S A K I T

19 1 0
                                    

Ang bawat paggising ay nagmistulang ordinaryo nalang.
Wala ng maisip na dahilan,
Kung bakit pa ba ako babangon.
Kung bakit- kinailangan ko pang idilat ang aking mga mata at muling silayan ang umaga.

Aanhin ko ba itong nag-aala paraisong paligid,
Gayong nawalan nako ng pake.
Nawalan na ng halaga.
Hindi ko na makita ang aking sariling sumasaya,
Nakalimot nako sa dati.

Kabiguan ang nagturo sakin kung paano maging negatibo,
Mga sakit ang humulma sakin ng tuluyan at ibinalik ako sa pagiging gago.
At ikaw, ikaw ang naging dahilan kung bakit at sino ako ngayon.

Dahil sayong pananakit,
Tuluyan mong pinalabas ang nakatago kong ugali.
Dahil sayong pananakit,
Kinalimutan ko ang aking sarili.
Oo- libre ngang masaktan,
At ito ang nagpapalakas satin
Subalit parang awa mo na.
HUWAG MO NAMANG ARAW-ARAWIN.

Di ako solid na costumer,
Pero dahil sayo ay naging matapat na suki.
Mga pangakong binali,
Mga salita mong kinain.
Kaya ngayon, huwag ka ng umasang makilala ako ulit.
Kase dahil sayo,
GUMISING AKONG SA MUNDO AY GALIT.

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now