CHAPTER SIXTEEN

0 0 0
                                    

STELLARIANA POV

Mga ala una na ng hapon ng kumain ako dahil sa medyo nakaramdam na rin naman ako ng gutom, Hindi pa rin umaalis si Lizard nakaupo Lang sya sa sofa malapit sa kama. Wala naman akong magawa dito napakaboring sinubukan kong lumabas at pumasok na pero pinigilan Lang ako ni Lizard. Napansin kong tumayo si Lizard kaya't tiningnan ko sya.
"Labas muna ako ibibili lang Kita ng makakain mo"-Lizard
"Wag na di naman ako nagugutom"-ako
"Mabilis Lang ako dito ka lang at magpahinga ka ng mabuti"-Lizard,lumabas na sya ng kwarto. Naiwan nanaman akong mag-isa dito,hayyyssssss. Napag-isipan kong lumabas na at pumasok nalang total wala naman ng pipigil sakin. Kinuha ko yung mga gamit ko at lumabas na ng kwarto, tiningnan ko yung cellphone at nakitang late naku sa class para sa oras nato which is second class namin. Naisipan ko munang magpalipas ng oras sa may puno ng Narra sa open space ng school at hintaying matapos ang oras para sa second class at papasok nalang ako sa last class namin. Malapit naku sa puno pero natanaw Kung may mga tao dun, hayss naunahan ako. Pero nalungkot ako ng matukoy ko kung sino yung mga taong nandoon, sina Harvey at Jana. Nakasandal si Jana sa balikat ni Harvey na dating ginagawa ko, di nanaman ako makagalaw, nasasaktan nanaman ako. Napansin kong lumingon si Jana papunta sakin kaya't nakita nya akong lumuluha na,agad akong tumalikod at naglakad paalis. Di ko nanaman makita ang dinadaanan ko dahil sa mga luha sa mata ko, natalisod ako dahil sa ugat ng isang puno.
"Ahhhhhhhhhhhh"-ako, napapikit ako at hinintay na lamang na bumagsak ako sa lupa pero wala ako naramdamang sakit dahil sa bagsak, iminulat ko ang aking mata at nasilayan ko ang umahe ng isang lalaki. Tumayo na ako ng maayos at pinunasan ang luha sa aking mukha, nakikita ko na ng maayos ang paligid at napagtanto ko rin na ang taong sumalo sakin at si Lizard, lagi nalang si Lizard ang nandyan para sakin kapag matutumba ako, sana sya nalang ang minahal ko, pero hindi eh mukhang kay Harvey na talaga nakalaan ang puso ko kahit na iniwan nya ako dahil may iba na syang mahal.
"Thank you"-ako.
"Di ba Sabi ko sayo mabilis Lang ako"-Lizard
"Sorry"-ako
"Ayan tuloy nasaktan ka nanaman, halika na nga magpahinga ka na muna at kainin mo itong pagkaing dala ko"-Lizard at inakbayan ako pabalik sa clinic. Pagkarating namin dun ay naupo ako sa kama at ibinigay nya sakin yung pagkaing binili nya para sakin.
"Tara kain tayo"-ako
"I'm full"-sya
"Teka kanina pa kitang kasama ni hindi ka pa kaya kumakain"-ako
"I'm not hungry"-sya
"So hindi ka pa talaga kumakain?"-ako
"Not yet"-sya na ikinagulat ko.
"Hala!!Tara halika kain kana Hindi naman ata pwedeng ikaw yung magkasakit ng dahil sa kababantay mo sakin"-ako
"I'm fine just eat"-sya
"Hindi ako kakain hangga't hindi ka din kakain"-ako
"Ang kulit mo Stellariana"-sya
"Makulit talaga ako, Kaya Tara na kain na tayo"-ako at ibinigay sa kanya yung isang pack ng junk food at sabay na kaming kumain.
"Ano nanaman ba nangyari?"-sya
"Hu-huh"-ako
