HARVEY POV
Balak ko sanang tawagan si Stella kagabi para makausap sya ng masinsinan pero mas maganda ata Kung sa personal ko nalang yun gagawin at tsaka baka nagbobonding pa silang magkapatid ngayon. Bukas ay may gagawin akong sorpresa para sa kanya kinuntsaba ko na rin yung mga kaibigan namin. Mamayang tanghali ay uuwi na ako agad at di na papasok pa sa afternoon class para paghandaan yung sorpresa na gagawin ko para kay Stella. Pagkarating ko sa school ay dumiretso agad ako sa aking upuan, wala pa yung mga kaibigan ko. Inisip ko na ang mga maaaring idagdag para sa sorpresa mamaya, alam na ng mga kaibigan namin ang dapat gawin para magtagumpay ang planong ito. Ilang minuto lang nagsidatingan na sila at napag-usapan namin yung plano, matapos lang ang ilang minuto ay dumating na si Stella kasama ang kuya nya na si Lizard.
STELLARIANA POV
Pagkagising ko ay nqgprepare naku ng aking sarili dahil sa may pasok pa ako. Pagkatapos kong makapaghanda ay lumabas naku at nagulat ng may sasakyang kadarating lang, bumukas ang bintana nito at nasa loob si Kuya na nakangite sakin.
"Good morning little sis"-Kuya
"Good morning kuya, bad ka andito?"-ako
"Sinusundo ko lang yung kapatid ko"-Kuya
"Ayyy ang sweet haha, Tara kuya pasok ka muna andyan sila mom and dad"-ako, bumaba naman si kuya sa kotse at sumabay sakin papasok sa loob ng bahay. Naabutan namin sila mom na nagbe-breakfast palang nakita nila kami ni kuya na magkasama agad silang tumayo at sinalubong kami.
"Good morning Mom,dad"-Kuya
"Good morning son"-mom
"Dala mo na ba yung mga gamit mo"-Dad
"Later nalang po dad after class"-Kuya
"I can't wait na dito kana din titira kasama namin"-mom
"Ako rin po mom"-Kuya
"Mom, dad alis na po kami baka kasi malate kami ni kuya eh"-ako
"Oo nga pala"-Dad
"Mom alis na muna po kami"-Kuya
"Sige na son, take care always mga anak"-mom.
Lumabas na kami ni kuya ng bahay,pinagbuksan nya ako ng pinto sa passenger seat at pagkatapos ay pumasok na din sya sa driver seat at nagsimula ng magdrive. Mabilis lang naman kami nakarating sa school at nakapagpark din sya agad. Sinamahan ako ni kuya papunta sa classroom ko, pagkarating namin dun andun na yung mga kaibigan ko kasama si Harvey may pinag-uusapan sila. Nakatingin silang lahat samin ni kuya pagkatapos ay nagsipag-upuan na sa kanya-kanyang upuan ni Hindi man Lang ako kinamusta.
"Salamat kuya sa paghatid"-ako
"Your welcome Stellariana alis na ako huh ingat always"-Kuya, at tuluyan ng umalis. Dumiretso lang ako sa upuan ko at walang imik hindi man lang ako tinapunan pa ng tingin ng mga kaibigan ko. Wala ba silang balak kausapin ako?andami dami ko pa naman sanang gusto ikwento sa kanila pero bakit di nila ako pinapansin ganun di si Harvey,galit ba sya sakin?ano bang nangyayari dito??Pumasok na yung first professor namin at nagsimula ng mag lesson, ganun din yung first hanggang sa oras na ng snack umalis na sila ng Hindi man Lang ako niyayaya para sumabay. Nakakainis na talaga sila promise, matutulog nalang sana ako dahil ako nalang naman ang naiwan sa school.
"Stellariana"-boses ni kuya, iniangat ko ang aking mukha at nakita syang papalapit sakin.
