-Nixon
"Hmmm hi"-nakayukong sabi ko
"Can we join you here?"-Arckin
"Yeah of course go lang sakto din naman yung chairs for us"-di pa rin makatingin sa kanila.
"Thanks"-Arckin
"Bilisan nyo mga besssh,bilis"-bulong ko sa sarili ko. Ayuko mainterview here.. Naramdaman ko na may umupo sa tabi ko pero di ko ito nilingon.
"Can I seat here?"-yan nanaman yung boses nya..
"Hmm?sige lang"-sabi ko ng di parin sya nililingon nakatingin lang ako kila Shielarie na pabalik na sa table namin.
"I'm sorry for what happened earlier I didn't mean it"-sabi ni Harvey kaya't nilingon ko sya, nakatingin lang sya sa table.
"It's ok it was just an accident hihi"-nahihiyang sabi ko sa kanya, napatingin sya sakin at ngumite. Ang ngiting yun makes my heart beat so fast, pero bakit?. Nginitian ko nalang sya pabalik kasi dumating na yung mga kaibigan ko.
"Oh girls dami nyo namang pagkain ah"-Nixon
"Inorder na rin namin kayo kasi nakita namin na dito din kayo pumwesto"-Shielarie
"Treat nyo?"-Arckin
"Yeah pero ngayon lang to ah"-Kleanah
"Don't worry next time treat naman namin"-Arckin sabay kindat Kay Kleahnah nakita ko naman ang pasimpleng ngite ng bruha. May gusto ba to Kay Arckin?hmmmm nice bagay naman sila eh. Gwapo si Arckin maganda naman si Kleahnah Kaya lang makulit eh.
"Pwede bang dito na din pwesto namin?"-Nixon
"Oo naman"-Shielarie na may pagkagandagandang ngiti,hmm I smell something's fishy here..
"Thank you Shielarie"-nakangiting sabi ni Nixon kay Shielarie. May something din ata sa dalawang to ah, at bagay din sila for me😊.. Umupo na sila Shielarie at Kleahnah pero nagulat ako sa pwestong inupuan nila.       Nixon-Shielarie-Kleahnah-Arckin-Harvey at ako, tapos pacircle yung table. Sabay-sabay kaming kumain close na close na yung apat kami lang ni Harvey ang di masyadong nagsasalita dito,na oop naku actually eh.
"Hoy bro ano design lang kayo dyan ni Stellariana?di kayo umiimik eh"-Nixon
"Oo nga Stellariana silent mode?"-Kleanah
"Hayaan na natin sila ganyan sila mag-usap eh hahaha"-Shielarie
"Silent talk hahaha"-Arckin
Nagkatinginan kami ni Harvey tas sabay na umiwas.Nagkwentuhan pa rin yung apat ng kung anu-ano habang kami ni Harvey tahimik lang na kumakain. Napagdesisyunan nila na tumambay muna sa may open space ng school kaya't no choice ako Kung di sumama sa kanila andun mga best friends ko eh kahit parang di naman ako naaalala ng mga yun.
"Stellariana tara"-si Shielarie na medyo nauna sa paglalakad kasabay si Nixon,close na close at ganun din sila Kleahnah at Arckin. Kinuha ko na yung bag ko at akma ng aalis ng makita ko si Harvey na nakatingin sakin. Nakakahiya bakit sya nakatingin?
"Bakit?"-takang tanong ko sa kanya
"Wala:) sabay na tayo?"- Harvey
"Hmm Tara"-sabi ko sa kanya sabay ngite, may kasama naku kahit medyo nahihiya ako sa kanya. Nakangite ako habang naglalakad knowing na kasama sya for some reason na di ko parin alam. Pagkarating sa open space  pumunta yung apat sa may bench na may lilim galing sa malaking puno.
Nakakahiya namang emextra sa kanila.
"Stella"-biglang bumilis yung tibok ng puso ko sa pagtawag ni Harvey sakin ng STELLA, bakit ganto pakiramdam ko? nilingon ko sya. Nakita nya siguro na nagtataka ako Kung bakit nyako tinawag ng Stella lang.
"Hihi sorry pero pwede bang Stella nalang itawag ko sayo?"-nakangiting tanong nya. Ang sarap sa pakiramdam na marinig mula sa kanya ang pangalan kong iyon.
"Oo naman"-nakangiting tugon ko naman.
"Stella tara dun tayo sa ilalim ng punong yun"-sabi ni Harvey sabay turo sa puno ng Narra.
"Tara:)"-yaya ko din sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero ang saya-saya ko ngayong kasama ko sya. Ang pagtawag nya sakin ng Stella gives me a very special feelings na sa kanya ko lang nafeel,ewan ko ba.

I LOVE THAT STRANGERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon