HARVEY POV
Sobrang saya ng pakiramdam ko ngayon dahil kasama ko si Stella at dahil din sa kinakausap na nya ako ng nakatingin sa mga mata ko. Stella na ang tawag ko sa kanya Hindi ko Alam Kung bakit gustong-gusto ko syang tawagin sa pangalan na yun. Umupo kami sa damuhan na nalililiman ng malaking puno ng Narra dito sa open space ng school namin almost 30 minutes pa bago ang next class namin. Buti pa sila Nixon at Arckin close na close na kila Shielarie at Kleahnah kami ni Stella nagkakahiyaan pa, pero may feeling ako na close na close kami pero diko maexpress kasi imposible naman kasi yun kasi ngayon lang naman kami nagkasama at nagkakilala. Nahuli ko sa gilid ng mata nya na tumingin sya sakin at ayaw ko ng awkward moments na ganto kaya nagsalita nako.
"Ahm Stella can I ask you something?"-tanong ko na nakapagpatingin sa kanya.
"Oo naman, ano yun?"-tanong nya.
"Did we meet before?kasi parang I know you so much kahit ngayon lang naman tayo nagkakilala, ang weird ka eh"-sabi ko na parang ikinagulat nya.
"Actually same feeling tayo eh parang kilalang-kilala na din kita pero pano?sa pagkaalala ko ngayon lang din kita nakita"-sabi ni Stella at yumuko.
"And that kiss.."-bulong ko na narinig nya for sure kaya't umangat muli yung tingin nya sakin.
"Hihi bakit?"-medyo namumulang sabi nya.
"Parang di yun yung first eh,ang weird talaga no haha, everything about you parang familiar sakin"-medyo naguguluhang sabi ko.
"Hindi ko nga alam hihi baka nagkataon lang,btw ano ginagawa mo sa wishing well kanina?"-tanong nya na ipinagtaka ko.
"Kanina?"-ako
"Yeah I saw you there before"-Stella
"Ahh ewan ko dinala lang ako ng mga paa ko dun eh,ewan ko ba pero parang lagi ako dun kahit kanina ko lang yun nakita sa buong buhay ko"-mahabang paliwanag ko.
"Ahh pareho tayo kanina ko lang din yung wishing well na yun nakita, pero may feeling din ako na di ko first time dun. Hayyyys ang gulo"-Stella at yumuko nanaman.STELLARIANA POV
Bakit parang may pagkakapareho kami ni Harvey ng feelings tungkol sa mga bagay na first time Lang namin ma encounter o makita pero parang hindi naman talaga yun yung first. Ang gulo-gulo di ko maintindihan pero talagang masaya ako dahil andyan sya iba sa feeling eh sobrang special kaya't panay yuko ko para di obvious... Natatanaw mula dito sa pwesto namin ni Harvey yung mga kaibigan namin na panay tawa at harutan, first day na first day humaharot na yung mga best friends ko.tsk tsk..
"Harvey"-tawag ko sa kanya, lumingon sya sakin na kanina ay nakatingin sa mga kaibigan namin. Hindi ko Alam kung tama pa ang pagkakakita ko pero parang ang saya ng mga mata nya yung tipong parang may sparks.
"I love the way you deliver my name:)"-nakangiting sabi nya na nakapagpayuko sakin muli,bakit ganyan sya magsalita parang nababaliw na ang puso ko sa gulo at kalabog eh.
"Hihi pano nangyari yun eh iisa lang naman ang way ng pag pronounce ng name mo"-nakayukong sabi ko.
"Parang special kasi pag ikaw yung nagpronounce"-Harvey
Ginagawa akong kamatis netong lalaking to eh,, nakakahiya Sana di nya mapansin.
"Your so cute when you're blushing Stella"-sabi ni Harvey na nakapagpaangat ng ulo ko papunta sa direksyon nya, nakangite sya habang nakatingin sakin kaya't napayuko nanaman ako. Grabi ang init na nararamdaman ko kinikilig ba ako?? I love this feeling. Naramdaman kong kinuha nya yung bag nya at tumayo diko pa rin inaalis pagkakayuko ko.
