HARVEY POV
"Kung may babalikan kapa"-Lizard
Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ang mga katagang yun, nakaramdam din ako ng takot ng marinig yun.
"Hindi naman ako papayag na may umagaw sa kanya, ang akin ay akin lamang"-Ako at tuluyan ng nilisan ang school clinic. First class na kaya't bumalik nalang ako sa school, pero Hindi ko man Lang magawang makapag-focus dahil sa sising-sisi ako sa nagawa ko Kay Stella. Hindi ko man Lang inisip yung maaari nyang maramdaman sa gagawin ko, ngayon ay di man Lang nya ako magawang kausapin. Pero hinding-hindi ko sya susukuan, kahit na may paepal na Lizard pa ang dumating. Babawiin ko yung akin, akin Lang si Stella, pero akin pa ba sya?eh iniwan at pinabayaan ko na sya. Kasalanan ko talaga to dapat hindi ako nagpadalos-dalos ng desisyon kaya't heto ako ngayon nagsisisi dahil sa nasaktan ko ang babaeng pinakamamahal ko. I'll do my best para muli syang bumalik sakin at lalong hindi ako papayag na mapunta sya sa iba lalong-lalo na sa Lizard na yun."MR MERELL!!MR MERELL!!"-sigaw sakin ng aming teacher.
"Yes sir?"-sagot ko naman
"Are you listening?"-Prof, Hindi ako nakasagot.
"If your not willing to listen in my discussion you may now leave this classroom now"-dagdag pa nito
"Sir?"-ako
"Leave!!"-prof, kinuha ko ang aking bag at lumabas ng classroom. Dumiretso ako sa puno ng Narra at doon balak magpalipas ng oras, napagpasyahan ko na ring wag nalang pumasok sa dalawa pa naming klase."Hoy Harvey!"-sigaw ng isang lalaki sa gilid ko, tiningnan ko ito at nakita ang papalapit na sina Lixia, Crane at Razon na mukhang galit sakin lalo na si Crane. Pinuntahan ako ni Crane at kinuwelyuhan patayo.
"Ano bang sa tingin mo ang ginawa mo?bakit mo sinaktan si Stellariana?akala ko ba gusto mo sya?"-Crane na hawak hawak parin ang kwelyo ng uniform ko..
"Hindi ko sya gusto"-ako, sinuntok ako ni Crabe sa mukha na syang dahilan kaya't natumba ako.
"Crane easy"-pigil sa kanya ni Razon. Inilahad sakin ni Lixia ang kanyang kamay na inabot ko naman at tinulungan nya akong makatayo, pagkatayo ko naramdaman ko naman ang lakas ng sampal nya sa pisnge ko. Naiintindihan ko kong bakit sila sakin ngayon galit.
"Ang kapal naman ng mukha mong sabihin na hindi mo si Stellariana gusto, so pinaasa mo lang sya ganun?"-Lixia
"Hindi ko sya gusto, dahil Mahal ko sya, Mahal na Mahal ko si Stella"-ako
"Hanep naman na pagmamahal yan nananakit ah"-si Crane na akma nanamang susugod pero pinipigilan sya ni Razon.