"Kuya!"-ako, Sabi ko at tumakbo papalapit Kay kuya, kahapon ko pa lang sya nakilala as kuya pero parang close ko na sya. Yumakap ako sa kanya dahil sa ramdam kong mag-isa Lang ako ngayon pero dumating sya.
"Bakit ka mag-isa dito Stellariana?"-Kuya
"Iniwan nila kasi ako, Hindi din nila ako magawang kausapin kuya, galit ba sila sakin?kahit si Harvey Hindi din ako pinapansin"-sumbong ko Kay kuya
"Ano kayang anyare sa kanila? By the way andito na ako hayaan mo muna sila tara kain tayo punta tayong canteen"-Kuya, tumango nalang ako bilang sagot. Naglakad na kami ni kuya papuntang canteen tinitingnan kami ng ilang student pero wala kaming pakialam, nakaakbay sakin si Kuya habang naglalakad pagkarating namin dun puno na yung pwesto namin andun na rin kasi sila Crane, sigurado naman akong naramdaman nila ang pagdating namin ngunit pati sila di man lang kami pinansin ni kuya, ano bang nangyayari dito?kami nalang ba ni kuya ang magkakilala dito sa school? Umorder si kuya ng pagkain namin at itinake-out pumunta nalang kami sa bench sa open space at dun kumain. Ang sweet sweet ni kuyang kapatid, ang saya pala magkaroon ng kuya yung tipong may sasama sayo kapag wala yung mga kaibigan mo. Pagkatapos naming kumain ni kuya inihatid nya akong muli sa room namin at umalis din naman agad. Andoon na yung mga kaibigan ko pati na rin si Harvey pero kagaya ng kanina Hindi man Lang nila ako pinansin, pumasok na yung third and last subject namin this morning at nagtalakay ng mga lesson. Lunch time ganun pa rin Hindi man Lang ako pinansin ng mga kaibigan ko umalis sila ng wala man Lang paalam sakin kaya't mag-isa nalang akong naglalakad papunta sa building ng school ni kuya ng makasalubong ko si Crane nginitian ko ito.
"Crane Crane"-ako pero nalungkot ako ng lagpasan ako nito, multo na ba ako? Nagdirediretso nalang ako sa building at saktong pababa na rin ng hagdan si Kuya.
"Kuya!"-ako
"Stellariana, let's go lunch na tayo"-Kuya at inakbayan nanaman ako, nagtataka ako kasi Hindi naman sa direksyun ng canteen ang tinatahak namin ni kuya. Pumunta kami sa may parking area.
"San tayo pupunta kuya?"-ako
"Sa labas na tayo maglunch Stellariana"-Kuya
"Sige ba hihi, pero kuya bakit Kaya pati si Crane Crane ay di ako pinapansin may nabanggit ba sya sayo Kung bakit?baka kasi may nagawa akong mali eh"-ako
"Wala naman syang nabanggit Stellariana hayaan mo na muna baka mamaya maging ok na rin ang lahat"-Kuya. Inalalayan nanaman nya ako sa pagpasok sa kotse then pumasok na sya sa driver seat at nagsimula ng magdrive. Pumunta kami sa isang sikat na restaurant sa kabilang subdivision, kumain kami ng sabay ni kuya. Madaldal din pala talaga sya, nakakatawa lang dahil napagkamalan kaming magsyota nung waitress ang sweet sweet daw kasi namin. Malapit ng magtime kaya't niyaya ko na si Kuya na bumalik na sa school baka kasi malate kami eh. Pumunta na kami sa parking area ng restaurant at pumasok nagdrive na si kuya pero Hindi sa direksyun patungo sa school namin.
"San tayo pupunta kuya?"-ako
"Mamamasyal, gusto Kong magkaroon naman tayo ng bonding moment"-Kuya
"Yiehhh San naman tayo pupunta?"-ako
"Somewhere"-Kuya
"Huh?"-ako
"Malalaman at makikita mo din later"-Kuya
"Hmm sige pa supense ka naman masyado kuya ha"-ako
"Syempre naman little sis"-Kuya.