HARVEY POV
Pinuntahan at sinamahan ako ni Jana, ikinwento ko na lahat sa kanya. Ilang sandali lang ay nagpaalam syang may pupuntahan lang daw, naiwan nanaman ako mag-isa dito kasama tong puno ng Narra na unang tambayan namin ni Stella dito sa school. Akalain mo yun kahit wala kaming maalala that time nagkakilala pa rin ang mga puso naming dalawa, miss ko na si Stella. Sana bumalik na kami sa dati kapag nangyari yun hinding-hindi na ako gagawa ng paraan para kami'y magkahiwalay pa. Sana talaga hindi sya maagaw ng iba lalong-lalo na ng Lizard na yun. Nakapikit lang ako at inaalala lahat ng masasayang memories namin together ni Stella noong kami pa at maging nung nandito na kami sa new school namin. Mga 30 minutes akong ganun dun, nang maramdaman kong parang may taong papalapit sakin. Iminulat ko ang aking mata at nasilaw sa liwanag ng paligid, nasilayan kong nakatayo sa harap ko si Lizard Samonte. Umayos ako ng opo.
"Anong ginagawa mo dito?"-ako
"Gusto kitang makausap"-Lizard
"Kausap mo na ako"-ako
"It's about Stella and I"-Lizard
"Anong tungkol sa inyo?"-ako
"I know everything about you and her, everything about your past and everything happened to the both of you about 2 years ago"-Lizard
"Stalker?"-ako
"No, kinakausap Kita ng maayos wag Kang ganyan"-Lizard
"Bakit sino ka ba?Mahal mo ba si Stella?"-ako
"Oo Mahal na Mahal ko sya"-Lizard
"Sinasabi ko na nga ba pero Hindi ako papayag na maagaw mo sya"-ako
"Hindi din naman ako papayag na mapunta sa maling tao ang KAPATID KO"-Lizard na ikinagulat ko. Kapatid?pano nangyari yun?eh only child lang si Stella sa pagkakaalam ko.
"Kapatid?"-nagtatakang tanong ko
"Oo kapatid ko si Stellariana, mas matanda Lang ako sa kanya ng 11 buwan"-Lizard
"Pero pano nangyari yun?Hindi ka nya kilala ganun din ako at tsaka bat magkaiba kayo ng apelyedo?"-ako
"Ngayon Lang talaga kami nagkakilala ni Stellariana dahil sa nawalay ako sa mga magulang namin nung baby pa ako,kinidnapped ako at ibinenta ng mga kidnapper sa ibang pamilya which is ang pamilyang tinitirhan ko ngayon ang pamilyang Samonte"-Lizard, grabi naman ang nangyari sa kanya
"Pano mo nalaman na magkapatid kayo?"-ako
"My family right now conducted an investigation about my real parents and identity,tinutulungan nila akong malaman ang katotohanan tungkol sa Kung sino talaga ako"-Lizard
"Alam na ba ito ng parents nyo?"-ako
"Actually hindi pa mamaya ay magmemeet na kami ng totoong parents ko kasama ang mga kumupkop sakin"-Lizard
"Sinabi mo na ba to Kay Stella?"-ako
"Hindi pa, mamaya malalaman din nya ang lahat"-Lizard
"Bakit mo sakin sinasabi to?"-ako
"Dahil Alam Kong importante ka Kay Stella at Alam ko rin na Mahal na Mahal ka nya"-Lizard
"Pero.."-ako
"Pero sinaktan mo sya"-Lizard
"I didn't mean it, nagpadalos dalos kasi ako ng desisyon. Yung kagustuhan Kong mapabuti sya at malayo sa kapahamakan ay yun naman palang magdudulot ng matinding sakit sa kanya"-ako
"I will let you do some things para bumalik sya sayo, pero I've warn you, kapag nasaktang muli si Stellariana ng dahil sayo ako ang makakalaban mo"-Lizard
"Don't worry I'll assure you that it will never be happen again"-ako
"Good"-Lizard
"Lizard I'm sorry for what I've done to you earlier"-ako
"It's ok, because of that nalaman kong Mahal mo talaga ang kapatid ko"-Lizard
"I love her so much"-ako
"So good luck and take care of my little sister"-Lizard at umalis na. Yung pinagseselosan at inaaway ko kanina ay ang KAPATID pala ni Stella, nakakahiya akala ko pa naman magiging karibal ko sya sa puso ng babaeng pinakamamahal ko. I can't wait na mabawi ka Stella.STELLARIANA POV
Di pa rin ako makapaniwala na magpinsan sila Harvey at Jana, habang nasa ganung stage ako ay lumabas si Lizard.