"Hindi ko iyon sinasadya"-ako
"Hindi?eh ano aksidente Lang na masaktan mo ng ganun si Stellariana?"-Crane
"Ginawa ko yun para sa kanya, para sa kaligtasan at kapakanan nya"-ako
"Anong ibig mong sabihin?"-Razon
"Pag kasama nya ako lagi ko nalang sya nalalagay sa kapahamakan kaya't mas mabuti ng iwasan at lumayo ako sa kanya"-ako
"Pero Hindi mo man lang inisip yung mararamdaman nya dahil sa desisyong ginawa mo"-Crane
"Yun na nga eh, pinagsisisihan ko lahat ng ginawa at sinabi ko sa kanya"-ako
"Pero nasaktan mo na sya"-Lixia
"Alam ko, Hindi ko na Alam ang gagawin ko gusto ko syang mabawi"-ako
"Mabawi?"-Razon
"Mukhang gusto sya ng Lizard na yun"-ako
"Lizard Samonte?"-Lixia
"Oo, mukhang may balak syang agawin si Stella sakin"-ako
"Sayo?bakit sayo pa ba si Stella?eh iniwan mo sya di ba?"-Crane
"Oo pero babawiin ko sya Hindi ako susuko hangga't hindi sya muling mapasakin"-ako
"Good luck nalang Harvey sana may mabawi ka pa"-Lixia
"I will let you na bawiin sya this time pero kapag sinaktan mo syang muli hinding-hindi na Kita mapapatawad pa"-Crane
"Hinding-hindi ko na ulit gagawing saktan sya dahil Hindi ko na din kayang mawala sya sakin at lalong-lalo na ang mapunta sya sa iba, tutuparin ko na ang mga pangakong binitawan ko sa kanya noong nililigawan ko palang sya"-ako
"Anong ibig mong sabihin?"-Lixia
"Nakakaalala kana?"-Crane
"Oo everything"-ako
"Kaya pala hindi kana nagtanong pa tungkol sa nakaraan mo"-Razon
"Oo kaya't naisipan ko ring iwasan si Stella dahil naaalala ko lahat ng kapahamakan na naranasan nya noong kasama ako"-ako
"Pwede rin namang nagkataon Lang lahat ng iyon"-Lixia
"Siguro, pero ngayon ipaglalaban ko na sya, ipaglalaban ko na ang pagmamahalan namin"-ako
"Bilisan mo lang at baka maunahan ka ni Lizard Samonte"-Razon
"No way!"-ako
"Welcome back Harv"-Razon at nakipagshakehands sakin
"Namiss ko kayo sorry Kung Hindi ko kaagad kayo nakilala"-ako
"We miss you too Harvey"-Lixia
"Sige na may next class pa kami maiwan ka na muna namin dyan"-Crane at sabay sabay na silang bumalik sa building nila.
Naiwanan akong mag-isa at naupo nalang muna muli para makapag-isip ng pwedeng gawin para mabawi si Stella.NIXON POV
Kaaalis lang ng first prof namin this afternoon kaya nakapausap-usap kaming apat nila Shielarie, Kleahnah at Arckin.
"Anyare dun Kay Harvey at tulala kanina?"-Kleanah
"Ewan ko ba dun siguro affected sa nangyari kay Stellariana"-Arckin
"Eh kasalanan naman nya yun diba tapos sya tong mageemo emo"-Shielarie, Hindi namin gaaanong pinansin si Harvey ngayon dahil sa nangyari kay Stellariana na dahil naman sa kagagawan nya,sinasabi nya na para Kay Stellariana daw yun pero di man Lang nya naisip ang maaaring naramdaman ni Stellariana.
"Sino Kaya yung Lizard na nagbantay Kay Stellariana ayun sa kwento ni Crane?"-tanong ko sa kanila
"Oo nga baka masamang tao yun"-Kleanah
"Hindi naman siguro dahil Hindi naman pababayaan ni Crane si Stellariana na maiwan sa taong yun Kung masama yun diba?"-Arckin
"Oo nga tsaka classmate at kaibigan daw yun ni Crane"-Shielarie
"Sabagay"-Kleanah. Naputol ang usapan naming apat ng dumating yung second professor namin.STELLARIANA POV
Pagkaalis na Harvey naiwan kami ni Lizard at Hindi umimik ng mga ilang minuto.
"Anong sinasabi mo?"-ako
"Huh?"-Lizard
"Bakit mo sinabi yun ka Harvey?"-ako
"Dahil Hindi ako papayag na mapunta kang muli sa taong sinayang ka"-Lizard. Natahimik akong muli at Hindi na muling umimik pa. Naaamaze ako sa ginawang pagtatanggol sakin ni Lizard Kay Harvey, kahit na kanina palang naman kami nagkita at nagkakakilala. Pero kung ituring nya ako parang matagal na kaming magkakilala.
"Pwede mo na akong iwan baka may klase ka pa"-ako
"Hindi Kita iiwanan"-Lizard. Bakit ba ganito tong lalaking to?bakit grabi nya akong protektahan at gustong ilayo sa taong nanakit sakin which is Harvey?Anong kailangan mo sakin?