"Stella let's go it's already 12:25 malapit na matapos yung lunch break"-yaya ni Harvey kaya't inangat ko sya ng tingin, nakalahad yung kamay nya sakin. Luhhh ano aabutin ko ba??eh nakakahiya,pano kung nanlamig na kamay ko dahil sa nerbyus?ehh bahala na. Inabot yung kamay nya at bigla nanaman bumilis tibok ng puso ko,may sakit kaya tong puso ko?may topak eh. Tumayo naku at bumitiw sa kamay nya nagpagpag nalang ako kunwari ng skirt.
"Pano sila?"-tanong ko at tinuro yung apat sa bench.
"Sunod nalang sila, don't worry mababait yung mga kaibigan ko di nila pababayaan mga kaibigan mo at tsaka malapit na rin mag first class papasok na rin ang mga yan"-mahabang sabi ni Harvey.
Tinanguan ko nalang sya at nauna nang maglakad pabalik sa school, pagkapasok namin sa room nakatingin yung mga classmates naming nandoon,yung iba ay nakangite at may ilan ding masama ang tingin samin. Hindi ko nalang sila pinansin at naupo nalang ako sumunod naman si Harvey. Sinulyapan ko ng tingin si Harvey na may kinakalikot sa cellphone nya,ilang sandali lang kinuha nya yung ear phone nya sa kanyang bag at isinaksak ito sa kanyang cellphone. Inilagay nya yung isa sa kaliwa nyang tainga at yung isa ay inaabot nya sakin nagtaka looks tuloy ako sa kanya.
"You want?"-Harvey
"Sure hihi"-nahihiyang kong inabot yung isang earphone at inilagay sa kanan Kong tainga. Unang beat palang nang music bumilis nanaman yung tibok ng puso ko, this music..Bakit parang may memories behind this music?napapikit ako habang pinakikinggan ang tugtug na PERFECT by Ed Sheeran.
"I love this music dahil sa tuwing pinakikinggan ko ito gumaganda ang pakiramdam ko, parang it's one of my source of happiness"-masayang bulong ni Harvey di ko man sya nakikita naririnig ko naman sa tinig nya. Patuloy naming pinakikinggan ang kanta, talagang nakakapagdulot ito ng kasiyahan maging ang puso ko di matigil sa mabilis na pagtibok na para bang nagtatakbuhan. Ang sarap sa pakiramdam ang ganitong sitwasyon yung tipong parang ang perfect ng moment, ilang sandali pa ay natapos na yung kanta. Iminulat ko ang mga mata ko at nabigla dahil nasa harap ng upuan namin ni Harvey nakaupo sila Kleahnah at Shielarie habang sila Nixon at Arckin naman ay nakatayo, diretso silang nakatingin samin ni Harvey ta may pangiti-ngite pa. Tumingin ako kay Harvey at mas lalo akong nagulat dahil sa nakasandal yung ulo nya sa balikat ko. Di ako makagalaw kasi parang natutulog sya, sumandal sya sa balikat ko ng hindi ko man lang namamalayan. Nakatingin sakin sila Kleahnah at Shielarie na ngumingiti ng nakakaloko habang yung dalawang lalaki naman ay nagbubulungan.
"Stella pede bang ganto muna tayo?"-mahina at malumanay na sabi ni Harvey.. Di ako makagalaw buti nalang wala pang teacher na dumarating, halos 15 minutes kaming ganun. Gumalaw si Harvey at umalis na sa pagkakasandal sakin, parang nalungkot ako dahil sa umalis na sya.
"Thank you Stella:)"-Sabi ni Harvey ng nakangite,ang gwapo gwapo nya. Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil sigurado akong namumula nanaman ako dito. Napatingin ako sa labas ng pintuan at may nakita akong dumaan, that girl?nandito din sya nag-aaral?