"TANGING HILING"

42 2 1
                                    


Isa...
Isang malalim na buntong hininga ang aking nagawa ng matapos ang isang oras na paghihintay sa aming guro na walang humpay na dumadakdak dahil sa kanyang malamakatang panenermon sa buong klase.... Tila hanging pumasok lamang sa aking kanang tainga ang mga mabulaklak nyang kataga at dagling lumabas din sa kaliwa kong tainga... Para bang nasanay na ang bawat isa sa ganung eksena...

Dalawa....
Dalawang minuto pa ang aking pinalipas bago ako tuluyang tumayo sa aking kinauupuan at tuluyang lumabas sa aming silid aralan... Walang anu-ano'y naririnig ko na ang mga sigawan ng mga mag-aaral na tila masayang masaya dahil uwian na at magagawa na ang mga kagustuhan.... Maglaro... Magkwentuhan... At marami pang iba... Walang pakialam sa oras na lumilipas...

Tatlo
Tatlong hakbang na lang at malapit na ako sa huling baitang ng hagdanan... Tunay ngang tila nakakapagod talaga ang ganitong sitwasyon araw araw subalit dahil sa pangarap kailangang ipagpatuloy ang nasimulan.... Ilang araw na lang ang titiisin at malapit ng maabot ang diploma na matagal kong hinihintay...

Apat
Apat na araw na lang halos siyam napu't anim na oras ang katumbas... Matatapos na din ang kalbaryo sa loob ng silid aralan... Sa pagsolve ng mga problema sa math, pagtuklas ng kung anuano sa science, pagpilipit ng dila sa mga tagalog na hindi ubod matarok, nosebleed sa mga english ni mam, pagsasaliksik sa mga nakaraan, kasalukuyan at hinaharap sa social studies, pagbabali ng mga katawan sa pe, pag abot ng mga notes sa music, paggamit ng napakaweird na isipan sa art, pagiging responsible sa tle, at pagiging mabait at totoong tao sa values. Sa wakas... Kunti na lang at makakalaya na...

Lima
Limang tao ang aking hindi makakalimutan sa minamahal kong paaralan... Ang aming guro na walang humpay sa pagtuturo lalo na sa pagiging mabuting tao, ang aking mga kaklase na kahit mga bully at magugulo ay malaking tulong sa pagkatao, si kuya janitor na hindi nagrereklamo sa paglilinis ng aming naiiwang kalat, si kuya guard na laging nabagbabantay at sumasama sa akin sa paghihintay at syempre si bestfriend na tumulong sa akin sa lahat ng assignments at projects at nagbibigay ngiti...

Kaya sa huling pamamaalam sana makaabot ako sa araw ng pag-akyat sa entablado at personal kong mahawakan ang diploma ng aking pagtatapos.... Sana... Sana... Ang tangi kong hiling na sana pagbigyan ako ng MayLikha...

(Naghihingalong mag-aaral matapos masagasaan ng sasakyan sa pagliligtas sa kanyang kaibigan)

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now