Nakatulala sa apat na sulok ng kwarto
Nagiisip, nalulungkot, at nalilito
Kaibigan, alam mo ba kung ano ang dahilan nito?
Halika't basahin ang aking kwentoSa pag mulat ng mga mata
bakit dilim parin ang nakikita
laging lito at takot
pagod at malungkot
tila sana'y na sa pag iisa
pilit hinahanap ang pag asa.Pinagmasdan ko ang bawat hampas ng alon sa dalampasigan,
Pinakinggan ang mga hinaing ng karagatan
Sinisid ang kaibuturan at dito nananahan ang pusong nasugutan sa pakikipaglabanPinagmasdan ko kung paano tangayin ang mga buhangin patungo sa kawalan
Sa kung pa'no nabura ang inukit nating pangalan
Pinakinggan ko ang ritmo ng hangin
Sa kung paano ang simbuyo ng damdamin ay liparinlumuluha ng dugo abot langit ang pighati
sadyang ang lungkot ay hindi mapapawi nahihirapan ang isipan kong saan na ba ako ipapadpad ng tadhana.Kaya pinikit ko ang aking mga mata
Dinama ang sakit na dulot ng iyong pagkawala
Hindi maka-alpas
Pagkat yaring puso'y sayo'y nakaposas
Hindi matanggap ang panghimakas
At nilunod yaring sarili upang sa sakit ay makatakassa ngayon, akin ng napagtanto
nang iwanan niya'y nag iba ang mundo
at pilit nililimot mga kahapong nangyari bawat minuto na siyang magpapasakit sa kalooban lalo.Hindi ko na muling mararanasan ang iwanan,
Dito wala ng sakit at kalungkutan,
Dito wala ng pusong masusugutan
Dito walang digmaan sa pagitan ng adhikain at patuloy na lumalabanhindi mawari'y bakit nagkaganito, pag iibigang kay saya bakit biglang nag laho
Napagtanto na kahit anong pikit ng mga mata
Alaala naging dalawa parin ang nakikita
Na kahit anong takas
Ramdam parin ang sakit ng kahapong lumipasGusto ko ng kalimutan ang lahat ngunit ala-ala mo'y nagkalat gusto kong sumigaw na tama na sapagkat hindi natin maibabalik ang matamis nating ala-ala.
YOU ARE READING
Spoken Word Poetry
PuisiNever Cry For The Person Who Dosen't Know The Value Of Your Tears Sana Po Magustuhan Nyo..