HARVEY JON POV
Naghihintay ako ngayon kasama ang mga kaibigan,pamilya at pamilya ni Stella sa isang isla sa ****. Nakaready na ang lahat ng kakailanganin, andito na rin lahat maliban kay Stella ang babaeng pinakamamahal ko. Sinusundo sya ngayon ni Crane at ng kuya Lizard nya. Nakausap ko na ang parehong pamilya namin ni Stella napapayag ko na rin sila na pumayag na magkabalikan kami ni Stella dahil sa alam nila na mahal talaga namin ni Stella ang isa't-isa. Maaaring may mga hindi magagandang pangyayari ang nangyari at maaaring mangyari samin ni Stella pero handa ko itong harapin basta't si Stella ang taong kapiling at kasama mo. Magsisix na ng gabi at palubog na din ang araw Alam Kung parating na sila Stella. Ilang sandali lang ay may natanaw na kaming paparating na yate at ito ay papunta sa aming direksyun. Pumunta yung mga magulang ni Stella sa may dalampasigan para sunduin nya, habang ako ay nakapwesto lang sa dapat Kong pwestuhan kailangan Kong maghintay dito. Tanaw na tanaw ko mula dito sa aking pwesto na bumababa na si Stella habang hawak ni Lizard ang kanyang mga kamay. Malayo palang tanaw na tanaw ko na ang kagandahan ni Stella, napakaswerte ko talaga sa kanya hindi ko lubos maisip na nagawa ko syang saktan, I know that she doesn't deserve to be hurt but but I'll promise that it wouldn't happen anymore. Niyakap sya ng parents nya at inalalayan ni Lizard matapos papunta dito samin excited na ako ng sobra, naglalakad na siya sa red carpet papalapit samin. Nakasunod lang sa kanila ni Lizard sina tita, Tito at Crane habang si Lizard ay kasabay nya. Nangangalahati na sila sa paglalakad sunod naman na sumalubong sa kanila yung mga kaibigan nyang sina Shielarie at Kleahnah kasama yung mga kasintahan nito na sina Arckin at Nixon, binigyan sya ng mga ito ng red roses na agad naman nyang kinuha. Base sa expression ng mukha nya ay naguguluhan sya kung ano ang nangyayari. Pumunta na sa likod yung apat at nagsimula nanaman sila Stella maglakad, ngayon naman ang sumalubong sa kanila ay sina Lixia, Razon at Jana na binigyan naman sya ng white roses na kinuha din naman nya. Sumalubong naman ngayon ay ang mga magulang ko na niyakap sya at yumakap din naman sya pabalik. Nakarating na sya malapit sakin, nagkatitigan lang kami ng ilang sandali ang ganda ganda nya talaga, Hindi sa totoo Lang mas Lalo syang gumanda.
STELLARIANA POV
Gulong-gulo ako sa nangyayari bakit silang lahat nandito?at may pa roses pang nalalaman. Andito din ang mga parents ko pati ang parents ni Harvey, ano pang klaseng pakulo to? Narating namin sa paglalakad ang isang kubo na may mga ballons at designs may hagdan papunta sa loob nito, binitawan ako ni kuya at ipinahiwatig sakin na umakyat daw ako. Umakyat naman ako at nakita si Harvey na nakatayo at nakatingin sakin, nagkatitigan kami ang gwapo gwapo talaga ng lalaking to, walang pinagbago simula noon hanggang ngayon. Nginitian nya ako tsaka lumapit sakin at inilahad ang kanyang kamay kinuha ko naman ito at nabigla ng yakapin nya ako.
"I'm sorry for everything I have done, Hindi ko gustong gawin yun sayo Stella naisip ko Lang na baka yun yung paraan para Hindi kana malagay pa sa kapahamakan"-Harvey
"Pero naisip mo ba na ok Lang Yun sakin?na ok lang na iwan moko?"-ako
"Yun yung matinding pagkakamali na nagawa ko Stella sana mapatawad moko, nagpadalus-dalos lang kasi ako ng desisyon. Pakiusap Stella bumalik kana sakin Hindi ko kayang mawala ka sakin Mahal na Mahal na Mahal na Mahal Kita Stella at Hindi na yun magbabago pa, ikaw Lang ang babaeng minamahal ko sana naman ay bigyan mo pa ako ng pangalawang pagkakataon, pakiusap Stella please''-Harvey, nakayakap pa rin sya sakin at ramdam kong may tumutulong luha galing sa kanyang mga mata.
