Hindi ko alam kung tama pa ba.
Kung tama bang muli ay napasakin ka.
Para kasing di na tama.
O sadyang mali lang talaga.Masyadong malamig yung pakikitungo mo.
Hindi ko pinapahalata na iyon yung nadarama ko.
O sadyang naaaning lang talaga ako.
Sana ayun lang yung dahilan mo.Tatanungin kita ng maayos.
Sana sagutin mo din ako ng maayos.May nagbago na ba.
O di kaya'y nagbago ka na.
Hindi ko alam kung saan dyan sa dalawa.
Dahil mukhang pareho lang naman sila.Hindi ko kasi maintindihan.
Pwede bang ipaintindi mo naman.
Para di ako nagmumukhang-tanga kakaisip sa nangyayari sa pagitan nating dalawa.
Ipaintindi mo sana dahil kahit matagal makuha ng utak ko pipilitin ko paring intindihin ka.Sa pangalawang pagkakataon.
Gusto uli kitang tanungin.Kulang pa ba.
May iba na ba.
Kaya mo pa ba.
Yan ang mga tanong na gusto kong sagutin mo ng tama.Kaso natatakot ako,natatakot ako.
Sa mga magiging sagot mo.
At sa kabila non kinakabahan na din ako.
Na sabihin mo yung dalawang letrang ayaw kong marinig mula sayo.Dalawang letrang di ko kayang marinig.
Dahil sa ayokong makinig.
Wag mo sanang iparinig.
Sa kadahilanang di kaya sa pandinig .Bat kaya may gantong klaseng tao.
Na kapag tinanong mo.
At di ka sinagot masasaktan ka.
Pero kapag sumagot at sinabi sayo yung totoo masasaktan ka.Sa pangatlong pagkakataon tatanungin ulit kita.
Sana magpakatotoo kana.Meron pa ba.
May natitira pa ba.
May pag-asa pa ba.
Pwede pa ba.Nawawalang pagod sa tuwing nakakasama kita.
Nabubuong araw ko sa tuwing nakikita kita.
Ngunit sa kabila non,nakakalungkot din pala.
Dahil ilang araw nanaman akong magmumukmok dahil di kita nakita.Parang ayoko ng humarap.
Sa tuwing ako'y di mo kinakausap.
Ang hirap din palang magpanggap.
Na masaya sa kadahilanang nagdurugo na yung puso ko na di na maatim na matanggap.Sa huling pagkakataon tatanungin uli kita.
Umayos ka naman na sana.Susuko ka na ba.
Wala na ba talaga.
Finish na ba.
Hanggang dito nalang ba yung binuo nating dalawa.Napakarami kong gustong tanungin.
Kaso wala ka namang gustong sagutin.
Pero hinahayaan ko pa din ang isip ko na maglakbay.
At sa kabila non nagwawala na yung puso ko ng walang humpay.Kinaumagahan magtatanong kung pumasok ka na ba.
Kinatanghalian magtatanong kung kumain ka na ba.
Kinahapunan magtatanong kung nasaan ka na ba.
Kinagabihan magtatanong kung nakauwi ka na ba.Hanggang sa pagmulat.
Hanggang sa pagpikit.
At hanggang sa panaginip.
ikaw parin ang nasa isip.At ang aking pang-wakas.
Alam kong wala akong takas.Nagsimula sa kantang "FRIEND OF MINE".
Papunta sa kantang "YOUR LOVE".
natapos sa kantang "BEFORE I LET YOU GO".
Nagtatanong sa kantang "BAKIT BA IKAW".
Pero sana magsimula ulit sa kantang "STARTING OVER AGAIN".
YOU ARE READING
Spoken Word Poetry
PoetryNever Cry For The Person Who Dosen't Know The Value Of Your Tears Sana Po Magustuhan Nyo..