"San ka pupunta bro?"-Crane
"May aasikasuhin Lang ako, kayo na munang bahala Kay Stellariana"-Lizard
"Yeah don't worry"-Lixia
Pagkalabas ni Lizard sumunod naman si Jana.
"I'll go na rin may aayusin pa ako eh, bye guiz especially sayo Stella"-si Jana na may nakakalokong ngise nang-iinis ba sya dahil sa akala ko ay sila no Harvey. Naiwan nalang kaming apat nila Razon, Crane, at Lixia.
"How are you Stellariana?"-Crane
"She's in a state of shock"-Lixia
"Haha inakala mo talaga na may relasyon yung dalawa?"-Razon
"Oo eh and sweet sweet kasi nila tsaka wala naman nagsabi sakin na magpinsan pala yung mga yun, nakakahiya tuloy"-ako
"Hahaha"-Crane at kinurot ang pisnge ko.
"Akala mo may iba nang Mahal si Harvey ganun?"-Lixia
"Oo"-ako
"Haha your wrong ikaw lang ang na Mahal nun"-Razon
"Eh bakit sya nakipaghiwalay sakin?bakit nya ako iniwan?"-ako
"Sya nalang ang mag-explain para mas maintindihan mo"-Lixia
"Gusto ko na sanang ipaalala sa kanya ang lahat ng memories naming magkasama"-ako
"No need to do that"-Crane
"Bakit naman?"-ako
"He knows everything, nakakaalala na rin sya tulad mo"-Lixia,nagulat ako sa sinabi nila.
"Kung ganun bakit di man lang nya sinabi sakin?"-ako
"Sya nalang tanungin mo"-Razon. Gusto ko na syang makausap, gusto ko ng malaman ang katotohanan Kung bakit nya nagawa sakin yun. Lalabas na sana ako ng magring ang cellphone ko."Hello?"-ako
"Stellariana go home you need to prepare"-mom
"But why mom?"-ako
"May imemeet tayo, andyan na si daddy po labas kana"-mom
"Mom bakit nga?"-ako
"I'll explain everything pag-uwi mo dito, hurry up Stellariana"-mom at ibinaba na yung tawag. Kinuha ko ang bag tsaka nagpaalam sa mga kaibigan ko na kailangan ko ng makauwi kaaagad, pumayag naman na sila dahil uuwi na rin naman daw sila. Hindi ko na hinintay pa si Lizard para makapagpaalam kasi Hindi ko na sya nakita pa. Hindi na rin ako nakapagpa-alam kila Shielarie at Kleahnah dahil sa nagmamadali ako.
Nakita ko agad si dad sa may parking area at sumakay na sa sasakyan, Hindi naku nakapagtanong Kay dad dahil sa pinaharurot na nya yung sasakyan at agad kaming naka-uwi sa bahay. Sinalubong ako ni mom at pinaakyat sa kwarto ko para makapagbihis, ni Hindi ko pa natatanong Kung bakit. Nagbihis Lang ako ng simple black dress at doll shoes na kulay itim din. Pagkababa ko ay wala na sa sala sila mom and dad at nagulat nalang ako ng may magbusina, kaya't lumabas nako. Pinapasok nila mom sa kotse, bakit ba sila excited?
"Mom?dad? what's happening?sino imemeet natin?"-ako
"We will meet your brother"-mom.
Brother?may kapatid ako?pero pano?at sino?