Chapter Four

28 2 0
                                    


Czarina's Pov

"Pagpasensyahan mo na si Rave. Maloko lang yung batang yun pero mabait naman." nakangiting turan ni Lula Plat. Ngumiti nalang ako.

Yun ba ang mabait para sa kanya? Jusko ano pa kaya yung itim na ugali ni malandi pag nagkataon.

Akalain mong 18 years old lang yung malanding yun. Yung kalandian nya pang 25 na e.

And matanda ako sa kanya ng isang taon pero kung maka asta syang bata sya. Hmp. sarap sapakin.

"Madalas sa away si Rave kaya napauwi sya dito sa Pilipinas." patuloy pa nito. "Sa kabutihang palad, nabawasan ang pagkabasag ulo nya pero nanatili syang sakit sa ulo nina Señorita."

Para palang ako si Rave.

Tsk.

Bat ko ba ikinukumpara sa sarili ko yung malandi na yun.

Kwento lang sya ng kwento. Ngumiti nalang ulit ako. Kahit hindi ako interesado sa malandi na yun ay nakinig parin ako. Mabait si Lula Plat at base sa mga impormasyong sinasabi nito ay batid kong halos sa mga Fuentabella na siya tumanda.

Patuloy lang siya sa pagkwento. Binuksan nya ang isang pinto at doon ko napagtanto na nasa labas na kami ng Villa.

"Hamo at bilisan mo at paniguradong naghihintay na si Chase sa kwadra.

*Lakad lakad*

"Alam kong hindi maganda ang turing nyo sa isa't isa ngunit sana pagpasensyahan mo si Chase."

Kung hindi ko kailangang magpanggap na si Semele baka may kinalagyan na yung masamang ugali na yun.

"Seryosong bata si Chase. Bihirang magsalita at mas lalong bihirang tumingin sa mata ng tao."

Bihira?

E bakit kung makatingin sya sakin kulang nalang magpatayan kami sa pagtititigan?

"Kabaliktaran din sya ni Rave. Siya ang inaasahan nina Señorita sa pamamalakad ng kumpanya nila. Sa murang edad ni Chase ay CEO na sya ng Fuentabella publishing company."

Ilang taon na ba yung masungit na yun? Twenty-five?, twenty-seven? o baka naman thirty?

Ayst.

Bakit parang interesado ako kay Mr. Fiance?

"21 palang sya hija." anito na parang nabasa ang nasa isip ko. "Alam mo Hija, napakalaki ng ipinagbago mo. Kung natatandaan mo dati, ni hindi ka nakikipagusap sa mga katulong. Ayaw na ayaw mong lalapitan ka. Pero napansin kong ibang iba ka na ngayon."

Dahil yung fake na kapatid ko po yung nakilala nyo dati.

Gusto ko yang sabihin pero hindi pwede.

"Narito na tayo." anito.

Tumigil kami sa harap ng kwadra. Kwadra lang pero napakalaki.

I wonder kung ilang mga kabayo ang narito.

"Pumasok kana hija. Hinatid lang kitang talaga." sabi muli nito at ngumiti.

"Sige po." Sabi ko at agarang pumasok.

*Lakad lakad

Wow as in wow.

Napakaraming kabayo sa paligid. I know base sa mga itsura nito ay high breed o di kaya naman ay mamahaling uri sila. Gusto ko silang sakyan.

*Lakad lakad

May mga nakikita akong mga katiwala na nagpapakain sa mga kabayo. They bow whenever they see me. Di ko mapigilan pero buma-bow din ako sabay ngiti.

Hanggang sa nakita ko si Mr. Fiance. May hawak itong mga damo at pinapakain nya ang isa sa mga kabayong naroroon.

As usual, nakakunot noo then nakataas na naman yung sulok ng labi nya. Kumunot noo din ako. Anong akala nya sya lang?

"What took you so long?" masungit nitong tanong.

"Pake mo--?" Pambabara ko sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit sinasagot ko sya. Bakit hindi ko gustong magpanggap sa harap nya. Bakit ayokong maging si Semele kapag sya yung kaharap ko.

Tsk. Siguro dahil gusto ko lang talaga syang sapakin.

*What did you say?"

"Mukha kang kabayo." bulong ko. Inirapan ko sya.

"Tsk." sabi nya sabay hagis sakin nung nga damo. Tiningnan nya yun at tumingin sakin.

"Anong gagawin ko dito?"

"Pakainin mo lahat ng kabayo dito."

Hindi ko alam kung ano na itsura ko ngayon.

Aba't bwisit na to!

"Pinatawag mo ba ko para magpakain ng mga kabayo?"

"Oo." tumingin sya sakin.

Yung tingin na parang naghahamon. Kung kanina kumukulo lang yung dugo ko kay Zayner, ngayon nagwawala na yung mga dugo ko.

Sarap sapakin ng lalaking to.

"E kung ikaw kaya pakainin ko ng mga damo na to?" asik ko. Napalakas yung boses ko kaya may mangilan ngilang katiwala na napapatingin sa kung saan ay naroon kami.

Hindi nya pinansin yung sinabi ko. Inilabas nya yung dalawang kabayo. Sumakay sya dun sa isa at tumingin sakin. "Sakay." sabi nya at itinuro nya yung isang kabayo. Para syang naguutos sa isang aso.

Pero wala sa kanya yung atensyon ko. Alam ko nagningning yung mata ko. Kating kati na kasi akong sumakay sa kabayo.

"Gusto mo buhatin pa kita?" asik nya sakin nung nanatili akong nakatingin sa kabayo. Inirapan ko sya.

Gusto kong sumakay pero paano? Wala ba kong matutuntungan?

*Lingon lingon while naghahanap ng matutungtungan

Pero wala. Hayy.

Tiningnan ko sya. Gusto mong buhatin pala huh. "Isakay mo ko." mariin kong utos. Actually hinahamon ko lang naman tong masungit na to. Alam ko namang hindi yan bababa sa kabayo. Masama ugali nyan e.

"Tsk."

Pero--

Bumaba sya sa kabayo. Hala.

Lumapit sya saken. Nakakunot noo parin sya.

Pumunta sya sa likuran ko.

Teka anong gagawin nya dun?

Lumingon ako pero napaharap ulit kase yung kabayo nyang mukha nasa likuran ko.

Hanggang naramdaman ko nalang yung kamay nya sa bewang ko.

Para akong nakuryente. Hindi ko alam kung ano yung gagawin ko. Literal na nanigas yung katawan ko. Ramdam na ramdam ko yung kamay nya sa bewang ko.

Ilang sandali lang ay lumutang ako sa ere.

"Hoooooooy wag mong chansingan ang girlfriend ko."

Till the Sun DiesWhere stories live. Discover now