"Harvey oo nasaktan moko, winasak mo ang puso ko pero ikaw lang naman ang makakabuo neto ulit, ikaw lang naman ang lalaking nandito . Kahit sinaktan moko hinding-hindi magbabago ang nararamdaman ko para sayo tandaan mo yan, ikaw Lang ang lalaking minamahal at mamahalin ko. Nagpapasalamat ako sayo dahil ikaw yung lalaking dumating para sakin, nung panahong iniwan moko nangako ako sa sarili ko na kapag bumalik ka tatanggapin parin Kita,Kaya tinatanggap kitang muli Harvey"-ako at naramdamang kong mas bumuhos yung mga luha nya at mas humigpit din ang kanyang pagkakayakap.
"Salamat Stella maraming maraming salamat, pangako ko sayo na hinding-hindi na mangyayari yung bagay na nagawa pangako ko yan sayo"-Harvey
"I trust you and I love you so much Harvey, I know na hindi mo na ulit gagawin yun"-ako. Humiwalay sya sa pagkakayakap sakin at ikiniss ako sa forehead, ilong and lips,. Namiss ko ang halik nya, maaaring nagkiss kami accidentally nung panahon na wala pa kami alaala pero iba pa rin talaga sa pakiramdam kapag may memories kayo na same sa nangyayari ngayon. Humiwalay na sya at iniharap ako sa karagatan na Kung saan ay papalubog na ang araw. Ang ganda panuorin nito lalong-lalo na Kung kasama mong manuod yung taong pinakamamahal mo. Nakakatitig lang kaming dalawa sa palubog ng araw.
"I love you so much Stella"-Harvey then he kissed me on my check at muling tumingin sa karagatan.
"I love you too Harvey"-ako na yumakap sa kanya. May mga ikaw na sa paligid dahil lumubog aa ng tuluyan yung araw, tumingin ako sa paligid at nakita ko ang isang larawan na nakadikit sa balloon na kulay blue heto yung sitwasyon na wala pa kaming alaala ni Harvey at naka earphone kami sabay na nakikinig sa music. Sino Kaya nagpicture samin?sa ibang balloons may mga picture din kami ni Harvey mga picture nung Hindi pa kami nawawalan ng alaala.
"Sino nagpicture neto?"-ako sabay turo sa blue na balloon.
"Kaibigan natin"-Harvey
"Sino nagtago ng mga picture natin noon?"-ako
"Sila Crane"-Harvey.
Niyakap akong muli ni Harvey,.
"Salamat dahil tinanggap mo akong muli sa buhay mo"-Harvey
"Paano naman Kita Hindi tatanggapin eh mamamatay ako nya"-ako
"Huh?"-Harvey
"Ikaw yung buhay ko Harvey"-ako. Mas humigpit pa yung yakap nya at ilang sandali ay humiwalay ulit at hawak kamay kaming bumaba sa kubo. Nadatnan namin yung pamilya at mga kaibigan namin na nakaupo na at may kanya-kanya pang table. Kailan pa nila inilagay yan dito?
May natatangi at ibang design ng table ang naririto for two at doon kami dumiretso ni Harvey, inalalayan nya akong makaupo. Kumain na kaming lahat, after that nagpasalamat si Harvey sa lahat ng taong tumulong sa kanya at nagpasalamat din sya sa parents namin dahil pinayagan nilang magkabalikan kami ni Harvey. Nagsorry na din sakin yung mga kaibigan ko na nakayanang hindi ako pansinin sa loob ng kalahating araw. Magna nine na ng Gabi.
"One....two..."-bilang nilang lahat na Hindi ko naman Alam Kung para saan.
"Three!!"-sila at nagulat ako sa mga fireworks na nagbibigay ganda lalo nh Gabi ko. Inakbayan ako ni Harvey at sabay naming pinanood ang mga palamuting nasa kalangitan.
"Hinding-hindi na tayo magkakahiwalay pa Stella pangako"-Harvey, yumakap naman ako sa kanya dahil sa sinabi nya. Saktong 9:30 nagsibalikan na kami sa tabing dagat kanina na pinanggalingan ko at dumiretso sa hotel, kasama ko sila Kleahnah at Shielarie sa kwarto, habang yung iba ay sa ibang kwarto. Kinaumagahan nagswimming kaming lahat at inenjoy ang ganda ng paligid. Kinahapunan ay nagsiuwian na kaming lahat. Dumating ang araw ng lunes at back to normal ang lahat may kakaiba Lang dahil sa kami ulit ni Harvey at may kuya pa ako.. Sabay namin ni Harvey haharapin ang future ng magkasama kasama ang kuya Lizard/Sean ko, Kleahnah, Shielarie, Jana, Lixia, Crane, Razon ,Nixon at Arckin.AUTHOR'S POV(MsZiezie)
Maraming salamat sa mga taong nagbasa ng maikli kung kwento, I really really appreciate you guiz😘😘 pa-follow po sa wattpad @MsZieZie
Thank you 😊😊💗😘