"Huling Tula Para Sa'yo"

41 2 0
                                    


Alam ko.
Alam kong hindi lang ako ang lalake sa mundo.
Alam kong hindi lang ako ang lalakeng mamahalin mo.
Alam ko rin na may darating na tamang tao para sa'yo.
Na makapupuno sa lahat ng pangkukulang ko.
Alam kong may darating din na mas magmamahal sa'yo nang totoo—
At tatanggapin ka nang buong-buo.
Kahit pa alam mo sa sarili mo na kulang kulang ang iyong pagkatao.
Wag kang mag-alala,
Hindi mo naman na ako kailangang maalala.
Sapat na sa akin na makita kitang "masaya",
Kahit pa ang kasiyahang iyon ay sa piling ng iba.
Pakiusap, h'wag kang maghanap ng katulad ko.
Hintayin mo—
Alam kong ipagkakaloob sa'yo ang isang tao na mas kayang higitan lahat nang naibigay ko sa'yo.
Na kahit ano pang mangyari ay mananatili sa tabi mo.
At tutupad sa lahat ng binitawan niyang pangako.
Na mas kaya kang sulatan ng tula higit pa sa naisulat ko.
Na mas maiintindihan at ipapaintindi sa'yo ang kahulugan ng totoong pagmamahal—
At ang pakiramdam ng minamahal.
Na makakasama mo sa pagdarasal—
At kasabay hihiling sa Maykapal,
Ng isang pagsasamang matibay at magtatagal.
Muli, umaasa ako na masisilayan ko pa rin ang mga ngiti mong minsan kong naging paborito.
Na makikita kitang masaya—
Kahit pa sa piling iyon ng ibang tao.
Na dapat sana ay ako.
Na dapat talaga ay ako.
Gayumpaman,
Masaya ako.
Para sa'yo,
Para sainyo.
Makakaya ko ring kumpunihin ang nadurog kong mundo.
Magagawa ko ring ngumiti,
Bagaman alam kong pansamantala lang ako.
Mahahanap ko rin ang sarili ko.
Ipinapangako kong magiging maayos ako.
Sa huli, itong malaking puwang sa puso ko ay mananatiling patlang.
Patlang na walang ibang makasasagot kahit na sino.
At ang kukumpleto lamang sa patlang na ito ay ang kalahating bahagi ng iyong puso.

Spoken Word PoetryWhere stories live. Discover now