"Umiiyak ka nanaman kanina ano nanaman bang nakita mo?"-sya, naalala ko tuloy yung nasaksihan ko kanina sa may puno ng Narra.
"Nakita ko lang sina Jana at Harvey na magkasama"-ako
"Natural naman sa kanila na magkasama eh"-sya
"Huh? bakit naman? Dahil ba sa sila na?"-ako at yumuko.
"You know what ang cute mo Stellariana"-sya
"Bakit nga?"-ako
"Haha Dahil sa.."-putol na Sabi nya dahil napunta ang atensyon namin sa taong pumasok sa kwarto, walang iba kundi si Jana.
"Hey guiz"-Jana
"Why are you here?"-ako
"I saw you kanina bakit ka umalis?"-Jana
"Ayaw ko Lang mas masaktan"-ako
"Masaktan?ano bang pinagsasasabi mo?nananakit ba ako?akala ko pa naman makikipagbati kana kay Vey"-Jana, yun nanaman yung tawag nya Kay Harvey na kinaiinisan ko ng sobra.
"Makikipagbati?eh ayaw ko namang makaistorbo"-ako
"Istorbo?"-Jana
"Jana hindi nya alam yung tungkol sa inyo ni Harvey"-Lizard
"Ayaw ko na din namang malaman, tsaka obvious naman na eh"-ako
"Don't tell me iniisip mong kami ni Very?"-Jana
"Hindi ba?"-ako
"Hahahaha you're so cute Stellariana"-Jana
"Ano bang nakakatawa?"-ako na naiinis na dahil hindi ko naman maintindihan pinagsasasabi nitong babaeng to.
"Hindi ba nasabi ni Vey sayo?"-Jana
"Ang ano ba kasi?"-ako
"And you Lizard Samonte hindi mo din ba sinabi sayo Kung ano ko si Vey?"-Jana
"Sasabihin ko na sana kaso sakto dumating ikaw nalang magsabi sa kanya"-Lizard
"Sabihin ang ano ba kasi?"-ako
"Na Harvey and I is.."-putol nanaman na sabi ni Jana dahil sa may mga dumating nanaman which is sina Crane, Lixia at Razon.
"Ohh ba't ka nandito Jana?"-Razon
"I saw kasi Stellariana earlier na umiiyak nung nakita nya kami ni Vey na magkasama akala ko pa naman that time na makikipag bati na sya"-Jana
"Bakit naman umiiyak Stellariana?"-Crane, ano bang mga taong to ang hirap paintindihin, eh sa nagseselos ako dahil mukhang nagkakabutihan na sila Harvey at Jana.
"She's Jealous"-Jana
"Huh?"-Lixia
"Yeah nagseselos si Stellariana dahil nakita nyang magkasama sila Jana at Harvey"-Lizard
"Pinagseselosan mo si Jana?hahaha"-Lixia, anong nakakatawa?
"Hindi mo alam Stellariana?"-Razon na natatawa rin
"Mukhang hindi"-Crane
"Ang alin ba kasi? kanina pako naguguluhan dito kaya't sabihin nyo na kasi"-ako
"Harvey and I is mag cousin"-Jana na ikinagulat ko talaga, magpinsan?bakit hindi ko naman sya kilala? Tsaka bat wala man lang nagkwento sakin tungkol sa babaeng to na pinsan daw pala ni Harvey.
"Pinsan?pinsan mo sya?"-ako
"Yes Stellariana"-Jana ng nakangite.
"Hindi mo sya gusto?"-ako
"Haha ano ka ba pinsan ko yun"-Jana
"Bakit di Kita maalala?"-ako
"Dahil umuwi ako galing U.S. nung time na wala na kayo parehong alaala ni Harvey at napagdesisyunan ko na dito na rin mag-aral"-Jana
"Close na close talaga yang si Jana at Harvey"-Lixia
"All this time nagselos ako sa kamag-anak nya?"-ako
"Exactly haha"-Jana, natatawa pa.
"So wala ng barrier pwede na muli kayo ni Harvey"-Jana
"Andito pako, ayaw kong mapunta si Stellariana sa taong nanakit sa kanya"-seryosong Sabi ni Lizard.
"Oh oh"-Jana
"Mukhang meron pa"-Crane

I LOVE THAT STRANGERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon